P29: Proclamation

50 4 0
                                    

Ang tubig ay simbolo ng buhay. Maraming nilalang sa kalawakan ang umaasa sa biyayang dulot ng tubig. Dito sa Serdin, ang kaharian ng Aqueos ang sentro ng tubig. Dito ang tirahan ng mga water at ice guardians. Isa sa mga anyo ng tubig ay ang yelo; isang elementong kasing tibay ng mga bato sa Erthos. Ang tubig sa karaniwan nitong anyo ay maraming kakayahan. Maaari itong maihulma sa kahit anong anyong gustuhin ng isang guardian. Ang mga water guardian ay bihasa sa anumang sandata, gaya ng abilidad ng tubig na kumuha ng kahit anong anyo. Ang tubig ay isang malakas na elemento kung gagamitan ng talas ng isip samahan pa ng likas na lakas ng kapangyarihan.



Albert's POV:

Ngayon ang huling araw na ibinigay sa akin ng mga elder guardian upang maghanda sa kanilang pagsasanay. Sa loob ng tatlong araw, tinuro sa akin ni Acquila ang lahat ng dapat kong matutunan tungkol sa tubig, ang aking main element.

Ngayong araw din ay may isang malaking pagtitipon sa buong Serdin na gaganapin sa Mt. Olivia. Pormal na akong ipakikilala ng mga elder at royal guardian sa mga mamamayan ng Serdin. Grabe, kinakabahan ako. Ako kaya ang sasabihin nila sa akin?

"Lotus! Ano? Handa ka na ba? Hinihintay na tayo ni Princess Acquila.", sigaw ni Diane mula sa labas ng aking silid.

"Oo! Handa na ako. Saglit na lang at lalabas na ko.", sabi ko naman.

At ayun na nga. Lumabas na ako sa aking silid at pumunta na kami sa Mt. Olivia. Isinakay kami ni Acquila sa isang malaking bula. Hay, pwede pala yung ganun. Bakit pa kami naglakad papunta sa Aqueos nung isang araw?



Leun's POV:

"Ma, pa, aalis na po ako.", pagpapaalam ko sa aking mga magulang.

"Sandali lang anak. Sasabay na kami sa iyo.", sabi ni mama.

"Ay. Sige po.", may magagawa pa ba ako? Tsaka ngayon ang araw na ipakikilala na si Albert sa buong Serdin. Isa itong malaking pangyayaring hindi dapat palampasin ng mga guardian.

Ilang saglit pa ay handa na sila mama at papa. Lumabas kami ng bahay at lumipad na kami papunta sa Mt. Olivia.

~~~

Pagdating namin sa Mt. Olivia, agad na akong humiwalay sa mga magulang ko upang hanapin ang mga kaibigan ko. Nakita ko silang nagkukumpulan sa may tabi ng lawa.

"Oh. Andito na si Leun, kumpleto na tayo!", sabi ni Sundy.

"Avette! Kumusta na kayo?", pagbati ko sa kanila.

"Avette!", sabay-sabay nilang pagbati sa akin.

"Hay, namalagi lang ako sa Pyros nitong mga nakaraang araw. Nakakabagot nga eh.", sabi ni Scarlet.

"Ako rin, nandun lang ako buong araw sa bahay namin.", sabi naman ni Lira. "Ikaw ba Leun, anong pinagkaabalahan mo?"

"Ah. Nagsanay pa ako sa pakikipaglaban at paggamit ng aking kapangyarihan. Nagpatulong ako kay papa.", sagot ko sa kanila.

"Wow! Iba ka rin eh. Puro pagsasanay ang ginawa natin sa Earth, tapos pagsasanay pa rin hanggang dito sa Serdin?", sabi ni Sundy.

"Hihi. Ganun talaga eh. Gusto kong magampanan ko nang husto ang pagiging protector ko sa Lotus. Hindi pwedeng magpakakampante.", napakamot na lang ako ng ulo, nahihiya kasi ako. :3

"Hmm. Sabagay. May katuwiran ka.", sagot sa akin ni Sundy.

"Eh kayo ba? Anong ginawa niyong magkapatid nitong nakaraan?"

"Ah! Dahil sobra kong na-miss ang Serdin, lalo na ang Erthos, nakipaglaro ako sa mga hayop at mga batang guardian nitong mga nakaraang araw! Grabe, ang tagal ko ng hindi nagawa yun. Ang sarap ulit sa pakiramdam.", sabi ni Sundy na tuwang-tuwa.

"Naku! Ang saya naman nun. Dapat pala nakipaglaro rin ako sa mga bata sa amin.", sabi ni Scarlet. "Eh ikaw Andy, anong ginawa mo?"

"HAHA! Dinumog lang naman siya ng mga 'manliligaw' niya. Nang malaman sa Erthos na nagsanay siya sa Earth kasama ang Lotus, ang dami ng nagsulputang mga lalaki. Naawa nga ako sa kanila, bukol at sakit sa katawan lang kasi ang inabot nila dito kay Andy."

"HAHAHAHAHA!", sabay-sabay naming tawa.

"HOY! Magsitigil nga kayo. Baka gusto niyo ring mabigyan ng sakit ng katawan?! Tsaka, ikaw Sundy, pwede ba itikom mo yang bibig mo kung tungkol din lang sa akin ang sasabihin mo?!", sabi ni Andy. Grabe talaga ang babaeng to, walang kupas.

~~~

Maya-maya ay nagsalita na si Magus mula sa tuktok ng bundok.

"Mga minamahal naming mamamayan ng Serdin, nagagalak ako at nandito kayo sa isang makasaysayang pangyayari sa ating mundo. Narito tayo ngayon upang pormal na makilala ang sinasabi sa propesiyang bubuhay sa kapangyarihan ng ating panginoong si Lexus. Pero bago ang lahat, magbigay pugay muna tayo sa anim na royal guardians!"

Magus: "Mula sa Pyros, si Price Zen!"

Zen: "Sa ngalan ng mga fire guardian, ako si Zen, mula sa nag-aalab na kaharian ng Pyros, at nalulugod akong makilala ang Lotus!"

Guardians: *clap*clap*clap*

Magus: "Mula naman sa Erthos, narito sina Aldea at Andrei."

Aldea: "Magandang araw. Ako si Aldea."

Andrei: "Ako naman si Andrei. At sa ngalan ng mga ground at nature guardian,"

Aldea & Andrei: "ikinalulugod naming malaman na narito na sa Serdin ang Lotus!"

Guardians: *clap*clap*clap*

Magus: "Mula sa Aqueos, sila Acquila at Argon."

Acquila: "Ako si Acquila."

Argon: "Ako si Argon."

Acquila & Argon: "At mula sa Aqueos, masaya kami sa pagdating Lotus!"

Guardians: *clap*clap*clap*

Magus: "At pinakahuli, narito si Aira, mula sa Aeros."

Aira: "Avette guardians. Ako si Aira, mula sa Aeros. At malugod kong sinasabi na nandito na siya. Matapos ang humigit kumulang 900 na taon, atin ng makikilala ang Lotus!"

Guardians: *clap*clap*clap*

"At ngayon, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang guardian na bubuhay sa kapangyarihan ni Lexus, isang guardian mula sa Earth, isang water guardian, narito na ang Lotus, ipinakikilala ko si Albert!"

At habang nagpapalakpakan ang mga guardian, dahan-dahan namang lumabas si Albert mula sa likod ng mga royal guardian. Kitang-kita sa mukha niya ang tuwa. Ang daming mga guardian ang masayang makita siya.

Nagsimula na. Ipinakilala na si Albert sa buong Serdin, at lalong bumibigat ang kanyang responsibilidad. Kaunting panahon na lang at tuluyan ng mabubuhay si Lanaya. Mahaba pa ang tatahakin ni Albert, ang tatahakin namin ng Lotus. Pagkatapos ng araw na ito ay magsisimula na ang pagharap sa mga royal guardian. Malapit na. Malapit ng mabuo ang kapangyarihan ng Lotus. Malapit ng mabuhay ang kapangyarihan ni Lexus.

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon