Albert's POV:
"Maligayang pagdating, Lotus", bati sa akin ng mga elder guardian pagdating namin sa Mt. Olivia.
"Sa-salamat.", sabi. Hindi ako makapagsalita nang maayos, nahihiya kasi ako.
"Dito mo makukuha ang iba pang kapangyarihan ng mga elemento para tuluyan mo ng mabuhay ang kapangyarihan ni Lexus.", sabi ni Magus.
"Agad-agad? Ngayon na ba?", sagot ko.
"Wala na tayong oras."
"Hindi ba pwedeng makahingi muna ako ng break? Gusto kong mag-relax bago ako sumabak sa mga matitinding laban."
"Tama siya, Magus.", sabi ni Luna. "Wag natin siyang biglain, bigyan na muna natin siya ng sapat ng panahon para ihanda ang kayang sarili."
"Sige, may katwiran ka.", sagot ni Magus. "Tatlong araw. Bibigyan kita ng tatlong araw para makapagpahinga."
~~~
At ganun nga, nabigyan ako ng tatlong araw para magpahinga. Nagsiuwian na yung mga kasama ko sa kani-kanilang mga lugar habang ako ay naiwan kasama sina Zen at Acquila.
"Aalis na rin ako, Acquila, Lotus.", sabi sa amin ni Zen.
"Sige. Paalam.", sagot naman ni Acquila, at si Zen ay naging bolang apoy at umalis.
"Lotus, tara.", sabi naman sa akin ni Acquila.
"Po?", yun lang nasabi ko. Saan naman kami pupunta?
"Sabi ko tara na. Pupunta tayo sa Aqueos. Isa kang water guardian kaya sa akin ka uuwi."
"Si-si-sige po."
"Oh pano, sundan mo ako.", at naglakad kami papunta sa Aqueos. Wala bang mode of transportation tong si Acquila at naglalakad lang siya?
Hay. Ang bagal niyang maglakad. Lahat ng halamang madaanan namin ay hinihimas-himas pa niya. Kailan kaya kami makararating sa Aqueos? Pero kahit ganun, nakita ko naman ang ganda ng Serdin. Ang payapa, ang tahimik, ng daming mga halaman at hayop. May mga ibon na hindi ko nakikita sa Earth, ang gaganda nila. Naisip ko tuloy na sana ay nakalilipad din ako gaya ni Leun para makita ko ang ganda ng buong Serdin.
Habang papalapit kami sa Aqueos, unti-unti napapalitan yung lupa ng puting buhangin. At maya-maya pa, lumabas na kami sa gubat at nakita ang isang napakagandang dalampasigan.
"Nandito na po ba tayo?", tanong ko.
"Oo nasa Aqueos na tayo, pero hindi pa ito ang sentro. Ang buhay sa Aqueos ay makikita sa ilalim ng karagatan at sa mga islang nakikita mo mula rito."
"Ah. Bukana lang pala ito ng Aqueos."
"Parang ganun na nga. Osha, tara na. Nakikita mo ba yung islang yun na may malaking puno?", sabay turo dun sa sinasabi niya. "Yan ang tirahan ko. Dun tayo unang pupunta."
"Sige po.", sabi ko lang.
"Tara.", at nagpunta na siya sa may tubig.
"Uhm ... Hi-hindi po ako marunong lumangoy.", sabi ko.
"AHAHAHA! Ano ka ba? Isa kang water guardian. Hindi mo dapat katakutan ang tubig."
Napakamot lang ako ng ulo sa sinabi niya, "Ah. Hihi."
Tiningnan niya ako na parang nag-iisip. "Sige. Sa tatlong araw na ibinigay sayo ng elders, sasanayin kita. At ang unang pagsubok ay ang makaratin ka sa aking tahanan bago dumilim."
"Huh?! Pero ... ", hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil mabilis na lumangoy si Acquila. Biglang naging buntot yung paa niya at agad-agad akong iniwan.
"Hay nako naman! Akala ko ba pahinga ang binigay sakin ng elders? Eh sa training din lang pala mauuwi."
Wala na akong nagawa kaya naupo na lang ako sa buhangin. Pagkaupo ko, may nakita akong kumikislap malapit sa paa ko. Kinuha ko yun at yun pala yung batong binigay sakin ni Leun sa Alcubra. Yung batong nilunok ko, nandito. So dito kami dinala ng bato nung nilunok ko yun. Ilang saglit pa, bigla na lang naglaho yung bato sa kamay ko. "Hala! Baka nag-expire na? Once lang siguro yun nagagamit?"
Sa tagal kong nakaupo sa buhangin, hindi ko naiwasang mag-isip kung paano ako makakapunta dun sa islang sinasabi ni Acquila. May kalayuan ito, yun yata yung pinakamalayong isla na matatanaw mula rito sa dalampasigan.
Nilabas ko yung Shinn. "Sword!", at walang hirap kong napalabas ang espada gamit ang arma ko. Pero ano naman ang maitutulong nito?
Nag-isip ako ... Maya-maya pa, tumayo na ako at lumapit sa dagat. Tinapat ko yung Shinn sa tubig. Inalis ko yung espada kaya bumalik ito sa pagiging hawakan na lang. Hinawakan ko ito gamit ang dalawa kong kamay. Tinawag ko ang pangalan ng arma ko, "Shinn", sabi ko. At unti-unti itong kumukuha ng tubig mula sa dagat. Pumikit ako at nag-concentrate.
"Aking arma, mag-anyong latigo ka. Shinn, whip!", naramdaman kong biglang bumilis ang paghigop ng Shinn sa tubig. At pagbukas ko ng mata ko, nakagawa na ako ng isang latigong gawa sa tubig at may matalim ng dulo.
"Yes! Yes! May pangalawang form na ang Shinn ko.", sabi ko na tuwang-tuwa. Tumayo na ako sa tapat nung isla. "Ngayon Shinn, humaba ka!", tapos iwinasiwas ko yung latigo papunta sa direksyon ng isla. At ayun, humahaba yung latigo papunta sa isla. Hawak ko yung Shinn ng kanan kong kamay habang nasa kanang braso ko naman yung kaliwa kong kamay.
Akala ko maaabot ko na yung isla gamit ang Shinn pero nung nasa kalagitnaan, sumabog yung tubig. Sa lakas ng impact, napaatras ako at napaupo sa buhangin.
"Argh!!! Nakakaasar! Paano ba ako makakapunta dun?!", sabi ko.
"Wala pala eh. Paano mo ipagtatanggol ang Serdin kung sa simpleng pinapagawa sayo ni Princess Acquila eh hindi mo na kaya?", may isang maliit na boses ang narinig ko sa likod ko. Paglingon ko, may nakita akong isang maliit na babaeng may pakpak.
"At sino ka naman?!", sabi ko. Mejo badtrip pa kasi ako.
"Aba-aba. Ang sungit naman nito! Hmp!!! ... "
"Oh di sorry na. Badtrip lang kasi ako."
"Mag-concentrate ka kasi. Isa kang water guardian kaya madali mong mapapasunod ang tubig.", lumipad siya papunta sa tubig. "Parang ganito.", kinontrol niya yung tubig at gumawa ng isang bola, mas malaki lang ng konti sa kanya. "Oh catch!", tapos binato niya sa akin yung tubig.
*splash!* Tinamaan ako sa mukha. -.-
"Ay! Sorry. Akala ko hindi ka tatamaan. :3 ", sabi niya.
"Panong hindi ako tatamaan?! Eh kung ikaw kaya batuhin ko", tapos kumuha rin ako ng tubig at binato sa kanya.
"Oh ha? Ano ngayon? :P ", hinarang niya lang yung tubig.
"Wala na akong panahon para makipaglaro sayo. May pagsubok pa akong kailangang atupagin.", sabi ko sa kanya.
"Ay oo nga pala. Sige, tara na."
"Anong tara na? Sino ka ba talaga?"
"Ow. Nalimutan kong magpakilala. Lotus, ako si Diane. *bow* Isa akong water pixie. Inutusan ako ni Princess Acquila na samahan ka."
"So ibig sabihin dadalhin mo na ako dun sa isla?"
"Hindi. Sasamahan lang kita. Ikaw pa rin ang gagawa ng paraan."
"Hay. Tara na nga."
Acquila's POV:
Hindi pa talaga lubusang handa ang Lotus. Kahit ang simpleng pagtawid sa tubig ay hindi niya magawa, pano pa kaya niya magagamit nang mabuti ang ibang elemento kung ang pangunahin niya kapangyarihan ay hindi pa niya kabisado?
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.