P14: Flames

413 13 0
                                    

Shaiya: "Orryx! Fire Gale!!!" ...

.

.

.

.

Geraldine: "Carnation!!! Fire Storm!!!" ...

Dalawa ... Dalawa sa anim na Imperium Flame ang nakita ko. Ang Orryx at ang Carnation.

Leun's POV:

*FLASHBACK (3 years ago)*

Klase na namin kay Elder Guardian Luna sa may paanan ng Mt. Olivia. Ang klase sa mga elder guardian ay tungkol sa History at Legends. Pangkalahatan ang kanilang tinuturuan kaya pag klase sa kanila ay nagsasama-sama ang mga guardian mula sa apat na kaharian. Twice a month lang naman sila magturo kaya okay lang. At ayun na nga! Late na ako >.< Dali-dali na akong lumabas ng bahay at lumipad papunta sa Mt. Olivia.

Pagdating ko, magsisimula pa lang na magturo si Elder Luna. *phew* Mabuti naman kung ganun. Nakita ko si Andy, wala siyang katabi kaya ako na lang tumabi sa kanya. Sa damuhan lang kami nakaupo pero enjoy naman.

"Andy!", sabi ko sa kanya, taz biglang upo sa tabi niya.

"Oh? Baket?! Late ka.", masungit niyang sagot. Kahit kailan talaga tong babaeng to, napakasuplada. Lalo na sa mga lalaki.

"Kahit kelan talaga, maldita ka. Kaya walang naglalakas loob na manligaw sayo eh. Tsaka hindi ako late noh?!"

"Anong hindi?!! At isa pa, kung nasusungitan ka saken, ehh di umalis ka. Alis!"

"Eto naman. Sinasabi ko lang."

"Hmp! Che!!!", aalaskahin ko pa sana siya, pero nagsalita na si Elder Luna. Heh! Pasalamat ka mag-uumpisa na sila.

"Okay guardians. Tumahimik na kayo.", at tumahimik na nga ang lahat. "Bago ako magsimula, sino muna sa inyo ang mga guardian ng Pyros?", nagsitaasan ng kamay ang mga fire guardian. Hmm.. Bakit kaya nila naitanong yun? "Ayan. Kaya ko naitanong kung sino dito ang fire guardians dahil ang topic natin ngayon ay tungkol sa apoy. Makinig kayo."

"Ang apoy ay isa sa mga elementong bumubuo Serdin, isang mainit na elemento. Kung mapapansin ninyo, ang kulay ng apoy ay pula o orange kung minsan. Ito ang kulay ng isang karaniwang apoy. Ito ang apoy na tinataglay ng lahat ng fire guardian, pero hindi tungkol sa basic flame ang pag-uusapan natin, kundi tungkol sa iba pang uri ng apoy."

"Talaga po? May iba pang uri ng apoy?", tanong ni Scarlet sa kanya.

"Oo. Bukod sa Red Fire na ang tawag ay Crimson, meron pang anim na klase ng apoy, base sa kulay. Ang tawag sa mga ito ay Imperium Flames. Bawat flame ay may kani-kanyang katangian at kakayahan.

Una, ang White Flame o Cosmite. Ito ang flame of purity, ang pinakapurong apoy. Dahil sa sobrang pure nito, ang Cosmite ay ang pinakamainit na uri ng apoy.

Sunod ay ang Purple Flame o Cerise. Ito ang flame of death. Ang apoy na ito ay sumusunog hanggang sa kaluluwa at espiritu. Dahil dito, ang nasusunog ng Cerise ay hindi nag-iiwan ng abo o anumang bakas ng pagkasunog.

Isa pang uri ng apoy ay ang Blue Flame o Azure. Ito ang flame of shards. Ang tinatamaan ng apoy na ito ay nagiging yelo, mainit na yelo. Maaring nagyeyelo nga ang natatamaan nito, pero nasusunog parin ito sa loob.

Pang-apat ay ang Green Flame o Celadon. Ang poisonous flame. Naglalabas ng poison hazards ang apoy na ito. Ang makalanghap nito ay manghihina o mamamatay.

Panlima ay ang Black Flame o Orryx. Ito ang flame of shadows. Ang init ngbapoy na ito ay kayang tumagos sa mga bagay ayon sa kagustuhan ng nagmamay-ari sa kanya. Pagtinamaan ka nito ay pwede kang masunog masusunog ka mula sa loob.

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon