We're like wandering stars allowing ourselves to get lost in the darkness of the ocean.
"Hindi ka inaantok?" He asked. Nakatayo sya sa tabi ko habang sabay naming pinagmamasdan ang kalawakan ng dagat.
"Ako pa talaga tinanong mo, 'no?" I answered sarcastically then laughed. Kung puyatan lang din naman ang pag-uusapan, wala na yatang makakatalo sa akin dahil sobrang sanay na ako sa ganoong sistema.
"Oo nga naman." He answered realizing how true my response was. "Ayaw mo sa loob? Matagal-tagal pa 'tong byahe natin." He asked. Lumingon ako sa kanya bago ko siya sinagot.
"'Wag na lang. Okay na rin naman ako dito sa labas. Besides, look at the sea. Sobrang relaxing." I answered. Binalik ko ang atensyon ko sa dagat dahil sobrang relaxing talaga sa pakiramdam. Isa pa, puro pamilya ang nasa loob. It's as if an imaginary line exists where it excludes us from belonging there dahil wala kaming kasamang kamag-anak.
"Sobrang lalim. Nakakatakot. But I feel like you find your home kasi ganyan ka kalalim as a person." He replied which surprised me.
"Paano naman ako naging malalim? Pakiramdam ko nga, I'm already an open book lalo na sa 'yo kasi nababasa mo ako." I curiously asked. Hindi ko makita 'yung lalim na sinasabi niya kasi pakiramdam ko, I'm always at a surface level.
"Exactly! I'm sure na sobrang lalim mo kasi nababasa kita and I'm certain na hindi pa kita nababasa nang buo." He replied. The thought of someone reading me entirely should've scared me but why do I feel like I'm willing to reveal the pages just so he can read my entirety? "And you know? This is the kind of incompleteness that I like kasi hindi man kita mabasa nang buo, lahat ng nabasa ko nagustuhan ko na."
And again, as if on queue, parang huminto lahat ng nasa paligid ko. The sound of waves seemed like a romantic song playing for us to dance on. The stars shined brighter making the vibes more romantic for the two of us. I'm staring at an empty view but merely a dark blue ocean pero pakiramdam ko, umiikot ang mundo para sa akin.
"Nagugutom ka?" Tanong niya na nakapagpabalik sa ulirat ko. I stared at him once more to make it appear na hindi ako na-awkwardan sa senaryong tumakbo sa utak ko.
"Parang nga." I answered. Baka nga nagugutom na ako kaya kung ano-ano na ang naiimagine ko.
He then signaled us to go in - where families stay and bond with each other. Sumunod lang ako sa kanya. Dumiretso kami sa nagtitinda ng mga cup noodles at tsitsirya.
He ordered a cup noodles so I ordered the same. We were forced to stay inside na iniiwasan ko sanang mangyari dahil akala ko, maiinggit ako kasi wala akong kasamang kapamilya. But Justin was enough. Who would've thought that he would be enough? Siguro nga, ganoon na ako kasanay na kasama siya. And maybe... just maybe, in him, I found my home.
"Dadalawin kita sa inyo, ha?" He uttered.
"Sus? Ni hindi mo ako macocontact sa Messenger kasi walang signal sa amin." I replied. Sobrang rural pa ng lugar namin as compared to them na medyo urbanized na kaya paniguradong hindi niya rin ako macocontact.
"Kahit text?" He asked.
"Medyo okay siya compared sa data. Pahirapan kasi talagang makahanap ng signal so kapag text, papasok na siya the moment na magkasignal ka." I answered.
"Mind if I get your number then?"