CHAPTER SIXTY SEVEN

160 12 0
                                    

Kahit na gabi na't hindi na ako dapat pang tumapak ng Spotlight ay nagpunta pa rin ako. Just for now, I didn't care at all. About the people who will might see me, about the circumstance, about everything. There's something in me that convinced me that I need to be there. I have to be there.

Hindi naman ako nahirapang hanapin si Justin dahil puno lahat ng lamesa maliban sa isa. And there he was, welcoming me with a smile.

Without any word coming out of my mouth, I sat in front of him. Mauubos niya na ang isang bucket ng beer ngunit kita mong hindi pa rin siya lasing.

Maya-maya lang ay lumapit ang server at nag-abot ng isa pang bucket ng alak.

"Sira ka! Simula na ng klase bukas tapos maglalasing ka pa?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.

Imbis na sumagot ay ngumisi lang ito kaya't napailing na lang ako.

"Ang tagal mo nang hindi nakatapak dito, 'no?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Medyo. Kailangan, eh." Sagot ko rito.

"Iba na talaga pag famous." Biro nito.

Ang gaan sa pakiramdam. Parang kahit kailan, hindi niya ako iniwasan.

"Sira." Reaksyon ko sa sinabi nito. "Namiss ko 'to." Sabi ko habang lumilingon sa paligid.

The music, the vibe, the place, the people..... Justin.

Sana pagkatapos ng gabing 'to, bumalik na kami sa dati.

"Gusto mong kumanta?" Tanong niya. Marahil ay kukunin niya ang song book kung umoo ako.

"Ayaw kong makakuha ng atensiyon. Baka makilala pa ako." Sagot ko habang umiiling.

"Sabagay."

Pagkasagot niya noon ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatingin lang siya direkta sa aking mga mata hanggang sa basagin niya na ang katahimikang iyon.

"May gusto kang sabihin sa akin?" Tanong niya na ikinagulat ko dahil hindi ko inasahan.

"Huh?" Tanging nasagot ko.

"Wala. Random lang. Baka may gusto kang sabihin sa akin." Paliwanag nito.

"Wala naman. Grabe. Lasing ka na ba? Bakit parang ang drama?" Tanong ko. Sobrang out of nowhere naman kasi ng tanong niya.

"Hindi ko na rin naman maaalala 'yan bukas so sabihin mo na. Alam kong galit ka." Pilit nito.

Muli ay natigilan ako. Parang tumahimik ang buong paligid para hintayin ang sagot ko.

"Ako na lang. Kasi kahit hindi mo aminin, alam kong galit ka. I deserve that anger, Sam. And I'm sorry kasi nagbago ako. I'm sorry kasi alam kong kinukwestiyon mo 'yung sarili mo kung bakit ang bilis nag-iba ng mga bagay and walang makapagbigay ng sagot sa 'yo kasi ako lang ang makakasagot. Sorry, Sam..... sa lahat." Tuloy-tuloy na sabi nito. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko dahil damang-dama ko ang mga sinabi niyang iyon. "Kung galit ka pa, maiintindihan ko. But I just want you to know..." Natigilan siya. Gusto kong marinig ang sasabihin niyang kasunod.

"Na ano?" Tanong ko sa kanya.

"That I'm deeply sorry for changing." Sagot nito na hindi ko alam kung iyon ba dapat ang talagang sasabihin niya.

"Bakit, Justin? Bakit ka nagbago?" Hindi ko napigilang sumingit.

"I promise, you'll know someday."

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon