CHAPTER TWENTY THREE

253 17 1
                                    

"I don't know if you'll find this petty kasi high school romance lang naman but we were a thing. Secretly, merong namagitan sa amin. Hindi namin ma-express 'yung love namin sa isa't-isa because he was so afraid of the judgment and naiintindihan ko naman. I tried my best to understand kahit may mga oras na tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba ganoon. Deserve ko bang itago na lang kasi hindi niya kayang ipangalandakan sa mundo?" Once again, my tear fell.

"Secret Love Song." He said after realizing what I just told him.

"Exactly." Pagkukumpirma ko. "Then one day, sinabi na lang niyang maghiwalay kami. Pumayag ako kasi ayaw ko siyang pilitin, eh. Then a week after, nalaman ko na lang na meron na siyang girlfriend." Muli ay pumatak ang mga luha ko hanggang sa hindi ko na makontrol. "They were the talk of the town. Perfect couple daw sabi nila kasi sporty guy tapos matalino 'yung babae. Hearing those things, hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko - matalino din naman ako, ah? Bakit ang dali para sa kanyang ipangalandakang girlfriend niya 'yon pero noong ako, I had to settle sa mga texts namin hanggang gabi kasi hindi namin magawa sa personal?"

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan dahil doon. Masakit pa rin pala.

"You don't deserve to be hidden pero feel ko, nahirapan lang din siya kasi LGBT relationships are prone to judgment. Huhusgahan kayo ng mga tao sa paligid niyo kahit wala naman kayong ginagawa. But I truly understand your pain. You have the right to feel it. And the fact na one week pa lang kayong naghihiwalay pero pinangalandakan niya nang may bago siya speaks volume. Siguro, he felt more validated kasi babae na 'yung kapartner niya. Hindi niya na kailangang itago kasi sa mata ng mga tao, wala namang mali na. And you said it yourself. They were deemed as the perfect couple because that's what the society etched." He commented.

"But you know what's worse?" Tanong ko. "After they broke up, bumalik siya sa akin. Sabi niya, he wanted to give us another chance. So, ano ako? Pampalipas oras hanggang sa makahanap na lang uli siya ng babaeng kaya niyang ipagmalaki?"

"Oooh. The feeling sucks." Komento nito. Nilamanan niya ng alak ang baso ko sabay abot nito sa akin. "He's trash, by the way."

"Sobra. Nananahimik naman sana 'yung buhay ko noon, eh. Siya 'tong nagsabing gusto niya ako. Tapos iiwan lang pala niya ako kasi mas kaya niyang ipangalandakan 'yung bago niya." Paglabas ko ng sama ng loob ko sa kanya.

"Ano 'yan? Bigla mong naalala kanina sa event kaya ka na lang biglang umiyak?" He asked curiously.

"He's there. Of all places na magkikita kami, doon pa. Ano 'yon, Justin? Member ba ng org lahat ng nandoon kanina?" I asked him.

"Seryoso? Sino doon?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "To answer your question, unfortunately, yes."

"Tangina? So lagi ko siyang makikita kapag may event?" Ako naman ang hindi makapaniwala ngayon. "Sorry, Justin. Mukhang hindi na ako aattend ng events." Pag-amin ko rito.

"Dahil lang sa kanya?" Muli ay hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "Ewan ko, ah. But for me, if you want to be okay with it, you have to face it. Siyempre masakit sa simula. Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging masakit but you have to show him that you are finally okay without him. That's the best revenge that you can do to get even."

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon