CHAPTER FOURTEEN

294 13 0
                                    

Kinanta niya mula simula hanggang chorus at ako naman ang sa kasunod noon hanggang sa susunod na chorus. Nagsabay kami matapos 'yon hanggang sa dulo ng kanta at hindi ko maiwasang mapahanga sa kanila dahil nakapa nila kung paano ang magiging saktong key kahit sobrang biglaan ng desisyon na pakantahin ako.

Ganito pala ang pakiramdam. Halos lahat ng tao, nakatingin sa 'yo kaya't nakakahiyang magkamali pero masarap sa pakiramdam kasi kita sa kanilang ineenjoy nila ang ginagawa mo.

Ganito pala.

Dalawang kanta lang pala ang kakantahin nila Justin kaya't pagkatapos ng kanta naming iyon ay bumaba na rin kami sa stage.

"Okay ka lang?" Tanong ni Justin habang pababa kami ng hagdan.

I know I'm spacing out right now. Pakiramdam ko, lumulutang pa rin ako sa ere dahil sa nakakalunod na presensya ng mga tao pero masaya ako. Masaya akong nagawa ko rin 'to sa buhay ko.

Hindi ko naiwasang yakapin si Justin dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko.

"Salamat, Justin."

"I'm glad na natuwa ka. It always feels like that kapag nagpeperform kami sa stage. Sigurado akong makakapagperform ka rin ng solo balang-araw kaya magandang natuwa ka sa unang experience mo." Tumango-tango ako dahil sa sinabi niyang iyon.

I can't help but to feel that I really belong to the stage. I guess it's my calling.

"Thank you for signing up. You don't have an idea kung gaano ako napasaya ng pagsali mo sa amin." Pahabol nitong sabi nang makarating na kami sa backstage.

"Paano mo pala nalamang nagsign up ako?" Nagtataka kong tanong dito dahil paniguradong nasa backstage na sila noong nagsign up ako.

"Nandoon 'yung kaibigan ko. Sabi niya sa akin, nagsign up daw 'yung magaling kumanta sa Spotlight and my heart knew that it was you. I'm glad that it was you." Para akong tinutunaw dahil sa sinabi niyang iyon. Ganoon pala talaga niya ako kagustong sumali sa org nila.

I felt wanted. Na finally, merong taong ginusto 'yung presensiya ko. I felt very important na malaking kawalan sa kanya kung nag no ako.

"Salamat John Saga." Biro ko dito upang itago 'yung nararamdaman ko.

"Idol mo?" Tanong nito. "Buti na lang pala talaga mas nauna silang magperform kaysa sa amin."

"Actually, pinilit lang ako ng mga kaibigan ko. Ginamit pa nga nila si John Saga to convince me kaya sabi ko, I'll give it a try. Hindi ko nga alam na same org pala kayo, eh. Hindi mo naman sinabi sa akin kung saang org mo ako niyayaya." Kwento ko pa rito. Nakakatawang isipin na parang napapayag na rin niya akong sumali sa kanila kahit tinigilan niya na akong irecruit.

"Kung alam ko lang na siya pala magiging rason para pumayag ka sa org, sana pala niyaya ko na sa Spotlight para siya mismo nagrecruit sa 'yo." Natatawa nitong komento.

"Hindi ko lang sure. Baka nag-no rin ako. Sobrang random talaga ng pagyaya sa akin ng mga kaibigan ko kaya napapayag ako nang wala sa oras." Sagot ko sa sinabi niya. "Uy! May next class pa kasi kami. Una na ako, Justin." Paalam ko rito kahit alam kong hindi pa naman simula ng klase.

"Oo nga pala. Salamat, Sam! Solid mo!"

Muli ay niyakap ko ito bago ko binaling ang atensiyon ko sa mga kasama nitong sina Albert at Martin. Kumaway ako sa kanila bago tuluyang tumalikod.

"Kitakits sa audition! Manonood ako sa 'yo!"

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon