Nagising akong mag-isa. Pang-umaga ang klase ni Tristan kaya't paniguradong pumasok na siya.
Pagkacheck ko ng Messenger ko ay nakakita ako ng isang message request galing kay Tristan kaya't binasa ko iyon.
Hi! Thank you for last night and for taking care of me. Sorry kasi naabala ka pa. Sabi ni Justin, nilabhan mo raw 'yung uniform ko. Sobrang salamat at pasensya talaga sa abala. Gusto ko sanang bumawi mamayang lunch break kaso kailangan kong umuwi sa amin kaya bawi na lang ako some other time. See you sa practice, future teammate!
Umaga pa lang ay napangiti niya na ako kaagad doon. Agad ko rin siyang nireplyan para hindi naman nakaseen lang ang chat niya.
Good morning 🌞 Hope you're feeling well now. Sorry hindi ko na naplantsa damit mo. I also had fun last night. Salamat, Tristan! Solid ka rin palang kasama. Natuwa friends ko sa 'yo. See you later 😊
Pagkasend ko ng chat na iyon ay naligo na ako upang makapag-aral na sa library habang wala pa sa org room si Justin. Hindi ako nakaaral kagabi kaya't marami-rami ang hahabulin ko ngayon.
Nang matapos ako mag-ayos ay dumiretso na agad ako sa Music. Maaga pa kaya kaunti pa lang ang tao ngayon. Buti na lang at merong nagpapractice ng violin kaya't may background music ako habang nag-aaral.
Sinigurado kong makakatapos ako kahit isang subject man lang habang nasa library lalo na ang Philosophy dahil nahihirapan talaga ako. Sobrang ganda sana ng grades ko ngayon maliban sa Philosophy at Biology kaya kailangan kong mas magfocus doon para sa finals.
Saktong natapos ako nang lunch time at sakto rin ang dating ni Justin. Paniguradong kakatapos lang ng klase niya ngayon kaya't niyaya ko na siyang maglunch.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papalabas ng campus.
"Sa liempuhan kung okay lang sa 'yo." Sagot nito.
"Oo naman. Matagal ko nang gustong itry actually." Sagot ko rito.
"You mean hindi mo pa natitikman?" Gulat na tanong nito sa akin. "Sabagay, puro ka siomai."
"Wow ha? I felt attacked." Biro ko sa sinabi niya sa akin. "Siomai is the most convenient food kaya." Depensa ko.
"I feel like you haven't explored yet dahil sa kakasiomai mo. Kada araw, iba-ibang kainan dapat tayo, ha? I'll help you discover great food around the university." He offered na sa tingin ko'y magandang idea.
"I won't say no to that." Sagot ko rito.
"Simulan natin sa liempuhan. Hindi lang naman liempo pagkain doon pero doon kasi sila kilala kaya naging ganoon na tawag sa kanila." Paliwanag nito. Napatango naman ako dahil akala ko dati ay puro liempo lang pagkain nila. "Sobrang mura rin ng kanin nila. Hindi ko nga alam bakit hindi sila affected ng inflation." Pagbibida pa nito na may halong biro.
"Ayaw mo n'on? At least makakatipid, 'di ba?" Sagot ko rito.
"Feeling ko tuloy nasa Mang Inasal ako na unli rice. Nakakaapat ako." Natatawa pa nitong kwento sa akin.
"Hanggang apat ka lang? Hina naman." Pang-aasar ko rito pero sa totoo lang, hanggang apat lang din naman ako. Pero minsan, kaya kong makalima o makaanim depende sa gutom ko.
"Ikaw ba? Hanggang ilan ka?" Panghahamong tanong nito.
"Apat lang din. Eh 'di mahina rin." Sagot ko kaya't nagtawanan kaming dalawa.