"Pasensya na talaga sa abala, Sam." Hindi ko alam kung ilang beses nang sinabi ni Justin 'yon habang naglalaba ako nang disoras ng gabi.
"Sira! Okay nga lang. Gising pa naman talaga ako nang mga ganitong oras." Hindi ko na rin alam kung ilang beses ko nang sinabi sa kanyang okay lang talaga sa akin.
Sobrang nalasing si Tristan kaya't hindi niya na kinayang umuwi sa kanila. Maaga pa ang klase niya bukas kaya kailangang malabhan na ang uniform niya ngunit wala namang washing machine o kahit na sabon man lang si Justin sa dorm niya dahil nagpapalaundry lang ito madalas kaya't naisipan kong ako na lang ang maglaba ng uniform niya kasabay ng paglalaba sa mga uniform ko.
"Ikaw? Maaga pa klase mo bukas, ah. Matulog ka na." Sabi ko rito.
"Kaya ko pa. Nakakahiya naman kung iiwan kitang naglalaba diyan ng damit ng kapatid ko." Sagot nito.
"Ang kulit nito! Ayos nga lang!" Natatawa ko nang ulit dito. "Bakit pala hindi na lang din nakadorm si Tristan?" Curious kong tanong. Volleyball player siya kaya't mas dapat ngang siya pa 'tong nakadorm.
"Actually, libre sana 'yung dorm niya since athlete naman siya pero kasi kailangan niyang alagaan si tita." Paliwanag nito na ipinagtaka ko.
"Hala? Bakit siya nagbabantay sa tita niyo? And ano bang meron sa kanya if I may ask?" Sunod-sunod kong tanong dito.
"May leukemia kasi. Wala namang ibang magbabantay sa kanya kundi si Tristan lang din." Hindi ko maintindihan kung bakit si Tristan lang ang dapat magbantay dahil kung tutuusin, mas may oras si Justin kumpara sa kapatid niya.
"Bakit hindi na lang ikaw magbantay? Tita mo rin naman 'yon." Suhestiyon ko rito. Tipid siyang ngumiti dahil doon.
"Nagbabantay naman ako minsan pero siyempre, mas gusto ni tita na 'yung anak niya 'yung mag-alaga sa kanya." Sagot nito na mas lalong nagpagulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa puyat kung bakit parang sabaw ang utak ko ngayon para intindihin ang sinasabi niya.
"May anak naman pala so bakit si Tristan nagbabantay?" Tanong ko. Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi kong iyon.
"Si Tristan nga 'yung anak." Natatawang paliwanag nito. "Magkaiba kami ng nanay. Buti nga maayos pa 'yung setup namin hindi gaya ng ibang pamilya na pareho ng sitwasyon sa amin. Sadly, nagkaroon ng leukemia si tita. We offered na sa amin na lang siya tumira para may nakakasama siya pero nahihiya daw siya. Ayaw nga rin sana niyang tumigil sa pagdodorm si Tristan kasi alam niyang mahihirapan din sa pabalik-balik na setup pero kahit may nurse namang nag-aalaga sa kanya, iba pa rin kapag nandoon 'yung anak niya." Paliwanag nito na nakapagpalinaw ng lahat.
Hindi ko maiwasang bumilib kay Tristan. Ang tapang niya para harapin lahat ng 'yon sa murang edad. Sinasabay pa niya ang pagiging atleta para mas makatulong sa gastusin nila.
"Tibay ni Tristan, 'no?" Manghang-manghang sabi ko rito.
"Sinabi mo pa!" Proud na sagot nito sa akin.
"Paano pala 'yon? Baka hinihintay siya ng mama niya ngayon." Nag-aalala kong sabi rito. Paniguradong nag-aalala na rin ngayon ang mama niya kakahintay.
"Sinabihan ko na. Sabi ko, sa dorm ko muna matutulog si Tristan pero dito pa sa dorm mo natulog." Natatawa nitong paliwanag sa akin.
"Hayaan mo na. 'Wag na nating gisingin."
AUTHOR'S NOTE:
HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!