CHAPTER FIFTY

141 10 0
                                    

Our final examinations approached as if nothing happened in the past few months. Ang bilis ng mga nangyari. Here I am again needing to battle it out for my acads dahil aaminin ko, nakaapekto talaga sa grades ko ang paglalaro ko para sa university. Mahirap pala talagang pagsabayin. There were nights na pinipili ko na lang matulog kaysa mag-aral dahil masakit sa katawan kaya ang laking laglag talaga sa naging performance ko.

"Punta lang ako sa cr. Gusto mo, i-refill ko 'yung water mo?" Paalam ni Tristan na katabi ko ngayon sabay turo sa tumbler ko.

"Sama na lang ako. Nagiginaw na rin naman ako dito." Sagot ko sa kanya.

Kanina pa kami nag-aaral pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Nasa klase na sila Mau kaya wala akong ibang kasama maliban kay Tristan. Sa Religion namin napiling mag-aral dahil punuan talaga sa library ngayon kaya kahit maginaw at sira na naman ang elevator ay pinilit pa rin naming akyatin.

Nagpunta kami ni Tristan sa cr. Pagkatapos noon ay nagrefill muna ako ng tubig sa water fountain sa labas ng cr.

"Matatapos ka nang mag-aral?" Tanong niya sa akin.

"Mukhang hindi pa. Bakit? Uuwi ka na?" Tanong ko sa kanya. Maiintindihan ko naman dahil malapit na rin namang maggabi.

"No. Yayayain sana kitang kumain sa Dapitan." Sagot niya.

"Uy go! Tara, kain na muna tayo. Iwan na lang natin gamit natin sa loob." Pagpayag ko sa sinabi niya.

Matagal pa naman ang oras at kaya ko pa namang maghabol ng aral mamaya.

Dumiretso kami sa Dapitan at dinala niya ako sa tusok-tusok. Habang kumukuha sya ng fishball ay iniwan ko sya pansamantala upang bumili ng mango graham shake. Madalas niya akong nililibre kaya oras naman upang sya ang ilibre ko.

Pagkabalik ko ay naabutan ko syang naghihintay sa akin sa gilid.

"Nagulat ako nawala ka." Bungad nito pagbalik ko.

"Bumili lang ako ng mango graham." Paliwanag ko sa kanya. "Oh. Para sa 'yo." Abot ko ng binili ko para sa kanya.

"Wow. Salamat." Sabi nito pagkatanggap ng binigay ko. "Binilhan na rin kita ng fishball pati cheesesticks." Abot naman nito ng binili nya para sa akin. Natawa ako dahil inexpect ko na 'to pagkayaya niya sa akin kanina.

Wala kaming makakainan sa loob kaya't doon na lang kami kumain sa pinagbilhan nya. Mabuti na lang at hindi ganoong karami ang mga tao ngayon.

"Are you free on Sunday?" Tanong nito.

"Uuwi na sana ako sa province. Bakit?" Balik ko ng tanong sa kanya.

"Aw. Yayayain sana kita sa bahay." Sagot nito. Bakas sa boses niyang nalungkot siya sa isinagot ko.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Maliit na celebration lang naman. Masaya sana kung nandoon ka pero okay lang naman." Sagot niya. Doon ko naalalang malapit na nga ang birthday niya dahil may mga nabasa akong tweets ng mga sumusuporta sa amin.

"Sira. Pwede naman ako umuwi anytime. I'll be there, Tristan. Promise." I assured him. After everything that he did for me, hindi niya deserve na maramdamang wala akong pake sa kanya.

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon