Pagkasakay namin ng bus ay agad akong nagpicture kasama si Tristan para may maipost sa Instagram Story. Ang tagal ko na palang hindi nakakapagparamdam sa social media.
#ProofOfLife
Natatawa kong nilagay 'yon sa hashtag dahil madaming naghahanap sa akin. Nabasa ko lang kagabi dahil kasama sa birthday greetings nila sa akin na magparamdam naman ako.
"Alam mo ba kung anong ship name nila sa atin?" Tanong ni Tristan pagkababa ko ng phone ko.
"Ano?" Tanong ko. May ship name na pala kami nang hindi ko namamalayan.
"TriSam." Sagot nito. Hindi ko pa sana magegets ngunit bakas sa mukha niyang may malisya sa sinabi niyang 'yon kaya agad kong naintindihan.
"What the heck?" Natatawa kong reaksyon. Sa dami-rami ba naman ng ship name, TriSam pa talaga ang naisip nila. "Ang bilis talaga ng mga utak ng tao pagdating sa kalokohan."
"Kaya tignan mo caption nila sa pictures natin kapag may kasama tayo." Dagdag pa nitong kwento na parang masaya pang ganoon ang ship name namin. "TriSam with Gio. TriSam with Nats." Isa-isa nito sa teammates namin.
"Nakakaloka. Ang sagwa pakinggan." Reklamo ko.
"Pero at least suportado nila tayo, 'di ba?" Sagot nito. May point naman siya doon. Hindi naman lahat, agad-agad na sinusuportahan ng mga tao.
--------------------------------------------
Pagkarating namin sa venue ay agad kaming nag-ayos ng gamit. Pahinga daw muna dahil mamayang gabi pa ang gathering at bukas pa gagawin lahat ng activities.
Magkasama kami ni Tristan sa kwarto kaya napagdesisyunan naming magtabi na lang kami. Kasama rin namin si Justin, Albert at Martin na agad ding umalis pagkalapag ng mga bag nila.
"Dito lang ba tayo?" Tanong ni Tristan.
"Actually, hinihintay lang kita." Sagot nito sa akin.
"Ay, sorry. Hindi mo naman sinabi agad." Nahihiya kong sabi rito.
"I mean, ikaw bahala. Kung gusto mong magpahinga, dito na lang tayo. Pero mukhang masaya sa labas." Paliwanag nito.
"Actually, mukha nga." Sang-ayon ko rito. Rinig sa kwarto namin ang ingay sa labas kaya't alam naming nagkakasayahan na sila doon. "Hindi ka ba magpapalit muna?" Tanong ko nang mapansin kong nakapantalon pa rin siya hanggang ngayon.
"I was born ready." Sagot nito sabay tayo at hubad agad ng kanyang pantalon. Agad akong napapikit at nagtakip ng mata dahil hindi ko inasahang gagawin niya 'yon. "Nakashorts na ako, sira." Biglang sabi nito kaya't tinanggal ko ang kamay ko sa aking mukha at nakitang nakashorts na nga sya.
"Baliw ka kasi! Walang sabi-sabi, naghubad ka dyan." Sita ko rito.
"Hindi ko naman gagawin 'yon sa 'yo, 'no." Sagot niya. "So, ano? Tara?" Yaya niya.
"Tara." Sagot ko rito.
Pagkalabas namin ay nakita naming may ilan sa kanilang nag-iihaw at ang ilan nama'y nakatambay na sa beach. Mukhang nagjajamming sila dahil nakita ko roon sila Justin at iba pa naming mga kasama sa org. Tinuro ko agad 'yon kay Tristan at nang makita niya'y hinila na ako papunta roon.
Nagulat ako nang makita kong nandoon din si Austin. At ang malala pa, walang ibang mapupwestuhan kundi sa tabi niya.