Sobrang mapaglaro nga yata talaga ang tadhana. Sa dami-rami ng makakagrupo ko, si Austin pa ang nakasama ko. Kasama din namin sina Albert at Martin. Masaya sana kung si Justin na lang ang nakasama namin para at least, buo silang tatlo.
"Competitive ako. Ayaw kong natatalo." Bungad ni Austin sa amin. I agree. Competitive naman talaga siyang tao. "Kami na lang ni Sam 'yung lalaban sa beach volley tutal naman, kami 'yung mahilig talaga sa sports."
Pumayag sila Martin sa sinabi niyang 'yon. I can't help but to remember our high school days when I was still trying to learn how to play volleyball. Patago pero tinulungan niya akong matuto. He has been my practice buddy tuwing uwian sa likod ng school. According to him, the only way to learn is to actually do it. Make mistakes, learn, until you can do it as if you're born already knowing the art of doing it.
He's been my anchor. What a way to describe it. Walang nakatingin but he guided me. Naaalala ko pa, siya 'yung unang taong naniwalang kaya ko. Hanggang sa isang araw, nagising na lang ako para maglaro sa palarong pambansa. All thanks to him.
Iniwan muna kami nila Martin kaya't kaming dalawa na lang ang magkasama ngayon. Nakita kong si Tristan ang makakalaban namin sa isang grupo at sa kabila nama'y si Justin. This is exciting. Ngayon lang kami maglalaban ni Tristan kaya paniguradong magiging masaya 'to. Paniguradong alam niya na ang galawan ko dahil madalas ay kami ang magkasamang nagpapractice.
"Naaalala mo pa? Dati, nagpapractice kang magvolleyball kasama ako. Patago nga lang kasi baka may makakita sa atin." Bahagya siyang natawa pagkasabi noon. Naaalala niya pa rin pala.
Bahagya ko siyang nginitian bilang sagot sabay lingon papalayo. Ayaw ko na rin namang pag-usapan.
"Tapos grabe. Ngayon, kinikilala ka na ng mga tao. Sabi pa nga ng iba, kailangan ka ng national team. Kapag nababasa ko 'yon, sobrang napaproud ako kasi ang layo na ng narating mo." Patuloy nitong pagsasalita.
"Hindi pa naman start 'no? Punta muna akong cr." Paalam ko rito para makalayo sa kanya.
Hindi naman ako nagsinungaling dahil dumiretso talaga ako sa cr. Humarap lang ako sa salamin para magkarason kung bakit nagcr ako kaya't nag-ayos na rin ako nang bahagya. Nagkagulatan naman kami ni Justin nang bigla siyang lumabas mula sa isang cubicle.
"Good luck mamaya." Sabi ko rito dahil pakiramdam ko'y hindi na naman siya magsasalita kung hindi ko siya papansinin.
"Kailangan ko yata talaga. Kayo ba naman ni Tristan makakalaban ko." Pabiro nitong sagot sa akin na ikinatawa naming pareho. "Sige. Una na ako." Paalam nito bago umalis.
Sinilip ko sila at napansin kong hindi pa rin nagsisimula kaya't nagpicture muna ako upang may maipost sa Instagram Story. Nakakatawa dahil hindi ko na kailangang maglagay sa Twitter dahil ang fans na mismo ang naglalagay noon para sa amin.
First time kong makakalaban si @ItsTristanGuevarra 🏐🏐🏐
Nang makapagpost ako ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Sakto namang hawak ni Tristan ang cellphone niya at pailing-iling na tumingin sa akin habang nakangisi.