Sa isang napakabihirang pagkakataon, naisipan kong tignan ang Facebook account ko. Nakakalunod sa dami ng notifications na naiwan dahil sobrang tagal ko ba namang hindi nagbukas ng account. Ngunit mas nakakagulat pa pala ang balitang nakuha ko.
Pasok ako sa lineup. Kaya naman pala sobrang daming laman ng notifications ko. Lahat sila, binabati ako sa pagpasok ko sa team. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na makakapasok pa ako. Sobrang daming magagaling sa pool of trainees kaya inisip ko nang okay na ako kung sa team B man ako makapasok pero sobrang sarap sa pakiramdam na nakapasok ako.
Sunod kong tinignan ang Messenger ko. Sa dami-rami ng nagchat ngayon, nangibabaw sa mata ko ang isang pangalan - Justin Guevarra. Hindi ko na alam. Napapadalas na nga yata ang pagsama ko sa kanya kaya laging siya na lang ang nasa utak ko. Dahil magkatabi kami ng dorm, madalas na sabay na kaming kumakain. Or is it more than that? Hindi ko na alam.
I never doubted na makakapasok ka! Napanood ko kung paano ka maglaro and I know for a fact na hindi ka papakawalan ng university team dahil kailangan ka nila. Hustle hard but don't forget to rest 😊 I can't wait to cheer for you! Promise, I'll always be there to support you.
Sobra akong natouch. Alam niya kung paano kunin ang kiliti ko na kahit ako, hindi ko rin alam. Lahat ng ginagawa niya, nakakapagpasaya sa akin. Ewan ko ba. Hindi ko na rin maintindihan.
Sanay lang ba ako kasi lagi siyang nandyan o gusto ko na rin bang hindi siya nawawala sa tabi ko?
Nakakatakot. I should've learned my lesson pero bakit parang ang rupok ko pa rin? But this time, it's scarier. Natatakot akong mahulog nang mag-isa kasi sanay akong kasama siya - na baka sa pagkahulog ko, hindi niya ako saluhin at maging rason pa kung bakit siya mawawala.
But what do I do now? Shall I restrict myself from being happy just because I'm afraid of falling?
Maraming salamat, Justin! Huwag masyadong malakas ang sigaw, ha? Baka mabasag boses mo. Gagawa pa tayo ng prod together 😉
Sunod kong binasa ang group chat namin nila Aya. Lahat sila, alam na ang balita.
Hampasan na itu! - Mau
Ay sus! Humanda talaga yang mga universities na 'yan sa sigaw ko. Mawalan man ng boses, kakabugin ko sila. - Aya
May kaibigan na tayong famous. Dami na ngang bumati, e. Sana wag mo kaming kalimutan. - Del
Natawa naman ako dahil wala pa man, naimagine ko na ang sinabi ni Aya. Sana lang, hindi na siya late this time. Natawa din ako kay Del dahil sigurado naman akong hinding-hindi mangyayari 'yon.
Dahil sobrang late ko nang nakita, nagreact na lang ako sa mga chat nila at nagpasalamat kasi paniguradong kung meron mang susuporta sa akin, paniguradong sila 'yon.
Marami-rami pa akong chat na binasa at ang pinakahuli ay ang kay Tristan.
I fought hard for my slot kasi sigurado akong pasok ka na. I couldn't be happier now na pasok tayong dalawa. I'm so excited to enter the court knowing that you are also there. I got you. I'll always make sure to get you covered kasi sigurado akong you'll also be there to have my back. Ilalaban natin 'to nang magkasama. We'll make our university proud. See you sa training mamayang hapon!