Red cups and sweaty bodies everywhere
Hands in the air like we don't careUmalis si Justin sa pwesto niya at umupo sa tabi ni Austin para doon na kami umupo sa pwesto niya kanina. Hanggang ngayon, iniingatan niya pa rin ako. Our eyes met and I know I communicated how thankful I am dahil ginawa niya 'yon. Even Tristan, walang kaide-ideya sa nangyari.
Nakisali kami sa jamming session nila. Dahil may dalang gitara sila Justin ay sila ang nagmamando sa mga kakantahin naming pabago-bago depende sa makapa nila.
It's like our souls are united by music. Kantahan, tawanan, sabay kapaan kung anong susunod na kanta ang tutugtugin.
Natigil lang kami nang tawagin na kami upang kumain ng hapunan. Nakahanda na ang boodle fight setup ng kainan namin at kami na lang ang hinihintay.
Dahil matagal kaming nakatambay sa buhangin ay naghugas muna kami ng kamay. Pagkatapos ay pumwesto na kami sa boodle fight. Magkatabi kami ni Tristan at sa harap naman namin pumwesto sila Justin. Sa dulo kami nakapwesto dahil nahuli kami.
May tilapia, itlog na maalat na may kamatis, litsong manok at liempo sa pagkain namin. Mabuti na lang at si Tristan ang katabi ko kaya't hindi ako mahihiyang kumain.
Nang magsimula silang kumain ay sumunod na rin kami agad. Nakakatuwang tignan si Tristan dahil hindi sya marunong magkamay.
"Tawa ka nang tawa. Nakakahiya. Mahahalata nila." Bulong nito sa akin kaya lalo akong natawa.
Pinakita ko sa kanya kung paano ang tamang pagkakamay.
"Itulak mo gamit thumb mo." Turo ko habang pinapakita kung paano gawin. Sinubukan niya naman pagkatapos at nagawa niya agad nang tama. "Naks! Marunong na siya." Asar ko rito sabay tawa ulit.
Kinuha ko ang isda sa gitna ngunit nagsabay kami ni Justin sa pagkuha non. Sabay din naming binitawan para magpaubaya. Nakakahiya.
"Iyo na." Sabi nito habang tinuturo ang tilapia.
"Hati na lang kami dito sa nakuha ko. Iyo na 'yan." Sagot ni Tristan dito sabay putol ng hawak nyang isda. "Buntot o ulo?" Tanong niya.
"Buntot na lang. Thanks." Sagot ko. Hindi rin naman kasi ako marunong kumain ng ulo. Kadalasan, nasasayang ko lang.
"I knew you'd pick that one." Natatawang sabi nito.
"Ay wow? Najudge na pala ako wala pa man." Sagot ko rito. Pabiro ko siyang tinignan nang masama habang patuloy siyang tumatawa.
"Sorry na. Nagjojoke lang, eh." Sabi nito. Dahil marumi ang kamay niya ay ginamit nito ang likod na bahagi ng kamay niya upang hawakan ang pisngi ko. "Ang cute mo kapag nagagalit."
"Sira! Hindi naman ako galit." Natatawa kong sagot dito. Sineryoso pala niya 'yung pagsama ko ng tingin sa kanya.
"Akala ko nagalit ka na, eh." Sabi nito sabay balik sa pagkain.
Napansin ko namang nakatingin sa amin sila Albert at nang makita nitong nakita ko sila ay natawa na lang ito. Ang corny yata masyado nang nangyari sa amin ni Tristan. Nakakahiya.
"Awit naman. Kasama natin sa kwarto, maghaharutan." Parinig ni Albert sa amin na kunwaring kinausap si Martin.
"'Wag mong pansinin 'yang mga 'yan. Naiinggit lang 'yan." Bulong ni Tristan sa akin kaya lalo kaming inasar ng tingin nila Albert.