Hinatid ako ni Tristan papuntang dorm para na rin makadalaw sa teammates namin. Ang dami niyang nainom pero hindi siya nalasing - hindi gaya noong unang beses ko siyang nakitang uminom.
But.... is it fair to say na natatakot akong bigyan siya ng chance? I know that he deserves it kasi wala siyang ibang pinaparamdam sa akin but security, happiness and care..... pero ganoon din kasi si Justin noon. He may not have been vocal about the things na ginawa niya but I felt it all. He wanted me to be secured. He wanted me to be happy. He cared. Natatakot ako na baka ang ending din namin ni Tristan, e hindi na kami nagpapansinan. I don't want to lose him like that. But I just can't stop myself from remembering Justin in everything Tristan does. The milk tea, the food trip around the campus, the feeling of being safe because he's around..... everything.
"Are you okay?" He asked while driving. Napansin yata niyang kanina pa ako nakatingin sa kawalan.
"Oo naman." I lied. "Medyo inaantok lang."
"If that's the case, hindi na pala ako magstay sa dorm para makapagpahinga ka na agad. Ang ingay pa naman ng mga 'yon." Nakonsensya naman ako agad dahil sa sinabi niyang iyon. Magcecelebrate pa sana kami kasama ng teammates namin. He even bought pizza dahil mahilig daw doon ang team.
"Sira! Ayos lang. Hindi naman ganoon kalala 'yung antok ko." Sagot ko rito. "Matutuwa 'yung team kapag makitang nandoon ka sa dorm. Sayang lang kasi hindi ka makakatulog dahil walang magbabantay kay tita." Dagdag ko para makumbinsi siyang pumunta.
"Doon naman na nakatira si Justin so I can stay in the dorm if I'd want to." Sagot niya na ikinagulat ko. Kaya naman pala hindi na siya umuwi sa probinsya namin noong nakaraan.
Sabi ni tita, may kwarto raw talaga si Justin sa bahay na 'yon but he chooses not to sleep there for an apparent reason na pakiramdam niya'y hindi naman daw siya belong sa bahay na 'yon. Sa totoo lang, nalungkot ako para kay Justin pero naiintindihan ko siya.
"Buti doon na tumira si Justin." Sagot ko sa kanya.
"Kaya nga eh. Hindi namin alam bakit biglang gusto niya nang tumira doon but I'm glad that he did. At least, kasama ko na sa bahay 'yung kapatid ko." He responded. "Kumusta pala kayo? Bakit parang hindi ko na kayo nakikitang magkasama? Dati, halos araw-araw, eh." Bigla niyang naitanong. He caught me off guard dahil hindi ko inasahang itatanong niya iyon.
At that point, I knew I needed to lie again.
"Halos magkatabi lang kasi kami ng dorm dati. Madali lang para sa amin kung gusto naming magkita." Palusot ko rito.
"Sabagay." He answered realizing that my answer is logical. "Pwede kang dumalaw sa amin anytime, ha? Jamming tayo with Justin. I'm sure na-miss mo." He suggested.
"Sure." I answered casually kahit labag sa loob ko. "Kung hindi busy. Start na kasi ulit ng school year. Kailangan kong bumawi sa grades ko kasi hindi ako umabot sa DL last sem, remember?"
I'm so glad na ang bilis kong nakakaisip ng palusot ngayon. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan.