The next few days came back to normal. Wala ni isang bakas ni Justin dahil sinasamahan ko na sila Del sa Religion section ng library para tahimik at makafocus naman ako sa pag-aaral ngunit iba pa rin talaga kapag sa Music ako nag-aaral.
"Iba ka rin 'no? Finals na ng laban niyo mamaya pero ni hindi ka man lang kinakabahan." Biglang nasabi ni Del habang nagbabasa kaming dalawa.
"Siyempre. A game is one but acads is another thing. Kapag nasa game 'yung utak mo habang nag-aaral ka, you'll lose your focus." Paliwanag ko rito sa kung paano ko pinapakalma ang sarili ko para makapag-aral nang maayos. "Sabi nga nila, just cross the bridge when you get there."
"I wish I have the same mindset as you. Sobrang hirap magfocus pero parang ang dali lang sa 'yo." Sabi ng isa pa naming kaibigang si Yuki.
"Nakasanayan ko na rin siguro." Sagot ko rito.
"Mas kinakabahan pa yata ako sa game niyo mamaya, eh. Baka hindi ko mahampas nang maayos 'yung drums dahil sa kaba." Napangisi na lang ako dahil sa sinabing iyon ni Rayver.
"Samahan ko na lang ulit kayo mamaya para may taga-sigaw sa inyo. Ako na rin hahampas sa drums kapag hindi mo na kaya." Biro ni Del dito kaya't nagtawanan silang dalawa.
"Sira kayo. Mag-aral na muna kayo diyan. May quiz pa mamaya sa Philo." Paalala ni Yuki sa mga ito.
Pakiramdam ko'y tapos na ring mag-aral si Del ngayon dahil maaga rin siyang pumapasok recently para samahan ako sa library. Kulang na lang yata'y kami na talaga magbukas sa library dahil sa mga naging sunod-sunod na quiz namin noong mga nakaraang araw.
"Tapos ka na?" Tanong ni Del na mukhang kanina pa ako kinakapa kung okay na ba ang mga inaral ko.
"Yup. Ikaw ba?" Pagbalik ko ng tanong dito.
"Hinihintay na lang naman kita. Gusto mong kumain?" Tanong nito.
"Tara. Kahit dito na lang muna sa Dapitan. Mamaya pa naman game namin." Pagpayag ko rito. Lagi kaming sa P. Noval kumakain kaya't kung hindi Mcdo ay sa kantunan kami dumidiretso upang kaunting lakaran lang para makabalik kami kaagad sa court.
"Saan mo gustong kumain? Jollibee? KFC? Mang Inasal?" Suhestiyon nito sa mga kakainan namin ngunit umiling ako sa lahat ng sinabi niya.
"Angkong please." Pagmamakaawa ko rito dahil alam kong tatanggi siya dahil iyon na ang kinakain namin tuwing gabi.
"Hindi ka talaga nagsasawa sa Siomai 'no?" Hindi ko alam kung pumapayag na ba siya nang sabihin iyon o hindi pa.
"Ayaw niyo sa liempuhan? Lovelites? Ricing star?" Si Rayver naman ang nagbigay ng mga suhestiyon ngayon.
"JohnKen? SEx? Ayaw niyo?" Dagdag ni Yuki sa mga nasabing kainan.
"Grabe! Ayaw niyo talaga ng Angkong, 'no?" Wala na akong nagawa dahil ako lang pala ang may gusto ng Angkong ngayon.
"Teh, gabi-gabi ba naman kasi tayong naka-siomai. Eenie minnie miney mo lang sa Angkong o Dimsum Treats pero parehong siomai pa rin." Reklamo ni Yuki pero hindi naman ako tatanggi dahil totoo naman talaga.
"Sige na, sige na." Pagpayag ko rito. "SEx na lang tayo kung gusto niyo."
"Oooh. Foursome." Tinignan ko nang masama si Rayver dahil sa sinabi niyang iyon.
"Napakamalisyoso! Sisig Express kasi." Paglilinaw ko rito at aaminin kong napalakas talaga ang boses ko dahil doon kaya't sinuway kami ng mga tao sa paligid kasama na rin ang librarian.
"Nag-sshh na sila. Alis na tayo dito gagsti." Yaya ni Del sa aming tatlo kaya't sabay-sabay kaming nagligpit ng gamit habang tumatawa dahil sa kahihiyan.