CHAPTER SIXTEEN

282 21 0
                                    

"Hindi ka na ba kailangan doon?" Tanong ko kay Justin habang naghihintay kaming dalawa ng elevator.

"I just came to watch your auditions. Hindi ko naman duty ngayon kasi may klase dapat ako." Paliwanag nito.

"Hala? Nagcut ka para mapanood ako? Sira ka talaga." Sita ko rito dahil sa ginawa niya.

"Uy! Assuming." Asar nito sa akin sabay kiliti sa tagiliran ko. "Wala kaming prof so dumiretso agad ako sa org room." Pagkaklaro nito na nagpatahimik sa akin dahil assuming nga naman ako sa parteng iyon. "Kumain ka na?" Tanong nito nang mapansing hindi na ako sumagot pa.

"Kakain pa lang sana bago dumiretsong library." Sagot nito.

"Good! Nagugutom na rin naman ako so sasama na lang ako sa 'yo." Sagot nito. "Nasaan pala mga kaibigan mo? Akala ko magkakasama kayong magaudition?"

"I should've expected na hindi sila sisipot. Most of the time, hindi talaga sila sumisipot kapag maaga 'yung call time." Paliwanag ko rito.

"Hala? Buti tumuloy ka pa rin sa audition mo."

"May isang salita naman ako, Justin. Alam kong hahanapin mo ako kaya tumuloy ako." Biro ko rito. Alam kong umasa na siyang makikita ako kaya hindi naman magandang paasahin ko na lang siya sa wala.

"Totoo naman. Ikaw nga unang hinanap ko pagkarating ko." Sagot nito habang tumatawa dahil sa biro ko.

Sa totoo lang, hindi kami nag-usap kung saan kami kakain pero parang nagkaintindihan ang mga utak namin kung saan kami pupunta. Nakalagpas na kami sa library at papalabas na ng university ngayon kaya't naisipan kong tanungin na siya kung saan niya gustong kumain.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko rito.

"Kung saan mo gusto." Sagot naman nito na inasahan ko na.

"Dimsum Treats o Angkong?" Tanong kong muli sa kanya.

"Dimsum na lang para sure na may space." Sagot nito sa akin.

"Dimsum apologist ka pala ah." Biro ko rito dahil sumisikat ngayon ang debate kung alin ba ang mas masarap sa dalawa.

"I'm actually not. Pareho kong gusto 'yan. I don't actually get the fuss kung bakit naging big debate kasi pareho naman talagang masarap." Seryosong sagot nito.

"Huy! I was just joking. Ang seryoso naman nitong sumagot." Sita ko rito.

"Share ko lang." Siya naman ang nagbiro ngayon. "Ikaw ba? Dimsum o Angkong?" Pagbalik niya ng tanong sa akin.

"Same answer tayo. Dimsum because of their space pero quality wise, parehong okay sa akin." Sagot ko rito.

"Malapit pa sa dorm natin. Feel ko tambay ka diyan." Patuloy na pambibiro nito.

"Actually, oo. Lagi kong hinahatak mga kaibigan ko kaso sila na 'yung nagrereklamo kasi paulit-ulit na lang daw." Sagot ko rito.

"Close kayo ng blockmates mo talaga 'no? Pansin ko lagi kayong magkakasama tuwing gabi." Pag-iiba nito ng usapan.

"Sobrang stressful kasi talaga sa college namin so need namin magvent out after class." Paliwanag ko rito.

"Sa block namin, jusko napakabihira naming lumabas nang magkakasama kaya sa org talaga ako mas naging close. Hopefully gumaan din loob mo sa org as time goes by." Nginitian ko ito bilang sagot. Sana nga.

Nakarating na kami sa Dimsum Treats at dahil paniguradong may mauupuan naman kami ay bumili na muna kami ng makakain namin.

Nang makabili na kami ay dumiretso na kami sa taas at naghanap ng mauupuan. Mabuti na lang at walang tao doon sa may harapan ng electric fan kaya tinuro ko iyon kay Justin upang doon kami umupo.

Nagsimula na kaming kumain na walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa nang biglang may lalaking lumapit sa amin habang nakatingin sa akin.

"Sam Gregorio, tama?" Tanong nito.

"Yup. Bakit po?" Naiilang kong tanong dito. Hindi naman ako natakot dahil nakauniform naman siya ng isang college sa university namin ngunit sobrang nakakailang pa rin dahil hindi ko naman siya kakilala.

"I'm Tristan from the university's volleyball team. Noon pa sana kita gustong kausapin pero hindi ako makatiyempo kasi lagi kang nagmamadali kapag nakikita kita. But I'll be direct to the point. I want to invite you for the university team."

AUTHORS NOTE:
Hi guys! I'm currently writing two on-going stories. Hindi ko kasi alam kung may naghihintay sa story na to so please vote para alam ko kung marami na pala kayo. Thank you!

Also, keep safe always.

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon