CHAPTER THIRTY NINE

178 13 0
                                    

Pagkatapos ng Pasko ay balik agad sa normal ang buhay ng mga tao sa probinsya. Kanina lang ay maagang nagpunta sa bukid sila lolo na akala mo, hindi lasing kagabi.

As for me and my cousins, maaga pa lang ay magkakasama na kami dahil wala naman daw tao ngayon sa school kaya makakapaglaro kami ng volleyball sa field. Medyo malayo-layong lakaran pero sanay naman na kami sa ganito noon.

"Buti nama'y sumama ka sa amin. Hindi ka sumama kagabi ay." Pagsisimula ni Rochelle ng usapan nila ni Boyong. Nagkatinginan lang kami ni Roxanne at sa ngitian pa lang namin ay alam na namin ang gustong sabihin ng isa't-isa.

"Wala nganing gabantay kay ama. Maigi nang nandoon ako." Paliwanag nito. "Anong oras na kayo nagsipag-uwian? Wala pa kayo noong umalis kami, ah?"

"Nagperya kami pagkatapos ng concert, ay. Talo ngani ako ng isang daan." Sagot ni Rochelle na parang silang dalawa lang ang magkasama ngayon.

"Aruy! Wala ka man lang napala?" Natatawang tanong ni Boyong sa kanya.

"Wala ngani. Maigi pa si Sam at nakapag-uwi ng teddy bear kagabi." Kwento nito na bakas ang inggit sa boses.

"Hindi mandin si Sam ang nakakuha noon. Si Justin baya." Singit ni Roxanne sa kanila.

"Christmas gift ngani. E 'di si Sam pa rin ang nakapag-uwi." Sagot ni Rochelle dito.

"Sinong Justin baga 'yan? Ngayon ko laang ata narinig." Nagtatakang tanong ni Boyong dito.

"TagaBoac na kaibigan ni Sam." Sagot ni Rochelle.

"Ang layo naman? May concert naman silang kanila doon sa Boac. Sinadya niyo bagang magkita?" Nagtatakang tanong nito. A question that I didn't even bother to ask. Ang alam ko lang, masaya ako kasi nandoon siya kagabi. Ni hindi ko tinanong bakit nga siya nakarating sa lugar namin.

"Aba'y napakatsismoso mo naman? Baka inalihim nitong maigi sa atin ay hayaan muna natin." Sagot ni Roxanne na may halong pang-aasar sa akin. Kagabi pa niya pinipilit na baka boyfriend ko na si Justin... I wish.

"Kaibigan ko laang ngani. Napakaissue mo baya." Depensa ko rito.

"Kaibigan baga? Ba't narine na naman siya?" Aakalain ko sanang pinagtutulungan lang ako ng magkapatid na 'to pero pagkatingin ko sa field ay may isang lalaking tumatakbo suot ang sports headband at tshirt na may larawan ng gitara - gaya ng kasalukuyang suot ko ngayon.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I feel excited and nervous at the same time. Ang saya ko kasi nandito ulit siya.

"Matchy matchy pa ng damit, ah. Sa susunod 'wag niyo namang ipahalata."  Pasimpleng habol ni Roxanne.

Sinasadya ko kasi talagang bumili din gaya ng niregalo ko sa kanya kaya pareho kami ng tshirt ngayon. Ang hindi ko alam, meron din pala siyang sports headband na iniregalo naman niya sa akin noong akala niya'y hindi na kami magkikita bago magPasko. Kinikilig pa akong sinuot 'to kanina dahil alam kong sa kanya nanggaling.

Agad kaming napansin ni Justin at lumapit agad ito sa amin.

"Good morning." Bati nito sa amin.

"Akala ko ga'y tagaBoac ka?" Nagtatakang tanong ni Rochelle dito.

"May mga kamag-anak din ako rito. Sa kanila na ako nagPasko. Baka dito na rin ako magstay kasi sinama ko naman sila lola dito." Paliwanag nito. Aaminin ko, umasa akong sinadya niya ako. "Ang sarap ng hangin so nagjogging ako. Kayo ba? Ang aga pa, ah."

"Maga-volleyball sana kami. Gusto mong sumali?" Pag-imbita ni Rochelle sa kanya.

"Hindi naman 'yan naglalaro. 'Yung kapatid niya ang mahilig sa volleyball." Ako na ang sumagot para sa kanya.

"No. G lang. Sali ako."

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon