CHAPTER FIFTY NINE

133 10 0
                                    

Justin and I had a mini casual talking. Sinabihan niya lang ako na kakanta ako sa recruitment fair and that I can choose whatever song I want to sing.

I guess hanggang ganoon na lang kami. Hindi magkaaway... pero hindi na rin gaya noon.

"Gusto mong samahan kita?" Alok ni Tristan. Inabot nito ang kamay niya kaya't hinawakan ko ito.

"Feeling ko, kailangan kita." Sagot ko rito. Hindi ko pa yata kayang kumanta sa harap ng maraming tao.

"Say no more!" Masaya nitong reaksyon sa sinabi ko.

Mas lalo ko siyang naappreciate. Kahit kailan, hindi pa siya nakakapagperform sa stage. Alam niya siguro kung gaano ko kagusto pero alam niya rin kung gaano ako katakot kaya kahit hindi niya ginagawa talaga, susubukan niya para sa akin.

"So, anong kanta?" Tanong niya.

Napaisip naman ako kung anong kanta nga ang gusto ko. 'Yung kantang kaya ko pero babagay sa amin ni Tristan. 'Yung kantang hindi ako mapapahiya.

I want to make it an experience of a lifetime. Masaya ako kasi kasama ko si Tristan na gagawin 'yon. Pero ang hirap palang mag-isip ng kanta to make it special.

"Matagal pa naman. May oras pa tayo para mag-isip." Sagot ko sa kanya. Hindi naman namin kailangang madaliin.

"Sabagay. We'll figure it out someday." Sagot nito.

I don't know what came into my mind. I found myself lying to his shoulders.

Ang sarap sa pakiramdam. I feel so secure. Pakiramdam ko, kalabanin man ako ng mundo, si Tristan ang unang magtatanggol sa akin.

"Ang cute mo kapag chubby, ah." Bigla kong naalala ang picture na ipinakita sa akin ni tita.

"Ay? So, panget na ako ngayon?" Tanong nito na ikinatawa ko.

"Sira! Pogi ka naman ngayon. Ang cute mo lang kapag chubby - ang sarap i-uwi." Paliwanag ko rito. Para siyang 'yung baby na ang sarap hiramin kasi ang cute alagaan.

"Ako naman 'yon technically, 'di ba? I-uwi mo na ako?" His voice sounded so serious kaya't napaupo ako nang diretso upang tignan siya.

"Someday, Tristan. Someday." I assured him. Hindi ako sigurado sa mangyayari balang-araw pero sa ipinapakita niya ngayon, alam kong matututunan ko rin siyang mahalin. "Kahit hindi ka chubby."

"Thank you. You don't know how much it means to me." Sagot nito.

Bigla namang sumulpot si Justin out of nowhere.

"Sabi ni tita, kain na daw." Sabi nito.

"Sa sobrang pagmamahal ni mommy sa'yo, kakakain pa lang natin, kakain na ulit." Natatawang sabi ni Tristan na tinawanan ko rin dahil totoo naman.

Hinintay kami ni Justin. Nang makatapat kami ay muli siyang nagsalita.

"Sorry kung ngayon ko lang sasabihin pero may team building na sinet 'yung org bukas. Sana makapunta kayo." Yaya nito sa amin.

"I'd go kung pupunta si Sam." Sagot ni Tristan.

Sabay nila akong tinignan habang hinihintay ang sagot ko. Nakakahiya namang hindi makasama si Tristan dahil lang humindi ako.

"Pupunta ako. Namiss ko na rin naman 'yung org." Sagot ko rito. Nakakamiss naman talaga lalo na't puro volleyball team na lang ang nakakasama ko lately.

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon