Pagkatapos naming kumain ay nagsiuwian na ang teammates namin sa dorm nila. Kami na lang ni Tristan ang naiwan dahil mukhang ayaw pa niyang umuwi sa kanila kaya sinamahan ko muna siyang maglakad-lakad.
"Coffee?" Tanong nito. Sakto namang napadaan kami sa isang coffee shop malapit sa dorm ko kaya hindi ko alam kung nasaktuhan nga ba o nakita niya kaya tinanong niya ako.
"Sure! Sarado na kasi mga milk tea stores ngayon kaya kape naman yaya mo, 'no?" Natatawa kong tanong dito. Kagaya ko, mahilig din yata siya sa milk tea kaya mas masaya sana kung sa milk tea store kami magpunta after a tiring training pero mahilig din naman ako sa kape kaya ayos na ayos sa akin 'to.
"Milk tea is life, 'di ba? Ikaw ba? Coffee or milk tea?" Balik nitong tanong sa akin habang binubuksan ang pinto ng coffee shop.
"Pareho naman. I can drink both habang nag-aaral. Pareho ko namang naeenjoy so hindi yata ako makakapili." Sagot ko rito. "Ikaw ba? I guess milk tea person ka." Hula ko sa isasagot niya.
"I'm more of a coffee person, actually. Don't get me wrong, ha? I love both pero kung papapiliin ako, I'll always choose coffee. Hot, iced, frappe kahit ano." Sagot nito.
"May pa-don't get me wrong ka pa. Wala namang masama o mali sa preference mo." Paglinaw ko rito dahil baka akala niya'y mali para sa akin ang sinagot niya. Besides, naiintindihan ko naman. "Dito na lang tayo." Pag-iiba ko ng usapan at itinuro sa kanya ang upuan na malapit sa entrance.
Uupo pa lang ako'y napansin ko na agad si Del na nag-aaral mag-isa sa kabilang table. Inilapag ko lang ang bag ko sa uupuan namin at lumapit sa kanya bago umorder.
"Uy! Anong oras na nandito ka pa?" Tanong ko. Mag-aalas dose na kaya't nakakapagtaka kung bakit nandito pa rin siya. Halatang nabigla din siya kung bakit nandito ako.
"Uy! Nag-aaral lang para sa quiz bukas. Tatapusin ko na ngayon para hindi ko na kailangang mag-aral sa library kasi feeling ko wala ka naman." Sagot nito na hindi ko alam kung nangongonsensya ba o nakokonsensya lang talaga ako.
"Sorry na. Kailangan ko lang talagang makisama sa org mates ko." Paliwanag ko rito. Naiintindihan naman siguro niya kung bakit hindi na kami lagi nagkakasama.
"Sira. Wala naman 'yon sa 'kin." Sagot nito. Pakiramdam ko'y hindi 'yon totoo pero baka nag-iisip lang ako nang ganito dahil sa sinabi sa akin ni Aya. "Ikaw ba? Bakit kayo nandito ni Tristan?" Balik nito ng tanong sa akin.
"Kakatapos lang namin magdinner. Dessert." Sagot ko rito. "Promise, bukas, sasamahan kitang mag-aral sa lib." Pagbalik ko ng topic namin kanina dahil kung nangongonsensya siya, tumalab talaga sa akin.
"Nice. Sige, sabihan ko na rin sila Rayver para sama-sama tayong mag-aral." Sagot nito sa akin at niligpit na ang mga handouts na inaaral niya kanina.
"Uuwi ka na?" Tanong ko dahil mukhang paalis na siya.
"Sobrang late na, eh. Mag-aaral na lang ako bukas sa lib since kasama ka naman."