Halatang kakagaling niya lang sa pag-iyak. The way he looks at me, alam ko nang may problema siyang kinikimkim kasi hindi naman siya ganoon tumingin sa akin.
He signaled me to get inside his room.
"Upo ka." Sabi niya habang tinuturo ang kama niya.
Kinakabahan ako. Why do I feel like it's something that I don't want to hear?
Hindi ako nagsalita at sumunod na lang sa pinapagawa niya. Umupo siya agad sa tabi ko at pareho kaming nakatingin sa kawalan.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano magsisimula." Sabi nito kaya't nakumpirma kong tungkol sa amin ang sasabihin niya. Simula pa lang ay bumiyak na ang boses niya and I can only visualize that he's crying right now kasi hindi ko magawang lingunin siya. "I didn't know, Sam. Mahal ka rin pala ng kapatid ko. And it's so sad kasi kahit hanggang sa huling hininga niya, naparamdam ko pa rin sa kanyang kakompetensiya ko siya." Humahagulgol nitong sabi. "I feel like I can't love you anymore kasi mararamdaman ko lang na paulit-ulit ko pa rin siyang sasaktan kahit wala na siya."
Muli ay pumatak na naman ang luha ko. Ramdam ko 'yung sakit na dinaramdam niya at naiintindihan ko naman siya.
"Don't worry, Tristan. Naiintindihan ko." Sagot ko rito. I offered my hand for him to hold, and he did. Kahit ngayon na lang. "I'm thankful kasi pinaramdam mo sa aking espesyal ako kahit sa maiksing panahon lang. Napakaganda ng puso niyong magkapatid and I can testify to that. I'm sorry kasi minsan, kahit magkasama tayo, si Justin 'yung naiisip ko kasi aaminin ko, I had feelings for him too. Ang labo kasi alam ko sa puso kong handa rin akong mahalin ka because that is what you deserve. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakumpirmang mahal na nga yata kita kasi nasasaktan akong sa ganito tayo magtatapos, pero naiintindihan ko. Promise, naiintindihan ko. You don't have to explain anything."
Huminga ako nang malalim bago ko siya bitawan para punasan naman ang luha ko.
"Funny. Bagay sa ating dalawa 'yung kantang sinulat ni Justin. Pinagtagpo pero 'di tinadhana." Natatawang sabi nito. "Bagay din pala sa inyo. Grabe. Bakit kasi parehas kami ng taste, 'no?" Pilit pa nitong pagbibiro. Marahil ay pinapagaan niya lang ang loob ko.
"So, ano na tayo?" Pag-iiba ko ng usapan. I want to make things clear.
"I'll always be here for you, Sam. I'll still have your back - as a friend." Sagot nito. Sabagay, hindi ko naman pala talaga siya maiiwasan nang tuluyan dahil magkateam kami sa volleyball.
"Sabi mo 'yan, ha?" Paninigurado ko. I offered my pinky ring to seal this promise. "Partners?"
"Forever." Sagot nito. "Baka multuhin ako ni Justin kapag pinabayaan kita."
"Ipapamulto talaga kita." Biro ko rito at nagtawanan na kaming pareho. "Tara na. Kain na tayo sa baba. Kanina pa rin ako hindi kumakain." Yaya ko rito nang maalala ko kung bakit ako umakyat.
"Hala? Kasi hindi pa ako kumakain?" Nag-aalalang tanong nito nang nalamang pareho kami.
"Sira. Nagmomoment din kasi ako kanina." Natatawa kong sagot dito.
Pansamantalang tumahimik ang paligid namin pagkatapos naming magtawanan.
"God, Sam. You're so precious." Sabi nito. It was evident that he was frustrated. "In another life, sana tayo na."