It feels like I've witnessed two different worlds ever since we came back in Manila. Back there, my world revolved around Justin. Umaga pa lang, siya na agad ang hinahanap ko. Even if I don't like early morning jogs, I eventually learned how to enjoy it. Add the mango pickings pagdating ng hapon kahit hindi namin alam kung sino ang may-ari ng punong pinagkukunan namin ng mangga. For me, it was our tree. No one could ever erase that in my memory. Then the evening jamming. Minsan, kasama namin si lolo na nakatambay sa kubo para magtugtugan at magkantahan. We lived in a world that I'll never want to leave. That was my ideal world.
Akala ko, hanggang sa Maynila ay magiging ganoon pa rin kami but I was wrong. I became busy with my volleyball trainings while him on his band. Kung dati ay sabay kaming kumakain ng almusal, tanghalian at hapunan, ngayon ay nagbabatian na lang kapag nagkakasalubong sa daan. I became busy trying to make Tristan feel better. I made sure na lagi akong nandoon para sa kanya. I became Justin and Tristan took my place. Gusto kong maramdaman ni Tristan na nandito lang ako para sa kanya the way Justin made me feel that he will never leave my side - at least before. Kahit na hirap syang magfocus sa training, tinutulungan ko sya dahil ayaw ko namang maalis siya sa lineup just because he can't deliver now.
"Kumusta naman sa morning class?" Del asked.
"Okay lang naman. Mukhang mababait naman mga kaklase ko." I answered.
Kinailangan kong mag-enroll sa morning class para mas makapagfocus ako sa training tuwing gabi. Tuwing may matatamaang klase sa mga laro namin ay pwede naman daw kaming makiseat in sa panggabing klase kaya paniguradong magkikita pa rin kami nila Del.
I was surprised na kahit wala pa mang aaralin ay pumasok pa rin siya nang maaga para masabayan akong kumain. Siguro'y miss niya na ako dahil ang tagal na naming hindi nagkakausap.
"Mabuti naman. Kapag may umaway sa 'yo, sabihin mo lang sa amin." Bilin nito.
"Grabe? Away agad?" Natatawa kong sagot sa kanya.
"Siyempre magiging famous ka na. Magkakabashers ka na niyan pero 'wag kang mag-alala. May defenders ka naman sa evening class." Paliwanag nito. To be fair, magkabashers man ako o wala, alam ko namang I would always have them despite of just being with them for a semester. Ganoon na kasubok ang pinagsamahan naming lahat para sa akin.
"Kaya ang swerte ko sa inyo, eh." I answered. "Kumusta pala break?"
"Sus. Wala namang bago. Lagi naman akong umuuwi sa amin." Natatawang sagot nito. Tama nga naman siya. "Ikaw ang kumusta? Ang tagal naming walang balita sa 'yo."
"Okay naman. Wala rin namang bago." Sagot ko rito. "Ay! Ma-proud ka sa akin! Hindi na ako affected kay Austin." Pahabol ko. May bago pala akong pwedeng masabi. Nakakaproud dahil alam kong hindi na ako affected kay Austin.
"Aba? Dapat lang, 'no?" Sagot nito sa akin.
'All thanks to Justin.' Gusto ko sanang ihabol pero 'wag na lang.