CHAPTER TWENTY SIX

235 11 0
                                    

This is the last night na makakasama ako sa mga kaibigan kong mag-inuman sa Spotlight dahil simula bukas, magsisimula na akong magtraining para sa volleyball team kada tapos ng klase namin. Sinama na rin namin sina Tristan dahil bago kami maghiwalay kanina'y nagyaya si Albert sa mga kaibigan kong mag-inuman sa Spotlight.

"Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay." Pansin ko kay Del na nananahimik lang magmula nang pumasok kami sa Spotlight.

"Sakit lang ng ulo ko pero okay lang naman ako." Sagot nito. Nginitian niya ako pagkatapos upang iparamdam sa aking ayos lang talaga siya kaya't hindi ko na kinulit pa.

"Your friend is going to be the next volleyball superstar. I won't mind kung maging bench player ako this year basta siya 'yung makakuha ng isang slot sa first six." Pagyayabang ni Tristan kila Aya.

"Wala pa ngang final list, eh." Kontra ko rito.

"Mark my words. Sigurado akong magkakatotoo 'yan." Kumpiyansang sagot nito.

"Lasing ka na, boi! Labas muna tayo para mahimasmasan ka?" Alok ko rito. Medyo nahihilo na rin kasi ako kaya kahit hindi man siya pumayag ay lalabas talaga ako.

"Sira. Hindi ako lasing." Pagtanggi nito na ikinatawa namin dahil halata talaga sa kanyang lasing siya.

"Okay." Kunwari'y naniniwala ako sa sinabi niya.

Ibinaling ko naman ang atensiyon ko kay Aya na nasa harapan ko ngayon dahil paniguradong sasamahan niya ako sa labas.

"Labas tayo?" Tanong ko rito. Tumango siya bilang sagot kaya't tumayo na ako upang lumabas.

Umupo ako sa gutter upang mahanginan at mahimasmasan. Tinabihan naman ako ni Aya upang may makasama ako.

"That dude obviously likes you, huh?" She randomly uttered marahil upang may mapag-usapan kaming dalawa.

"Sira! Friendly lang 'yung tao." Pagtanggi ko rito.

"Friendly pero bibigyan ka ng milk tea? Friendly na gusto kang makapartner sa Stick-O eating contest? Friendly na willing maging bench player para maging starter ka? Friendly pero kinikilala mga kaibigan mo?" Inisa-isa niya lahat ng mga bagay na napansin niya simula kanina pa. Natawa ako nang bahagya dahil ang babaw ng dahilan niya upang isiping may meaning lahat ng 'yon.

"Issue ka! Binigyan din naman ako ng milk tea kagabi ni Justin. Binigyan ko rin siya noong nakaraan, by the way. Tapos kanina binigyan din ako ni Del. Ang ganda ko naman kung lahat silang tatlo may gusto sa akin." Kontra ko sa sinabi niya.

Napailing na lang siya dahil alam niyang hindi rin naman ako maniniwala sa kanya. "Ayaw kong sa akin manggaling pero ang manhid mo if you're thinking na pagiging friendly lang lahat ng ginagawa ni Del sa 'yo."

"Baliw! Close naman talaga kami, 'di ba?" Pagtanggi ko rito. Ayaw kong isiping may gusto sa akin si Del dahil sobrang lapit ko talaga sa kanya at ayaw kong mawala na lang ang friendship namin dahil nagkaroon ng feelings ang isa sa amin.

"Close din naman kami pero hindi niya kami hinahatid kahit sa sakayan lang pero ikaw, hinihintay pa niyang makapasok ka sa loob ng building mo bago kami umalis. Sinong sumasalo ng mga shot mo kapag sinasabi mong ayaw mong malasing kasi mag-aaral ka pa? Sinong pumapasok nang umaga kahit hindi naman nag-aaral sa library para lang may makasama kang kumain tuwing lunch?" Pagbibigay pa niya nang mas maraming rason. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi niya ako napaniwala roon. Ayaw ko na lang sanang isiping tama siya.

"Friendly lang 'yon." Tipid na sabi ko rito.

AUTHOR'S NOTE:

Merry Christmas, y'all!

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon