Naisipan ni Tristan na matulog sa dorm namin ngayon. At dahil sa akin siya nagsabing dito siya matutulog ay naisipan kong pahiramin siya ng pamalit na damit pang-itaas.
I excused myself before going to my room. Sasamahan sana niya ako but I refused para doon lang siya at patuloy na makipagkwentuhan sa mga kaibigan namin.
Agad akong naghanap ng damit na maipapahiram sa kanya. Habang naghahalungkat ay isang pamilyar na damit ang nakita ko.
Shall I hold on to our memories o dapat na bang bumitaw?
Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko. Kusa na lang akong nakapagdesisyon at kinuha ang damit na iyon upang ipahiram kay Tristan. Maybe, this shirt already served its purpose. Maganda na rin yatang wala na akong alaalang pinanghahawakan mula kay Justin.
Pagkabigay ko kay Tristan ay agad din siyang nagpalit sa harap namin. Sanay naman na kaming nagkakakitaan ng katawan dahil after training ay sabay-sabay kaming nagpapalit maliban sa akin na sa loob pa ng cubicle nagbibihis.
Maya-maya lang ay unti-unti na silang nagpasukan sa mga kwarto nila dahil nahihilo na. Kahit si Tristan, hindi na kinaya kaya't natulog na siya sa kwartong nakareserba para sa kanya.
"Alam mo, madaya ka." Biglang sabi ni Gio na kasama kong naglilinis ngayon.
"Sira. Nag-inuman din kasi kami ng friends ko kanina kaya kaunti lang ang ininom ko ngayon." Paliwanag ko rito.
"Nag-enjoy ka naman ba sa birthday mo?" Tanong nito.
"Oo naman. Masaya akong nagcelebrate kasama ng mahahalagang tao sa buhay ko." Sagot ko rito.
"'Yung tshirt? Parang nakita ko nang suot ni Justin 'yon." Nabigla ako sa sinabi niya. Sinuot na kasi ni Justin 'yung kagaya n'on habang nanonood ng laban namin.
"Baka nagkataon lang na magkapareho." Maang-maangan ko.
"'Sus? Buti sana kung 'Never give up' nakalagay sa tshirt na 'yan." Sagot nito na hindi naniniwala sa sinabi ko. "Eh ngayon nga lang ako nakakita ng ganyang design ng damit, eh. So ano? Couple shirt kayo ni Justin?" Dagdag pa nito.
"Sira ka ba? Anong couple shirt sinasabi mo diyan?" Depensa ko rito. "Nagkataon lang talaga. Parehong music lover, eh."
"Okay. Sabi mo, eh." Sagot nito na parang nang-aasar pa rin. "Sabagay. May Tristan na nga pala. Kumusta kayo?"
"Napakachismoso mo, grabe!" Angal ko rito dahil ang dami niya nang iniissue sa akin. Apparently, tama naman lahat. "Okay naman pero to set the record straight, wala pa namang kami." Pagkaklaro ko rito.
"So, kailan?" Patuloy nitong pag-uusyoso.
"Hindi ko alam. 'Yung tipong magugulat ka na lang, kami na." Sagot ko rito.
"'Yun, oh! Tapos ang ending, narinig pala nila mga pinag-uusapan natin ngayon, 'no?" Natatawa nitong sabi.
"Ang ingay mo kasi. Baka magising pa sila sa kaingayan mo." Saway ko rito. Hindi pa yata siya inaantok. Mabuti na rin 'to dahil hindi pa rin naman ako inaantok.
"Pero alam mo, kahit si Tristan pa 'yan o si Justin, I'll be happy for you. Deserve mong maging masaya." Nabigla ako sa pahabol na sinabi nito. Akala ko'y hanggang mamaya pa niya ako aasarin. "Just listen to your heart."