It's New Year's eve and here I am, quietly sitting habang nag-iinuman ang mga kamag-anak ko. Ayaw naman akong samahan nila Rochelle sa loob para sana magkaraoke na lang kami dahil daw maingay nga naman ang tugtugan para makisabay pa kami.
My mood suddenly changed when I saw a very familiar guy walking towards our house. Akala ko'y hindi ko na siya makikita pagkatapos naming tumambay kanina habang kumakain ng mangga kaya nagulat ako kung bakit siya nandito ngayon.
"I cooked something for New Year's eve. Naisip kong dalhan kita kasi for sure, namimiss mo na." Bungad nito nang makalapit sa akin.
Tinignan ko ang lalagyang dala niya at nakitang sobrang daming siomai ang nandoon.
"Grabe." Natatawa kong sambit. "To be fair, miss ko na nga. Thank you, 'Tin." Pagsang-ayon ko rito.
"Bakit parang ang loner mo naman dito?" Pansin nito dahil ang layo ko nga naman sa mga kamag-anak ko.
"Wala akong kasama, eh. Nandyan 'yung boyfriend ni Roxanne so magkakasama sila. Nakakahiya namang makisali sa mga matatanda so dito na lang ako sa gilid." Sagot ko.
"Ano naman kung nandyan boyfriend ni Roxanne?" Nagtataka nitong tanong.
"Ayaw kong makasama 'yon. Kamag-anak ni Austin so 'di bale na lang." Paliwanag ko rito. "Ikaw? Ayaw mo bang magcelebrate with your fam?"
"Magkabaliktad tayo, actually. Mga tao 'yung lumalapit sa akin para mangamusta sa parents ko, sa buhay Maynila, blablabla blablabla. Ang tagal na rin kasi noong huli kong umuwi rito." Sagot nito.
"Kinakausap ka naman pala ng mga tao doon. Bakit ka umalis?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi naman ako artista pero nasa akin hot seat. I don't want that." Sagot nito. "So, anong plano mo? Tatambay ka na lang dito kasi wala kang makausap?" Tanong niya.
"Hindi ko nga alam. Gusto ko na ngang matulog na lang pero magliligpit pa kasi kami nila Rochelle pagkatapos nito." Sagot ko sa kanya.
"And as if namang makakatulog ka talaga. Hindi ka naman maaga natutulog." Natatawa nitong dagdag. Tama naman siya. Kahit anong pagulong-gulong ang gawin ko, hindi naman ako makakatulog kaagad.
"I know, right?" Pagsang-ayon ko. "Tatambay ka ba rito?" Tanong ko dahil baka gusto niya nang bumalik sa kanila.
"Ikaw bahala. I can go back naman kung ayaw mo na ako rito." Nangongonsensyang biro nito.
"Sira! Baka lang kasi ayaw mo pala magstay." Depensa ko. "Tara sa kusina. Kain na lang tayo." Yaya ko sa kanya kaysa tumambay lang kami sa labas.
"Good idea. Hindi ako makakain nang maayos sa amin kasi ang daming kumakausap sa akin, eh." Sagot niya. Buti na lang at niyaya ko siyang kumain.
Dinala ko siya papasok ng bahay namin at dumiretso kami sa kusina kung saan naabutan naming naghuhugas si lola.
"'La! Kami na ho nila Rochelle ang galigpit diyan mamaya. Doon na ho kayo sa labas at makipagkwentuhan man laang sa mga kapatid ninyo." Saway ko rito.
"Hayae na baya ako. Nasimulan ko na ay." Kontra nito sa akin. "Ay narito ka na naman pala, Osteng!" Pansin ni lola kay Justin. Napakamot na lang sa batok si Justin dahil namali ni lola ang pangalan niya.
"Justin ho." Pagtatama nito. "Happy New Year, 'la." Bati nito at lumapit upang magmano kahit na may bula pa ang kamay ni lola.
"Happy New Year din, iho. Boto ako sa 'yo para sa apo ko."