CHAPTER THIRTEEN

303 15 0
                                    

Inaccept ko na ang friend request ni Justin nang buksan ko ang Facebook ko. Doon ko rin nalamang ngayong araw na pala ang recruitment fair kung saan tutugtog sila sa harap ng maraming tao.

Sigurado akong matutuwa ang mga manonood sa kantang tutugtugin nila dahil sobrang timely ng mga ganoong klaseng tugtugan. Idagdag mo pang magaling talaga sila kaya't malabong hindi sila magustuhan.

Sayang lang na hindi ako makakanood dahil may klase pa kami ngayon.

"Guys, wala daw si sir." Anunsiyo ng secretary ng klase namin kaya't sabay-sabay na naghiyawan ang mga kaklase namin.

Pakiramdam ko'y parang pinagbibigyan ako ng tadhanang mapanood ang performance nila Justin ngayon.

"Tara sa rec fair! Maraming nagpeperform ngayon!" Yaya ni Aya sa amin at isa-isa kaming hinila at natutuwa naman akong pumayag doon dahil gusto ko naman talagang manood.

Nasaktuhan naming kumakanta ngayon si John Saga kasama ng dalawa pa nitong ka-org.

"Grabe ang galing ni John Saga talaga!" Bulong ni Mau habang pinakikinggan namin ang pagkanta nila.

"Sali tayo sa org nila!" Yaya ni Aya sa amin.

"Huy! Hindi naman tayo kasing galing nilang kumanta." Pagtanggi ni Del dito. "Si Sam pwede pa."

"Luh? Bakit ako?" Pagtanggi ko rin dito.

"Sira! Hindi lang music org 'yan. May dancing, theater, acting. Basta performing org sila kaya pwede kahit sino." Pagpapaliwanag ni Aya sa amin kaya't namangha ako dahil alam niya agad na ganoon ang sistema.

"Wala naman akong talent. Kayo na lang. Samahan ko na lang kayong magsign up." Mariing pagtanggi ni Del kaya sigurado akong hindi siya papayag talaga.

Sa totoo lang, parang natempt akong pumayag dahil kay John Saga. Sobrang idol ko talaga siya kaya't matutuwa ako kapag nagkasama kami sa iisang org pero alam kong hindi ko kasi talaga priority ngayong sumali sa mga orgs.

"Korni mo!" Inis na sabi ni Aya dito.

"Pass din ako. Wala sa priorities ko 'yan." Pagtanggi ko rin dito.

"Huy! John Saga 'yan! Ikaw na nagsabing idol mo 'yan tapos papalampasin mo 'yung opportunity to work with him?" Pagpupumilit ni Aya sa akin na sinang-ayunan naman ni Mau.

"Kahit ngayon lang, Sam. Malay mo magkaduet pa kayong dalawa."

Aaminin kong sobrang torn ako ngayon kung papayag ako o kung hindi. I know that I will enjoy kapag sumali ako diyan pero maisasakripisyo ko naman ang oras ko sa pag-aaral.

Is my joy worthy of that sacrifice? I don't know.

"Subukan mo lang. You can quit anytime you want to kapag feeling mo naaapektuhan na pag-aaral mo." Dagdag na pangungumbinsi ni Mau and it worked.

Hindi ko alam kung dahil ba napilit nila ako o gusto ko talagang gawin to kaya napapayag ako.

"Oo na." Pagpayag ko na kinatuwa nilang dalawa.

Hindi sumama sila Rayver at Yuki sa amin dahil nagpaiwan sila sa room upang mag-aral para sa quiz namin sa isang araw.

"Tara na sa booth nila bago pa magbago isip ni Sam." Yaya ni Aya sa amin na ikinatawa ko dahil totoo naman. Baka magbago pa ang isip ko dahil sobrang torn talaga ako sa desisyon na to.

Nang matapos kaming magsign up sa org nila ay muli kaming bumalik sa harap ng stage upang panoorin ang susunod na magpeperform at natuwa ako dahil nakita kong sila Justin na pala iyon.

"Sobrang inspired kong tutugtog ngayon dahil may nabalitaan akong sobrang ganda." Bungad nito sa mikropono. "Kami po pala ang bandang JAM! Sana magustuhan niyo."

Natuwa ako nang marinig ang intro ng original song nila dahil iyon pala ang una nilang tutugtugin at mas natuwa ako dahil nakita kong maraming estudyanteng natuwa doon.

"Ayan si Justin, 'di ba?" Tanong ni Aya nang mapansing si Justin nga iyon. Tumango ako dito bilang sagot. "Ang galing pala nila tumugtog." Puri nito sa kanila.

"Original song nila 'yan." Pagmamalaki ko rito.

"Kaya pala hindi familiar. Ang galing naman nila!" Puri rin ni Mau sa mga ito.

Nang matapos ang unang kanta nila ay alam ko nang Before You Go ang isusunod nila.

"Bago pa man magkaroon ng recruitment fair, may isang tao na akong gustong i-recruit sa org namin kasi nagagalingan talaga ako sa kanya. He said no to me kaya nalungkot talaga ako pero I was informed that he already signed up in our org kani-kanina lang kaya ang ganda ng mood ko ngayon." Pagkasabi niya noon ay napansin kong tumingin siya sa direksiyon ko ngayon. "Gusto sana kitang tawagin sa stage para samahan mo kaming kantahin 'tong favorite song mo. I am looking at you right now so alam kong naririnig mo ako."

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon