CHAPTER SIXTY FIVE

153 8 0
                                    

Tug of war naman ang susunod na lalaruin namin. Kagaya ng setup sa volleyball, lahat ay may pag-asang manalo dahil kakalabanin ng isang team ang dalawang teams sa magkaibang laban. Kung sakaling magkaroon kaming lahat ng tig-iisang panalo, ang pagbabasehan ng score ay ang oras na tinagal ng laban at ang manalo sa pinakamaiksing labanan ang siyang mananalo.

Si Austin muli ang nagmando sa amin. Siya na daw sa harapan, ako sa likod niya at sila Martin sa likod ko.

"Ready na, guys?" Tanong ni John sa amin.

"Ready!" Sigaw namin. Nakita ko ang competitive face ni Tristan na nasa harap ng team nila kaya't natawa na lang ako. Hindi raw siya nakikipagkompetensiya pero pumapalag.

Nang pumito si John ay nagsimula na kaming humila. Salitan kami sa hilahan at habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang paghigit nila. Mabuti na lang talaga at nasa gitna ako kaya't sumasabay lang ako sa agos. Maya-maya lang ay mas lalong lumakas ang paghila nila Tristan kaya't natalo kami. Makikipagkamay sana si Tristan ngunit tinalikuran ito ni Austin kaya't napailing na lang siya habang natatawa nang magtama ang mga mata namin.

"Bawi tayo." Sabi ni Austin.

Agad din namang nagsimula ang susunod na laban namin kila Justin. I know Austin too much. This time, mas lalo lang siyang magiging aggressive dahil ayaw na ayaw niyang natatalo.

Tama nga ako dahil pagkapito upang simulan na namin ang laban ay randam ng buong team ang lakas ni Austin. Parang isang buong team na ang humihila kay Austin pa lang.

Hindi ko natantiyang magiging ganoon siya kalakas. Na-out of balance ako't nadulas sa buhangin kaya't natumba. Nakakahiya.

Akala ko'y matatalo na kami ngunit nagulat ako nang bumitaw si Justin habang patuloy na humihila si Austin kaya naman nanalo ang team namin. Agad akong nilapitan ni Justin at inabot ang kamay niya upang alalayan akong tumayo.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito. Kinuha ko ang kamay niya at naramdaman ko ang pwersa niya upang makatayo ako.

"Yup. Salamat." Sagot ko rito habang nagpapagpag ng buhangin sa shorts at damit ko.

"Good. Balik na ako." Sagot nito sabay senyas na babalik na siya sa team nya. Tumango ako dito at agad din siyang umalis.

Naglakad na kami kung saan nanonood ang mga hindi naglalaro. Nakasalubong namin sila Tristan na sasalang naman para kalabanin sila Justin.

"Okay ka naman? Walang masakit?" Tanong nito.

"Wala naman." Sagot ko rito. "Good luck." Habol kong sabi.

"Thank you." Sagot nito sabay himas sa buhok ko bago maglakad muli.

Nang makaupo na kami ay nagsimula na rin agad ang laban nila. Pansin ko ang aggressiveness ng team ni Justin dahil kailangan nga naman nilang manalo dito para tie kaming lahat.

"Sorry." Bulong ni Austin kaya't napalingon ako sa kanya.

"Hindi mo kasalanan. Part of the game naman 'yon." Sagot ko rito.

"Lagi na lang kitang nasasaktan." I've heard the disappointment in his voice. Tama naman siya. Puro sakit nga ang dinulot niya sa akin.

Nginitian ko na lang siya at hindi na sumagot. Gaya nga ng sinabi ko, okay na ako. Ayaw ko nang alalahanin 'yung nangyari noon lalo na't hindi naman na masakit - hindi na dapat maging masakit.

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon