CHAPTER FIFTEEN

290 17 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali dahil malapit na akong matawag pero wala pa rin sina Aya. Nasaan na ba sila? Ni isang text o chat, wala pa akong natatanggap.

"Sam Gregorio!"

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil ako na pala ang kasunod na magauaudition. Mabuti na lang talaga at walang ibang makakapanood ng audition ko maliban sa mga officer ng org.

Agad kong nakita si Justin na may malawak na ngiti pagkapasok ko sa org room.

"Introduce yourself, from what college and tell us what you are going to do." Bilin ni John Saga.

Hindi ako makapaniwalang kakanta ako sa harapan niya ngayon dahil sobrang iniidolo ko talaga siya. Nagkataon pang isa siya sa mga panelist ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hi! Ako nga pala si Sam Gregorio from College of Accountancy. Kakantahin ko po is Before You Go." Pagsisimula ko.

"Wait! Ikaw ba 'yung kumanta sa stage last week?" Tanong nito nang akmang magsisimula na akong kumanta.

"Opo." Nahihiya kong sagot dito at muling napatingin kay Justin. Sinenyasan ako nito na magiging ayos lang ang lahat kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Narinig ka na naming kumanta. Sa ngayon, gusto kong makita kung saan ka namin pwedeng ilagay sa org na to because as you know, this is a performing org. We do theater, we join dancing competitions, and we perform in stage either as solo, band, or as chorale. So now, I want to see you dance, act, and sing something theatrical." Paliwanag nito sa akin na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko.

"Hindi po ako handa." Pag-amin ko. Akala ko kasi'y kakanta lang ako ngayon dahil iyon ang akala kong gagawin ko dito.

"It's okay, Sam. Gusto lang namin makita if you are fit for other departments aside from singing." Si Albert naman ang nagsalita ngayon.

"Well, hindi po kasi ako sumasayaw talaga. I can try acting pero bigyan niyo po ako ng scene kasi wala po talaga akong napaghandaan. With regards to theatrical song naman po, kaya ko naman pong kumanta ngayon." Sagot ko rito.

"Let's do the acting first. Gusto kong makakita ng isang dramatic pero romantic scene. Have you watched My Ex and Whys?" Tanong nito sa akin.

"Yes po." Sagot ko rito. Mabuti na lang at isa sa mga paborito kong pelikula ang tinanong niya sa akin kaya't sa tingin ko nama'y makakayanan ko iyon.

"I want you to deliver Liza's line. Gusto ko, kahit nagbabasa ka lang sa papel, makita ko sa mukha at boses mo 'yung emosyon." Bilin nito sabay abot sa akin ng papel kung saan nakasulat ang linyang sasabihin ko. "Start when you are ready."

Hindi ko alam kung paano magsisimula dahil linya ni Gio ang unang nakalagay sa binigay sa akin. Napahinga ako nang malalim upang maging maayos ang delivery ko kahit mag-isa lang ako ngunit nagulat ako nang biglang nagsalita si Justin.

"My God, Sam! Ang tagal-tagal na noon." Nabigla ako sa ginawa niyang iyon ngunit aaminin kong nakatulong sa akin dahil narinig ko ang emosyon ng boses niya.

"Pero 'yung matagal na 'yon, nandito pa rin." Tinignan ko siya upang mas maramdaman ko ang eksena.

"That was just one mistake, Sam."

"Ke isa, dalawa, tatlo - pareho lang 'yon!" Sagot ko rito at huminto nang bahagya upang humugot sa linyang iyon. "Pumatol ka pa rin sa iba."

Naramdaman kong nag-init ang mata ko dahil sobra kong naramdaman ang binitawan kong linya. Iba pala talaga kapag ikaw mismo ang nagsasabi noon.

"Lasing ako noon!"

"Lintik na palusot 'yan! Kahit lasing ka, alam mo pa rin ang ginagawa mo!"

"Kaya nga nagsorry agad ako sa 'yo noon, 'di ba? Kasi kahit anong sabihin ko, I was wrong. Nagkamali ako. Nasaktan kita." Sobrang galing umarte ni Justin. Aaminin kong kaya mas nararamdaman ko ang eksena ay dahil sa kanya.

"Nasaktan? Kayong mga lalaki, akala niyo pag nambabae kayo, nasasaktan niyo lang kami. Makikipagtyuktyakan kayo tapos ineexpect niyong iiyak lang kami, itutulog lang ang sakit tapos pagkagising okay na? 'Yun ang pangarap namin. Sana nga ganoon lang kadali pero hindi. Walang tigil ang takbo ng utak namin - pinipilit sagutin ang maraming tanong." Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. "Bakit niya kaya nagawa 'yon? Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Panget ba ako? Panget ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?" Nang matapos ang linya kong iyon ay muli akong tumingin kay Justin.

"No!"

"Then why?"

Hanggang doon lang ang script na binigay sa amin kaya't pinunasan ko na ang luha matapos naming gawin iyon.

Bakas sa mukha nilang natuwa sila sa ginawa ko. Maski ako ay nagulat dahil sobrang naramdaman ko bawat linyang binitawan ko na para bang niloko na rin ako noon kahit hindi pa naman.

Nakangiti sa akin si John Saga at doon pa lang ay proud na ako sa sarili ko.

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon