CHAPTER SIX

457 17 0
                                    

Sobrang sarap sa pakiramdam na ang araw-araw naming pagod para magtraining sa umaga ay nasuklian ng isang tropeyo. Hindi naging madali ang laban dahil hindi naiwasang magkaroon ng minor injuries habang laro and unfortunately, isa ako sa mga biktima nito. Pero gaya ng lagi kong sinasabi, proper mindset lang ang katapat niyan. It's part of the game and I should be thankful na hindi MCL o ACL ang kinahinatnan ng nangyari sa akin kanina.

"Highest na sa quiz, best spiker pa sa Goodwill Games!" Sigaw ni Del na ipinagmamalaki ako habang nakataas ang baso't nagyayaya ng toast kaya naman kahit nahihiya ako'y itinaas ko rin ang baso ko.

"Grabe! Napakasolid mo kanina bago ka na-injure. Kung buong game siguro nalaro mo, baka ikaw pa naging finals MVP kanina." Magkahalong puri at panghihinayang na sabi ni Kiko.

"Hindi naman mahalaga sa akin kung magkaroon ako ng award o hindi. The fact na nanalo 'yung college natin sa volleyball makes me proud na kasama ako sa naglaro para maabot 'yon." Sagot ko rito sabay tagay ng alak dahil end of the week ngayon kaya't oras naman para magsaya kami.

Halos mapuno naming magkakaklase ang kalahati ng Spotlight ngayon dahil tatlong table ang nasakop namin. Ibig sabihin din noon, madalas nasa amin ang mic at ang magagaling kong kaklase ay inaabot sa akin ang mic kapag hindi na nila kayang abutin ang kantang nilagay nila.

"Tinatamaan na yata ako. Labas lang ako saglit." Bulong ni Aya sa akin. Sa totoo lang, medyo tinatamaan na rin ako ngayon dahil matapang ang timpla ng iniinom namin ngayon.

"Sama na ako." Sagot ko rito saka bumaling kay Del na nakikipagkwentuhan ngayon sa iba pa naming mga kaklase. "Labas muna kami ni Aya saglit." Bulong ko rito at ngumiti ito bilang sagot sa sinabi ko.

Nang makalabas kami ni Aya ay agad nitong nilabas ang yosi niya at sinindihan ito.

"Kumusta paa mo?" Tanong nito habang nakatingin sa paa kong pinapalibutan ng benda ngayon.

"Pinaglakad niyo ako mula sa building natin hanggang dito sa Spotlight. Sabihin mo nga kung dapat bang masarap sa pakiramdam?" Sarkastikong sabi ko rito pero alam naman niyang nagbibiro lang ako.

"Teh, pinapili ka naman kasi kung Spotlight o The Pit tapos eto pinili mo." Paninisi nito sa akin pero tama naman siya. Kung sa The Pit kasi kami, paniguradong mangangamoy yosi sa damit ko at kapag nangyari 'yon, mapapagalitan ako ng nanay ko kapag dumalaw siya sa dorm ko bukas dahil bigla-bigla na lang siyang sumusulpot doon. "Nahihilo na ako."

"Sigaw ka ba naman nang sigaw sa loob ng 'Shot na!', eh." Panggagaya ko sa ginagawa niya kanina kaya't napadami na kami ng inom.

"Minsan lang kasi natin makasama sila Kiko, baliw." Depensa nito.

"To be fair, masaya silang kasama, ah." Ngayon lang namin nakasama sila Kiko sa inuman dahil madalas ay may kanya-kanya kaming lakad kaya't ngayon lang din kami nagkakila-kilala.

"True!" Pagsang-ayon nito sa sinabi ko sabay buga ng usok.

Maya-maya lang ay may lumabas mula sa Spotlight at nagulat ako nang makita kong si Justin iyon. Ibig sabihin, kanina pa pala nila naririnig ang ingay naming magkakaibigan.

"I knew it was you. Nice meeting you again, Sam." Bati nito sa akin at ngumiti naman ako dito pabalik. Pagkatapos noon ay naglakad na sila ng kasama niya papalayo ngunit mukhang may bibilhin lang dahil wala silang bitbit na kahit ano.

"'Yun ba 'yung Justin?" Tanong ni Aya nang makaalis na ang mga ito.

"Yup." Kaswal kong sagot dito.

"Aba si bakla, may nalalaman ka pang 'it was his fault', 'Nakakainis' diyan tapos ngayong nakita mo napakaganda naman ng ngiti mo?" Pang-aasar ni Aya sa akin kaya't naalala ko na naman ang panenermon sa amin ng prof namin dahil sa pagkalate ko sa klase.

"Aba't nanggaya pa talaga si bakla. Ang ganda ng bati sa akin, teh! Alangan namang irapan ko." Sagot ko rito.

"In all fairness, may hitsura ang kuya mo. Bet mo, 'no?" Tanong nito nang may halong pang-aasar.

"Luh? Kumalma ka nga!" Pagpigil ko dito dahil unti-unti na siyang nagiging hyper. "Wala sa priorities ko 'yang mga lalaki, okay? Pare-pareho lang naman silang lahat." Depensa ko.

"Pare-parehong ano?" Tanong nito.

"Nananakit."

Before You Go (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon