Kahit hindi nya sabihin, alam kong iniiwasan ako ngayon ni Del. Magtatampo rin ako sa sarili ko kung ako man ang nasa posisyon niya. Sobrang talkshit. Hindi ko maiwasang maguilty dahil sobrang bait nya sa akin pero hindi ko man lang masuklian kahit sa simpleng pagtupad lang sa pangako ko.
"Del, saan mo gustong kumain?" Tanong ko habang bumababa kami sa hagdan.
"Aya, kayo ba? Tusok-tusok o dito na lang sa building?" Baling nito kila Aya. Para akong hangin na hindi niya nakikita ngayon.
"Gusto daw ni Mau kumain ng carbonara so I guess dito na lang tayo." Sagot ni Aya dito.
Dumiretso kami sa stall na nagbebenta ng pasta. Hindi ako nagsasalita. Pinapakiramdaman ko lang kung anong gagawin ni Del dahil ayaw ko naman syang pwersahing maging okay kahit na hindi talaga kami okay.
"Chicken Run lang ako." Paalam ni Del. Sakto naman at gusto ko ring kumain ng baked mac ng Chicken Run kaya't sinundan ko sya.
Hindi ako nakatiis. Habang naghihintay ng order namin ay kinausap ko na siya.
"Umiiwas ka ba?" Tanong ko kahit alam ko naman na kung anong sagot.
"Hayaan mo muna akong umiwas, please. Magiging okay din ako."
Ang sakit marinig na ganoon ang naging sagot nya. Maybe, not having my presence gives him peace right now. I respect that pero ang sakit pa rin talaga dahil alam kong kasalanan ko.
"I will let you. Sorry talaga, Del."
Tahimik kaming bumalik kila Aya. Sinusundan ko lang sya at bakas sa reaksyon nila na napansin nilang hindi kami nagkikibuan ni Del.
"Anyare?" Tanong ni Mau na binagalan pa ang paglalakad upang paunahin sila Aya. "Kanina pa siya sa lib ganyan."
"Nagpromise kasi akong babawi ako ngayon. Sakto naman bumisita kanina 'yung nanay ko kaya hindi na ako natuloy sa lib." Paliwanag ko sa kanya.
"Ah! Nagtatampo ang kuya mong Del dahil hindi ka nakasama?" Pagkukumpirma niya.
"Ganoon na nga." Sagot ko rito.
"Ang weird lang kasi nanay mo naman 'yon so anong nakakatampo doon?" Nagtataka nitong tanong.
"Kasi di na ako nakakasama talaga sa inyo tapos kung kailang inaasahan niyang makakasama ako, biglang hindi na naman." Paliwanag ko. "Hayaan na natin siyang magtampo. Nakakatampo naman talaga. Sorry guys, ah?"
"Sira? Bakla ka ng taon. Gets naman naming busy person ka so hindi ka na makakasama talaga sa amin gaya nang dati. But that doesn't mean we want you less, ah?"
"Thank you talaga sa pag-intindi."
Kumain kami sa tambayan namin habang wala pa ang susunod na klase. Nagkukwentuhan kaming lahat ngunit bakas pa rin ang katahimikan kay Del.
"Okay ka lang, pre?" Tanong ni Rayver nang mapansin nyang tahimik ang kaibigan namin.,
Nginitian lang ito ni Del bilang sagot at nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang ulit itong yumuko at bumalik sa dati.
"Japanese tayo mamaya, please." Yaya ni Yuki.
"Yes, please!" Pagsang-ayon ni Mau dito.
"Pass ako guys. Uwi akong maaga ngayon." Finally, nagsalita na rin si Del.
"Hala? Ang kj." Puna ni Aya dito.
"Puyat kasi ako kagabi. Kailangan kong magbawi ng tulog." Paliwanag nito.
Wala naman nang umalma sa sinagot nito. Pansin din siguro nilang wala talaga sa mood ni Del ngayon kaya wala nang pumilit pa sa kanya. Nakakakonsensya. Hindi tuloy sila mabubuo mamaya dahil sa kasalanan ko.
"May training ka ngayon?" Tanong ni Yuki sa akin.
"Yup. So hindi rin ako makakasama." Sagot ko rito.
"Ang sad naman. Hindi na tayo nakukumpleto." Komento nito.
"Bawi na lang ako kapag wala na kaming training."