Nagulat ako sa naging resulta ng laban namin dahil ang team ni Tristan ang nakakuha ng last place. Hindi naman na ako nagtakang kami ang nanalo dahil marunong din naman si Austin maglaro kahit papaano lalo na't siya nga ang nagtraining sa akin noon. We were once a team. Kahit kaming dalawa lang, kahit pasikreto. Nakakabigla lang na magaling din palang maglaro si Justin to a point na natalo nila ang team ni Tristan.
Pagkatapos ng volleyball ay sack race naman ang naging kasunod na laban. Ang mga hindi naglaro kanina ang naging representatives namin kaya't inulan ng pang-aasar sila Martin dahil isang malaking sako lang ang sasakyan nila.
Kaming mga naglaro kanina ay nakaupo lang sa gilid habang naghihintay magsimula ang kasunod na laro. Katabi ko na ngayon si Tristan ngunit nasa kabila pa rin si Austin na hindi ko malayuan dahil siya 'tong lapit nang lapit sa akin.
Inalok ni Tristan ang kamay niya upang hawakan ko kaya't ipinatong ko doon ang kamay ko sabay sandal sa balikat niya.
"How's your eye?" Nag-aalalang tanong nito. Habang naglalaro kasi kami kalaban sila Justin ay nagdive ako para saluhin ang bola ngunit napasukan ng buhangin ang mata ko.
"Okay na. Hindi naman nakakamatay ang puwing." Pabirong sagot ko sa kanya kaya bumitaw siya sa pagkapit sa kamay ko at lumingon sa akin.
"Bad joke. I was worried." Bakas sa boses nito ang inis dahil sa isinagot ko.
"Sorry na. Wala lang naman kasi talaga sa akin 'yon." Sagot ko at muling hinawakan ang kamay niya.
"Pasalamat ka talaga, cute ka." Natawa ako sa sinabi nito.
"Cute ako?" Tanong ko rito at mas lalo pang nagpacute habang pinipikit pikit ko ang aking mga mata sa harap nya.
"Oo nga. Kahit kailan naman, hindi ko tinanggi." Sagot nito sabay pisil ng mga pisngi ko.
Pakiramdam ko'y dapat akong mahiya pero imbis na ganoon ay kinilig pa ako. I love how he makes sure na hindi ako masasaktan sa isasagot niya. Sobrang kalkulado.
"Ang cute mo rin." Balik ko sa sinabi niya. Para kaming mga batang ngayon pa lang natututong humarot sa ginagawa namin.
Well, technically, ngayon pa lang naman talaga ako. I never get to experience this kind of romance with Austin dahil patago kami. Kikiligin nang limang segundo ngunit kailangan ding pigilan agad dahil may mga makakakita. But with Tristan, para akong babaeng hindi na kailangang itago dahil wala siyang pake sa sasabihin ng iba. Kulang na nga lang ay ipagsigawan niya sa lahat na gusto niya ako na parang ginawa niya na rin dahil sa ginawa niya noong awarding namin.
I'm still feeling the moment nang bigla akong hawakan ni Austin at dinamay ako sa pagcelebrate niya dahil nanalo sila Martin.
"Ang competitive naman pala talaga ng leader niyo." Bulong ni Tristan na tinawanan ko na lang.
"Naririnig kita." Singit ni Austin sa usapan naming dalawa na nagpatigil sa akin sa pagtawa dahil baka magsimula na naman siya ng gulo. "I always win at anything, dude. Anything."
"Chill. Hindi naman ako nakikipagkompetensiya." Sagot ni Tristan ngunit bakas sa boses niya ang inis dahil sa inasal ni Austin.
Mabuti na lang talaga at doon natapos ang sagutan nila dahil umismid na lang si Austin pagkatapos noon.
"Wag mo na lang patulan." Bilin ko kay Tristan sabay himas sa ulo niya.