Pagkatapos ng game ay hindi na ako bumalik sa dorm upang makapagshower dahil fifteen minutes na lang ay late na ako sa klase namin.
"Mauna na kayo sa class. Diretso muna akong shower room para hindi naman ako pawisang papasok ngayon." Bilin ko kila Del pagkalapit ko sa kanila.
"Gusto mo hintayin na kita?" Alok ni Del.
"Sira! Baka dalawa pa tayong mabengga ni sir kapag na-late tayo." Pagtanggi ko dito. Sobrang moody kasi ng prof namin na 'yon kaya't hirap kaming tantiyahin kung kailan siya good mood o kung kailan hindi kaya't mahirap nang i-risk na magpasama pa ako sa kanya.
"Oo nga, boi. Deliks pa naman grades natin sa kanya. At least si Sam pasado sa mga quiz kaya kapag nabengga hindi pag-iinitan nang bongga." Pagsang-ayon ni Aya sa sinabi ko.
"Baliw. Siyempre mas magandang hindi mabengga kaya sige na. Mauna na kayo tapos sunod na lang ako sa klase."
Pumayag naman sila pagkatapos noon kaya't dumiretso na ako sa shower room. Nagsabon lang ako ng katawan upang maalis ang amoy ng pawis at pagkatapos ay nagbihis na ng uniform namin. Pagkalabas ko ng shower room ay nakita ko si Justin. Hindi ko na sana ito papansinin ngunit nakita niya na ako kaya't tinawag ako nito papalapit sa kanya.
"Guys, ito 'yung sinasabi ko sa inyong solid na singer sa Spotlight kagabi." Pagpapakilala nito sa akin sa mga kaibigan niya kaya't kulang na lang ay magpalamon ako sa lupa dahil sa kahihiyan.
"Wait! You really found him?" Gulat na tanong ng isa sa mga kaibigan niya.
"Sa music siya nag-aaral. Nagkita kami kaninang umaga before 'yung game nila sa volleyball." Paliwanag nito. Lalo akong na-awkwardan dahil hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin o kung may dapat ba akong gawin.
"Uy! Congrats sa inyo. Ang ganda ng habol niyo sa Engg." Nakipag-apir ang isa pa nitong kaibigan kaya't nakipag-apir din ako rito kahit hindi ko naman talaga siya kilala pa.
"Salamat." Sagot ko rito.
"So, did you say yes?" Tanong nito sa akin.
"Unfortunately, no." Si Justin na ang sumagot para sa akin. "By the way, Sam, these are my bandmates Albert and Martin." Pagpapakilala nito sa mga kaibigan niya. Inabot ng mga ito ang kamay nila kaya't nakipag-kamayan ako sa mga ito. "May ginagawa kasi kaming song ngayon and since mahilig ka sa music, feel ko magkakaroon ka ng input kung okay na ba o kung may kulang or off sa gawa namin. Pwede mo bang pakinggan?" Tanong nito.
"Sure." Sagot ko. Inabot niya sa akin ang papel na may lyrics ng kantang sinulat nila.
"That's the words and ito 'yung song." Sinimulan na nilang tugtugin ang kantang isinulat nila.
Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayanNgayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungoSabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwalaHindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwedeKay bigat na ng damdamin
Bakit 'di pa natin aminin?
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong labanSabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwalaHindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwedeHindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit, hanggang dito na lang
Dito na langHindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede
Hindi tayo pwedePagkatapos nilang iparinig sa akin ang kanta'y hindi ko naiwasang humanga sa galing nila. Magaling na ngang tumugtog, ang ganda pa ng boses ni Justin kaya't mas lalong gumanda 'yung kanta.
"How was it?" Tanong nito.
"Maganda naman 'yung words. Sobrang sakit basahin kaso the way you delivered the music, parang hindi ko naramdaman 'yung sakit. Maganda 'yung arrangement pero parang mas more of rock kayo kaysa sa soul and the lyrics of your song required the soul. 'Yun lang naman napansin kong off pero all in all, maganda talaga." Sagot ko rito.
"Wow. Thank you sa insight mo and we'd really consider it." Halatang namangha si Martin sa sinabi kong komento tungkol sa kanta nila. Akala siguro niya'y sasabihin ko lang na maganda o hindi but really, I've heard a lot of music already so alam ko if it's lacking something or not and this time, it lacked the connection and the soul.
"Baka may klase ka pa. Sorry sa abala, Sam. And thank you." Nang sabihin iyon ni Justin ay doon lang ako napatingin sa oras.
Ten minutes late na ako sa klase ko kaya paniguradong lagot ako sa prof namin ngayon. Sana lang talaga ay okay ang gising niya dahil kung hindi, baka lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.