Pagkatapos ng klase ay agad akong humiwalay sa mga kaibigan ko upang dumiretso na sa practice gym dahil sabi ni Tristan, doon na daw kami magkita. Nagbihis muna ako sa cr bago pumasok sa gym. Naabutan ko si Tristan na nagjajogging sa court kasama ng iba pa niyang teammates. Lumapit naman ako kaagad sa coach upang magpakilala.
"Hi po. Ako po si Sam Gregorio from Accountancy." Pagpapakilala ko rito.
"Oh, hi! Sinabihan na nga ako ni Tristan tungkol sa 'yo. As of the moment, we're on the process of selecting players na ipapadala namin sa UAAP. Kung maging maayos ang performance mo kagaya ng ginawa mo sa Goodwill Games, hindi ako magdadalawang-isip na ipasok ka." Natuwa ako sa narinig ko. Ganoon siguro talaga kaganda ang naging laro ko noong nakaraan kaya maganda ang feedback nila sa akin.
"Thank you, coach." Sagot ko rito. "Saan po ako magsisimula?" Tanong ko.
"Sabayan mo na muna silang magjog." Sagot nito sa akin at tumango naman ako bilang sagot.
Inilapag ko ang mga gamit ko kung saan nilapag ng ibang players ang mga bag nila at sinabayan ko na silang magjogging. Nang mapansin ako ni Tristan ay binagalan nito ang takbo upang mapuntahan ako sa dulo.
"Hi." He greeted me with a smile. Kahit pawis siya ay aaminin kong ang fresh pa rin niya.
"Hello." I awkwardly greeted back. Bago lang ako rito kaya nahihiya pa ako sa mga kasama namin.
"Partner tayo sa drills mamaya?" Tanong nito na may halong pag-aya. Dahil wala naman akong ibang kakilala dito, naisipan kong pumayag.
"Sure. Wala rin naman akong ibang kakilala." Sagot ko.
"Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam kanina, ha? Ayaw ko kasing gisingin ka pa since napuyat ka dahil sa akin." Pagbubukas nito ng topic. Ganoon na ba siya kasanay magjogging kaya't nagagawa pa niyang dumaldal ngayon?
"Naiintindihan ko naman." Natatawa kong sagot sa kanya. "Nagdinner ka na?" Tanong ko nang marealize kong hindi pala muna ako kumain bago nagpunta dito.
"Hindi pa. After training pa usually kumakain buong team nang magkakasama. Gusto mo sumama sa kanila o kain tayo sa dimsum?" Tanong nito pabalik.
"Paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sabi ni Aya mahilig ka raw sa siomai." Sagot nito. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang pagiging pusher ng kaibigan kong 'yon.
"Sama na lang siguro tayo sa team. First day ko sa training. Ang panget naman kung sabihin nilang snob ako." Sagot ko sa tanong niya kanina.
"Okay. Kantunan tayo." Nakangiti nitong sabi na ikinabigla ko.
"Ano?" Hindi ko alam kung mali ba talaga ang narinig ko. Hindi ko inexpect na magyayaya siya ng ganoon na maririnig ng ibang tao. Nakakahiya.
"Kantunan. Hindi ka pa nakapunta doon?" Tanong nito dahil sa inireact ko. Ah.... Kantunan pala.
"Narinig ko na pero hindi pa ako nakakakain diyan." Sagot ko. Nakakahiya dahil paniguradong alam nya kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko.
"Masarap cordon bleu nila. Must try." Nakangiti nitong sabi sa akin. Hindi ba talaga niya napansin ang pagkaOA ko kanina o hindi na lang talaga nya pinansin? Either way, nahihiya pa rin ako sa ginawa ko.
"Sige. Let's see."
BINABASA MO ANG
Before You Go (boyxboy)
Storie d'amoreI hate you..... but I was just kidding myself