Prologue

571 74 265
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

**********

Katherine's POV

Danilo Santiago Acasia
1922-2017

"Are you fine grandma?" I asks lola Amalia while I'm holding her wheel chair. Nandito kami ngayon sa libingan ni lolo dahil death anniversary niya.

"I'm fine apo, hindi ko lang talaga maisip na isang taon na pala simula noong mamatay ang inyong lolo na si Danilo," she said while smiling so wide, I can't almost see her eyes because of her wrinkled face.

95 years old na si lola at hirap na siya sa lahat ng bagay kaya nakawheelchair na siya dahil hindi niya na kayang maglakad dahil sa katandaan.

Even though grandma is smiling, I can still see the pain in her eyes. The way she force herself to smile everyday and the way she always talks about lolo Danilo ay kitang-kita ko kung paano niya ito namimiss. To be honest sobrang nasasaktan akong nakikitang ganito si lola because I'm a lola's girl. Simula noong mamatay si Daddy ay sina lolo at lola na ang nagsilbing mga magulang sa aming magkakapatid, wala na rin naman kaming nanay dahil namatay si mommy noong pinagbubuntis niya pa lang ako.

Sinindihan ni Kuya Jeremie ang kandila na nakapatong sa lapida ni lolo Danilo at tahimik kaming nagdasal. Si kuya Jeremie ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. He's 32 years old, I'm 28 while my other brother is 30 years old.

"Lolaaaa!" Denis shouts at grandma which makes my grandma smile again.

Mabilis kaming napalingon sa anak ko na kasalukuyang tumatakbo papalapit sa amin.

"Denis why are you here? Didn't I told you to stay in the car?" Pinanlakihan ko ng mata ang panganay kong anak na si Denis. Iniwan kasi namin silang magpipinsan sa kotse dahil masyado silang makukulit at maiingay.

"Eh kasi naman, we've already been staying in the car for an hour. Ang boring po!" Naka-pout niyang sabi sa akin.

"Hello po great grandmother!" I just sigh when I see Venice walking towards us. Magkambal kong anak si Venice at Denis, they are just 7 years old that's why napaka-kulit nila. Pawis na pawis na sila ngayon kakatabo.

"Oh? Kumusta kayo mga apo," bati naman ni lola and instead of answering, Venice and Denis just walk towards grandma to kiss her on forehead.

"Sali ako!" Sabi naman ni Allen na ngayo'y hingal na hingal dahil sa kakatakbo.

Si Allen ang pinakafavorite ko sa lahat ng mga pamangkin ko, matalino kasi siyang bata at kung mag-isip ay parang matanda na.

"Dad, I'm just going to comfort room!" Amanda said to her father Jeremie, hindi niya na hinintay magsalita ang daddy niya at dumiretso na lang siya sa CR.

"Guys tara na't kumain!" Bungad ni kuya Johny habang hawak niya ang mga basket ng pagkain at ang isang malaking banig.

As kuya Johny walks towards us, hindi ko mapigilan na hindi maalala sa kaniya si lolo Danilo, he has the same dimple and smile which resembles to lolo. May mga freckles din siya sa kaniyang pisngi kagaya ng kay lolo Danilo.

Maluwag itong sementeryo kung saan nilibig si lolo kaya napagplanuhan namin na magpicnic dito. Nilatag ni kuya Jeremie ang malaking banig at agad namang nagsitalon sina Venice, Denis, at Allen dito habang nagtatawanan.

"Lola 'di ba po death anniversary ni lolo ngayon?" Allen asked.

Binitawan ko saglit ang wheel chair ni lola para tulungan mag-ayos ng mga pagkain sila kuya. Maganda at maaliwalas ang panahon kaya ang sarap talagang magpicnic dito.

"Lola, do you love lolo ba?" Hindi pa man nasasagot ni lola ang tanong ni Allen ay sumingit kaagad si Venice.

"Malamang, asawa siya ni lolo kaya syempre love niya si lolo!" Bwelta ni Allen kay Venice.

"Oo naman Jenice mahal na mahal ko itong si Dani," sagot naman ni lola.

The three kids giggle to what my grandma said, para silang mga kinikiliti dahil sa paghagikhik nila.

"Lola, I'm Venice po, not Jenice," Venice corrected grandma.

"Ay pasensya ka na Venice, medyo makakalimutin na kasi ang lola." My grandma chuckles.

"How did you two met po?" Tanong ni Allen kay lola na ngayon ay nakahiga sa banig katabi si Venice at Denis.

"Gusto niyo bang malaman kung paano kami nagkakilala ng lolo niyo?" Masayang tanong ni lola na parang ini-enganyo niya sila.

Sabay sabay namang tumango ang tatlong bata. "Yes, lola. Tell us the story, please!" Venice said as he do her puppy eyes.

"Gusto po namin malaman," dagdag pa ni Allen.

"Naku lola! Sa susunod mo na lang ikuwento 'yan. Baka mapagod ka po sa pagsasalita," I said while I'm still preparing the fruits.

"Ngayon lang naman to Katherine, saka mukhang gusto namang makinig ng mga bata."

I just agree on grandma and let her do what she wants to do. Hindi ko naman mapipigilan si lola eh, kapag matanda na masyado ng makulit.

"Pero lola, baka po nakalimutan niyo na 'yon. Kasi po makakalimutan na po kayo hindi ba?"

Natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Allen.

"Napakapilyo mong bata, syempre hinding-hindi hindi ko makakalimutan kung paano kami nagkakakilala ng lolo niyo," sagot ni lola.

"Sige po lola, tell us the story na po," sambit ni Venice habang nakatitig siya kay lola na parang interesadong-interesado siya sa ikukwento nito.

Ngumiti sa kanya si lola at nagsimulang magkwento. "Nagkakilala kami ni Danilo noong disi-otso anyos pa lamang ako. Maganda ang kalangitan noong araw na iyon," pagsisimula ni lola.

I secretly sit on the floor with the kids and listen to my grandma's story. I admit that I already heard their love story for a thousand times, pero everytime na ikukwento ni lola kung paano sila nagkakilala at kung paano sila umabot hanggang ngayon, still catches my attention.

Their story is the best story that I've ever heard, and I won't get tired listening to them.

"Pupunta akong Maynila para mag-aral ng medesina noong mga oras na iyon. Marso 1941 noon unang beses naming magkita ni Danilo"

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon