Disclaimer: This chapter is based on actual events that happened in Philippine history. In certain cases incidents, characters, characters experiences and timelines have been changed for dramatic purposes. Certain characters are entirely fictitious. I created a fictitious character that is not really based on actual events.
**********
December 26, 1941"General Douglas MacArthur declare the Philippine capital, Manila, an open city, and to transfer his headquarters to the tiny island of Corregidor," anunsyo ni Propesor Barbara na nakapagpabagsak sa lahat ng balikat ng mga taong nandito.
"Ibig-sabihin, simula ngayon ay dineklara na ni heneral MacArthur na ang Maynila ay isa ng bukas na syudad, malaya ng makakapasok ang ibang mga mananakop sa ating bayan dahil kaunting sundalo na lamang ang matitira rito sa kadahilanang lahat ng sundalo ay mas kailangan sa Bataan upang mapigilan ang pagpasok ng mga hapon sa buong bansa." taimtim kaming nakikinig sa anunsyo ni propesor Barbara, ang lahat ng mga estudyanteng nurse at mga doktor ay naka-upo sa sahig habang patuloy na nagsasalita si propesor.
"Ngunit hindi ibig-sabihin na bukas na ang Maynila ay hahayaan na lang nating tuluyang lumubog ang syudad na ito. Hanggang may mga sundalong nangangailangan ng tulong ay tutulong tayo, hangga't may kakayahan tayo upang gumamot ay gagawin natin ito alang-alang sa kapakanan ng bansa," dagdag ni propesor Barbara.
Walang nagsalita maski isa sa amin. Ang pagiging bukas ng syudad ng Maynila (open city) ay sumisimbolo na hinahayaan na ng ating bansa na makapasok ang mga dayuhan rito ngunit hindi rin namin masisisi ang pamahalaan dahil kailangan nila itong gawin upang protektahan ang Pilipinas, ang pagiging bukas ng Maynila ay makakatulong upang mabawasan ang mga Hapon na nagpupumilit pumasok sa Corregidor na kasalukuyang pinoprotektahan ng ating mga sundalo.
(bago makapasok ang mga barko sa Maynila ay dadaan muna sa Cavite at sa bataan at sa pagitan ng Cavite at bataan ay nandoon ang maliit na isla na tinatawag na corregidor na kailangang protektahan ng Pilipinas. Sa Bataan kung saan papasok ang mga dayuhan, may dalawang linyang dapat na harangan ang ating mga sundalo at iyon ay ang Mauban, Abucay line at Bagac, Orioc line sa Bataan. Kailangang protektahan ng ating mga sundalo ang linyang iyon upang hindi tuluyang makapasok ang mga hapon sa Corregidor.)
Plano ni heneral MacArthur na harangin ang mga hapon sa pagpasok sa mga dagat at isa na roon ang Bataan Peninsula kung saan haharangin ang mga sundalong Hapon. Dahil doon ay kaunti na lamang ang mga sundalong natira sa iba't-ibang parte ng bansa, pati mga pagkain at mga medisina ay pinadala sa Bataan upang masusntentuhan ang lahat ng mga sundalong lumalaban.
Matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng mga Hapon sa ating bansa ay tuluyang lumubog ang Pilipinas. Noong ika-10 ng desyembre ay binomba ng mga Hapon ang Naval Base sa Cavite dahilan upang madali silang makapasok sa iba't-ibang panig ng bansa.
Noong desyembre-13 ay tuluyan ng naubos ang lahat ng mga armas ng ating mga sundalo at ang tanging natira na lamang ay kakaunting eroplanong pandigmaan (war planes). Sa ika-17 naman ng desyembere ay dumating ang ang mga Hapon sa Legaspi at noong desyembre-22 ay dumating ang mga Hapon sa Lingayen, Pangasinan kasama ang kanilang heneral na si Masaharu Homma, siya ang pasimuno ng lahat ng pagpaplano at pambobomba sa Pilipinas.
Noong desyembre-24 (christmas evening) ay tuluyan ng nakarating ang mga hapon sa Lamon Bay kung saan mayroon lamang isang-daan at tatlompu't walong kilometrong layo sa Maynila, dahil rito ay dineklara ni heneral MacArthur ang ang pagkakaroon ng war plan orange na ang ibig-sabihin ay nasa ilalim na ng digmaan ang buong Pilipinas laban sa Japan.
Dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng mga hapon, libo-libong mga Pilipino ang nagboluntaryo upang lumaban sa digmaan at hanggang ngayon ay patuloy na lumalaban ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo upang protektahan ang Bataan.
BINABASA MO ANG
Catastrophe Between Us (COMPLETED)
Historical FictionPangarap o pag-ibig? Pamilya o bayan? Sa gitna ng gyera at labanan, dalawang tao ang paghihiwalayin ng kapalaran. Dalawang taong nag-iibigan na kumakapit sa pangakong walang kasiguraduhan. *** Sa ilalim ng pamamalakad ng mga Amerikano sa Pilipinas a...