06- Unread Letter

140 40 112
                                    

3 Months later (Hunyo, 1941)
Amalia's POV

Nanginginig kong tinutok ang karayom ng syringe sa ugat ni Cecillia, namamawis ang aking mga kamay dahil sa aking kabang nararamdaman. Pansin ko ring nagsisimula ng pumatak ang malamig na pawis sa aking noo.

Huminga ako ng malalim bago ko itusok ang karayom ngunit biglang nanginig ang aking kamay dahilan upang mabitiwan ko ang syringe.

"Aaaaah!" halos lumabas ang aking kaluluwa dahil sa lakas ng tili ni Cecillia, tinitigan ko muna siya ng masama bago ko hanapin ang nahulog na syringe.

Agad na bumilis ang tibok ng aking puso nang makita kong tumusok ang karayom ng syringe sa hita ni Cecillia, nakabaon ang buong karayom sa kaniya.

Ang lahat ng studyante sa loob ng kwarto ay napatingin sa amin. Dahil sa sobrang kaba ko ay agad kong hinila ang syringe dahilan upang lalo siyang mapasigaw.

"P-pasensya na," nanginginig kong saad kay Cecillia. Lumapit sa amin ang propesor na lalong nagpakaba sa akin.

"WHAT IS HAPPENING HERE?" malakas na sigaw ng Amerikana naming propesor. Nagulat ako nang biglang umiyak si Cecillia.

"Professor, Amalia stuck the needle on my thigh," mangiyak-ngiyak niyang saad dahilan upang manlaki ang mga mata ng aming propesor.

"N-no, I didn't mean to do it. It just...." huminto ako ng panandalian dahil nakalimutan ko kung anong ingles ng salitang dumulas.

Dahil sa isang buwan kong pananatili dito sa UP-Philippine General Hospital School of Nursing ay natuto na rin akong magsalita ng ingles dahil kadalasan sa aming mga propesor ay mga Amerikano.

"Can you please stop making excuses Ms. Grasya, whether you mean it or not IT'S STILL YOUR MISTAKE!" sigaw sa aking ni Propesor Williams.

"Ms. Williams, I really didn't mean it. I was just nervous tha---"

"Enough for your explanation!" tinapat ni Ms. Williams ang kaniyang kamay sa harap ng aking mukha dahilan upang hindi ko maituloy ang aking sasabihin.

"Class dismiss, make sure to read and study your books. So this kind of incident will not happen again. You can now go back to your room and make sure not to go anywhere," dagdag niya pa habang nakatingin sa buong klase.

Sumunod ang mga studyante sa kaniya at nagsilabasan sila. Tatayo na sana ako upang lumabas nang biglang magsalita si Ms. Williams.

"And you, you're not yet dismiss. You have to help me to take Ms. Valle in clinic," saad niya sa akin sabay hinilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.

Tumango na lamang ako sa kanya at tinulungan kong tumayo si Cecillia. Kaklase ko si Cecillia at ngayon ang unang araw na susubukan namin gamitin ang syringe, sa kasamaang palad ay palpak na naman ako.

Halos isang buwan na akong nag-aaral at masasabi kong madami rin akong natutuhan lalo na sa mga salitang ingles. Hindi pa ako ganoon kagaling magsalita ngunit marunong akong makaintindi.

"You can now go." natigil ako sa aking pag-iisip nang magsalita si Ms.Williams. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa klinika.

Bumitiw si Cecillia sa pagkaka-akbay sa akin at dahan-dahan siyang umupo sa kama.

"Thank you and... I'm very sorry for my mistake," paghihingi ko ng pasensya.

"Can you just please study your books? If this incident happens again I no longer know what I will do to you. Please study, okay?" tumango na lamang ako sa kanya at saka tumalikod.

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon