Disclaimer: This chapter is based on actual events that happened in Philippine history. In certain cases incidents, characters, characters experiences and timelines have been changed for dramatic purposes. Certain characters are entirely fictitious. I created a fictitious character that is not really based on actual events.
**********
"Mahal kita Amalia! Mahal na mahal," diretsong saad niya sa akin habang walang kurap siyang nakatitig sa aking mga mata. Panandalian akong na-estatwa sa aking kinatatayuan, tila ba hindi kayang tanggapin ng aking isip ang kaniyang mga sinabi.
"Mahal kita Amalia, simula noong unang pagkikita pa lamang natin ay alam kong minahal na kita. At h-hindi ko pinagsisisihan na hinalikan kita..." hinawi niya ang mga tubig na dumadaloy sa kaniyang mukha. "Sinubukan kong pigilan ngunit ang hirap. Hindi ko kayang pigilan ang aking puso."
Patuloy akong umiling-iling sa mga sinabi niya, bakit ngayon niya pa kailangang sabihin ito sa akin? Ang gulo-gulo ng isip ko ngayon, ang dami kong problema at dumadagdag pa siya.
"N-nagkakamali ka lang ng iniisip Danilo! Hindi mo ako mahal. Naguguluhan ka lang, bata pa lamang tayo! W-wala pa tayong alam sa mga pagmamahal na 'yan," diresto kong saad sa kaniya.
"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo Amalia.... Alam ko kung ano ang gusto ko at ikaw iyon! Ikaw ang nais ko at hindi ako nagkakamali! Siguradong-sigurado ako sa aking nararamdaman."
"At alam ko na may naramdaman ka rin para sa akin. Aminin mo man o hindi, alam kong kahit isang beses ay may naramdaman ka rin para sa akin. Kahit isang beses ay tumibok din ang iyong puso para sa akin." unti-unti siyang lumalapit sa akin.
Lalong bumbilis ang tibok ng aking puso sa tuwing humahakbang siya papalapit. Tama siya, hindi lamang isang beses na tumibok ang aking puso para sa kaniya ngunit hindi ibig-sabihin niyon kay mahal ko na siya.
"Mahal mo rin ako Amalia, hindi mo lamang alam dahil hindi mo pa ito nararanasan noon." tinitigan niya ako diresto sa mata at agad akong nag-iwas ng tingin.
"Hindi kita mahal, hindi mo ako mahal, naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo. HINDI MO AKO MAHAL AT HINDI MO AKO PWEDENG MAHALIN!" matapang na saad ko sa kaniya.
"MAHAL KITA! MAHAL KITA AMALIA... MAHAL NA MAHAL KITA. TOTOO ANG AKING NARARAMDAMAN AT HANDA AKONG ULITIN IYON NG ILANG LIBONG BESES PARA LANG MAPATUNAYAN NA MAHAL KITA!"
Napatahimik ako ng ilang segundo bago magsalita. "BAKIT? BAKIT KAILANGAN MO PANG SABIHIN ITO SA AKIN? BAKIT NGAYON PA DANILO? BAKIT NGAYON PANG NAGKAKANDALETSE-LETSE ANG LAHAT? ALAM MO NA HINDI MO AKO PWEDENG GUSTUHIN DAHIL IKAKASAL KA NA!" galit kong sigaw.
Bakit kailangan niya pang guluhin ang aking pag-iisip? Maski ako'y naguguluhan sa aking nararamdaman ngunit hindi ito ang tamang panahon para sa mga ganitong bagay.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at hinayaan ko na lamang itong pumatak. Mabuti't patuloy pa rin ang ulan sa pagbagsak kaya't hindi halata ang mga luhang patuloy rin na bumubuhos mula sa aking aking.
"HINDI KO ITUTULOY ANG AMING KASAL, MADALI LANG SUWAYIN ANG AKING AMA AT HANDA AKONG SUWAYIN SIYA PARA SA 'YO,"
"HINDI DANILO! HINDI MO PWEDENG GAWIN 'YAN PARA LANG SA AKIN. MAY KINABUKASANG NAGHIHINTAY SA 'YO SA U.S! HUWAG MONG SIRAIN ANG BUHAY MO!"
"MAHAL KITA AMALIA AT ALAM KONG HINDING-HINDI MASISIRA ANG AKING BUHAY KUNG IKAW ANG PIPILIIN KO." lumapit siya sa akin upang hawakan ang aking kamay ngunit agad akong nag-iwas. Umatras ako palayo sa kaniya.
"Pasensiya na Danilo, mahal kita ngunit hindi sa paraan na nais mo. Mahal kita bilang kaibigan lamang, hindi pa ako handang pumasok sa mga ganitong relasyon..." nakita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata, nakatitig lamang siya sa akin habang hindi makapaniwala sa aking mga sinasabi.
BINABASA MO ANG
Catastrophe Between Us (COMPLETED)
Tarihi KurguPangarap o pag-ibig? Pamilya o bayan? Sa gitna ng gyera at labanan, dalawang tao ang paghihiwalayin ng kapalaran. Dalawang taong nag-iibigan na kumakapit sa pangakong walang kasiguraduhan. *** Sa ilalim ng pamamalakad ng mga Amerikano sa Pilipinas a...