26- Same Old Feeling

62 24 65
                                    

Amalia's POV
2 years later (Nobyembre 1944)

"Andyan na ang mga Hapon."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na sigaw ni tatang sa labas.

Binuksan ni Cecillia ang aking silid saka siya sumilip sa akin. "Amalia, andyan na ang mga Hapon," kinakabahan niyang saad sa akin saka siya tumakbo pababa.

Matapos ang laban na nangyari sa Bataan ay napagdesisyunan ni Cecillia na nais niyang sumama sa akin dito sa Pangasinan dahil tutal naman ay itinakwil na siya ng kaniyang ama at wala na siyang ibang matutuluyan. Naging malapit na din sa amin si Cecillia, itinuturing siya ni inay na parang tunay na anak at ganoon din kami ni ate Kristin.

Tumakbo ako sa labas ng aking silid at agad kong kinuha ang durog na uling na nakatago sa ilalim ng aking kama. Ibinigay ko kay Cecillia ang isang garapon ng uling at sinimulan niyang ilagay iyon sa kaniyang katawan.

Ginaya ko ang ginawa ni Cecillia at pinaliguan ko ng uling ang buo kong mukha pati na rin ang mga braso't leeg ko.

"Kristin, nasaan ka na ba?" galit na sigaw ni inay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapaglagay si ate Kristin ng uling sa kaniyang katawan.

"P-pasensiya na inay, nagbibihis---"

Hindi na naituloy ni ate Kristin ang kaniyang sasabihin dahil agad siyang pinaliguan ni inay ng uling.

"Bilisan niyo't magtago na kayo sa ilalim," saad ni inay habang dahan-dahan niyang binubuksan ang maliit na pinto sa sahig papunta sa mliit na hukay sa ilalim ng aming bahay. Agad na pumasok kaming tatlo roon upang magtago at isinarado ni inay ng maigi ang pinto na nakatago sa sahig.

Isa itong malalim na hukay sa lupa na ginawa ni namin upang sa tuwing darating ang mga Hapon ay hindi nila kami makita dahil malaki ang posibilidad na gahasain ang mga kababaihan na kagaya namin. Libo-libong mga babae ang pinapatay at ginagasaha kaya't sa tuwing dumarating ang mga Hapon sa aming lugar ay ganito ang palagi namin ginagawa. Nananatili kami sa masikip at madilim na hukay upang makaligtas kami sa maaring panganib na maranasan namin.

Napatakip na lamang ako sa aking bibig nang narinig kong bumukas ang pinto ng aming bahay, mukhang ino-obserbahan na naman ng mga Hapon ang bawat pamilya rito.

Nanatili kaming tatlo sa ilalim ng lupa ng halos isang oras. Wala ni isa ang nagsasalita sa amin, ang tanging naririnig ko lamang ay ang malalalim naming paghinga. Hinawakan ni ate Kristin ang aking kamay at ganoon din ang ginawa ko sa kamay ni Cecillia.

Matapos tuluyang masakop ng mga Hapon ang Pilipinas ay ganito na ang naging sistema ng buong bansa. Halos araw-araw ay may pinapatay at tila ba nakakulong ang mga Pilipino sa sarili naming bayan. Hindi kami lumalabas ng bahay hangga't may mga Hapon na nag-iikot-ikot dahil kapag nakursunadahan ka ng mga sundalo ay papatayin o gagahasain ka nila.

Bumukas ang pinto at agad kaming napatingala at nakahinga ng malalim nang makitang si inay iyon.

"Wala na sila," saad ni inay saka tinulungan niya kaming makalabas sa malalim na hukay.

"Ano po'ng sabi nila sa inyo inay?" tanong ni Cecillia nang tuluyan na siyang makalabas sa hukay.

"Hindi ko rin maintindihan ang kaniyang mga sinabi. Tumango-tango na lamang ako sa kaniya." nagtawanan kaming apat dahil sa sagot ni inay.

"Bilisan niyo't maghugas na kayo ng kamay upang makakain na tayo dahil kanina pa nakahanda ang almusal."

Lumapit kaming tatlong babae sa palikuran upang maghilamos at maghugas ng kamay saka kami naglakad papunta sa hapag-kainan upang magsimulang kumain.

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon