35- Shades of Blue

55 17 77
                                    

3 Months later

Mahal kong Danilo, kung nasaan ka man ngayon ay wala akong ibang hiling kundi ang iyong kaligtasan. Sana'y mabuti ang iyong kalagayan at huwag mo akong alalahanin dahil maayos ang aking kalagayan. Magkakasama kami nila inay at walang napahamak sa amin. Maayos na rin ang kalagayan ng buong Pangasinan dahil tuluyan ng lumisan ang mga Hapon. Kung nababasa mo ito ay nais kong sabihin na lumaban ka para sa iyong buhay.

Nais ko lamang malaman mo na patuloy pa rin akong naghihintay sa iyong pagbabalik. Alam kong hindi naging madali ang lahat ng iyong pinagdaraan diyan ngunit alam kong babalik at babalik ka sa akin. Kagaya ng sinabi ko sa iyo ay lubos akong nagtitiwala sa mga pangako mo at alam ko na babalik ka. Hihintayin kita kahit ilang buwan o taon pa ang magdaan ay hihintayin kita. Mahal na mahal kita at palagi mo ingatan ang iyong sarili.

Nagmamahal,
Amalia Acasia

Tiniklop ko ang papel na sinusulatan ko, nanginginig ang aking mga kamay at halos hindi ko na makita ang aking ginagawa dahil sa panlalabo ng aking mata dahil sa patuloy na pagbagsak ng aking luha.

Kasalukuyan akong naka-upo sa isang upuan sa gilid ng kalsada kung saan maraming tao ang naglalakad. Bahagyang napapatingin sa akin ang mga taong bumababa sa jeep dahil sa pag-iyak na aking ginagawa. Hindi ko alintana ang kanilang mga tingin, patuloy lamang ako sa pag-iyak.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Tila ba masaya ang lahat habang nilalasap nila ang kalayaan na nakamit namin. Tatlong buwan na ang nakalipas pagkatapos ng sunod-sunod na digmaan, unti-unti ng bumalik ang lahat sa normal. May mga tao ng naglalakad sa kalsada at nagkaroon ulit ng hanap-buhay ang iba.

Nais ko sanang maging masaya ngunit kalahati ng aking puso ay nakabaon sa kalungkutan dahil kay Danilo. Wala akong balita sa kaniya kung ano na ba ang sitwasyon niya roon. Hindi ko alam kung nakaligtas ba siya o may nangyari na bang masama sa kaniya.

Ang daming tanong sa aking isipan na patuloy gumugulo sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang panghawakan ang mga pangakong binitiwan niya.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at kahit na napakabigat ng aking damdamin ay tumayo ako at naglakad. Nandito ako sa bayan upang pumunta sa opisina ng tanggapan ng sulat (Post office) upang ipadala kay Danilo ang sulat na ito.

Huminga ako ng malalim saka ko tinignan ang sulat na aking hawak. Kailangan ko itong maipadala kay Danilo. Kailangan niyang malaman na naghihintay ako sa kaniya.

Nagsisimula na namang mangilid ang aking luha. Kahit na walang kasiguraduhan ay pumasok ako sa kanilang opisina.

"Magandang umaga po binibini. Magpapadala po kayo ng sulat?" tanong sa akin ng babaeng nag-aasikaso rito.

Tumango lamang ako sa kaniya saka siya may inabot na papel at lapis sa akin. "Pakisagutan na lang po ang mga impormasyon na kailangan," saad niya.

Tinanggap ko iyon saka ko sinagutan ang mga tanong. Nang matapos ako ay inabot ko iyon sa kaniya kasama ng sulat ko para kay Danilo.

"Binibini, baka maari pong pakilagay ang eksaktong lugar na pagpapadalhan niyo ng sulat," saad niya sa akin.

"Saan po ba sa Maynila niyo ito ipapadala?" tanong niya.

Mahina kong nakagat ang pang-ibaba kong labi dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung nasaan si Danilo, hindi ko alam ang eksaktong lugar, ni hindi ko nga alam kung humihinga pa ba siya. Basta't ang alam ko lang ay dapat niya itong mabasa dahil baka sakaling nahihirapan na siya. Dapat niyang malaman na naghihintay ako sa kaniya.

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon