23- Fall of Bataan

74 22 68
                                    

Disclaimer: This chapter is based on actual events that happened in Philippine history. In certain cases incidents, characters, characters experiences and timelines have been changed for dramatic purposes. Certain characters are entirely fictitious. I created a fictitious character that is not really based on actual events.

(Picture above is not mine, credit to the rightful owner.)

**********

Third Person Point of View

Noong ika-3 ng abril (good friday) gumawa na naman ng pag-atake ang mga Hapon. Pinaghandaan ito ng kanilang pinuno, at dahil sa kakulangan sa kagamitan ng mga Bataan defenders ay madali silang nakapasok sa Orioc, Bagac line. Tuluyang nasira ang linyang pinoprotektahan ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo. Naglabas din ang mga Hapon ng napakaraming war planes kung saan lahat ng makikita nilang gumagalaw ay binobomba nila, wala ni isa ang nakaligtas.

Ngunit sa kabila ng gutom at pagod ng mga sundalo ng Pilipinas ay patuloy pa rin silang lumaban kahit halos kalahati sa mga Pilipino ay pumanaw sa laban na iyon.

Nang dumating ang ika-9 ng abril isang balita ang dumurog sa bawat puso ng mga Pilipinong sundalo.

Kasalukuyang naghuhukay si Danilo sa gitna ng gubat upang makabuo ng malalaking lupa upang gawing armas dahil naubos na ang bala ng kanilang mga baril. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang bumubuo siya ng bato na gawa sa lupa, ibinigay niya iyon kay Samuel at ginamit nila iyon upang ipangbato sa mga Hapon na may mga baril.

Walang takot na ipinagbabato ni Samuel ang mga iyon sa kanila ngunit agad din siyang natumba sa sahig dahil bumagsak sa kanila ang isang bomba na mula sa mga war planes, maswerte at hindi mismo sa kanila tumama ang bomba dahil kung nagkataon ay mauubos silang lahat.

Napa-ubo si Danilo ng ilang beses dahil sa malakas na pagsabog, ang kanilang mga mukha ay puno na ng itim na alikabok. Lahat sila ay nagtago sa isang maliit na pinagdikit-dikit na sako sa pag-aakalang hindi sila makikita ng mga Hapon doon ngunit agad ding lumapit sa kanila ang isang tangke at sunod-sunod silang pinaputukan.

Dahil sa patuloy na pagpapaputok ng mga Hapon ay walang nagawa ang grupo nila Danilo kung hindi umatras sa laban, daan-daang mga sundalo ang bumalik sa baraks upang kumuha ng mga armas. Nagmistula silang mga ahas dahil sa paggapang upang makabalik sa kanilang baraks.

Lahat ay nagtaka dahil biglaang tumigil sa pambobomba ng mga hapon sa kanila. Ang mga lumilipad na war planes ay tumigil at ang putok ng baril ay hindi na naririnig. Sa isang iglap ay tila ba huminto ang digmaan, doon lamang naramdaman ni Danilo ang pagkirot ng kaniyang binti. Tinignan niya ito at ngayon niya lang napansin na nadaplisan ng baril ito kaya't walang tigil ang pagdurugo ng kaniyang sugat, hindi ito ininda ni Danilo dahil ang sugat na iyon ay wala pa sa lahat ng kanilang mga naranasan. Tila ba namanhid na ang kaniyang katawan sa mga ganitong bagay.

Sa kalagitnaan ng kanilang paggapang ay lumapit sa kaniya si Mariano at inabot nito sa kaniya ang mahabang tela. "Ilagay mo iyan sa sugat mo, hindi ka pwedeng maubusan ng dugo. Mahaba-haba pa ang digmaan na ito," saad ng lalaki. Ang tela na iyon ay galing sa sa kaniyang sugat sa binti, hindi pa ganoon naghihilom ang tama ng baril sa kaniyang binti ngunit mas ninais niyang ibigay ang benda upang matulungan ang kasama.

"Salamat," tugon ni Danilo at huminto siya sa paggapang upang itali saglit ang benda sa nagdudugo niyang sugat.

Nang makarating sila Danilo sa baraks ay nadatnan nila ang mga duguan na sundalo na nakaratay sa gitna, samantalang ang iba'y wala ng kalakas-lakas na naka-upo sa gilid. Tila ba lahat sila ay naghihintay sa iaanunsiyo mula sa radyo. Inilagay ng kanilang heneral ang radyo sa gitna at taimtim ang lahat na nakinig dito.

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon