13- Raindrops

88 23 44
                                    

"Hindi," mariin kong sagot sa kaniya.

Inayos niya ang kaniyang pagkakatayo, tanaw ko sa kaniyang mukha ang pagkadismaya.

"Ayos lamang binibini kung ayaw mo'y naiintindihan ko," tugon niya. sabay bawi ng kaniyang kamay na nakalahad.

"Hindi naman sa ayaw ko, ayoko lang mangyari ulit ang nangyari noong huli tayong sumayaw, hindi mo ba naaalala?" tanong ko, napakamot na lamang siya sa kaniyang batok.

Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa naka-bukas na butones ng kaniyang baro dahil malaya kong natatanaw ang perpektong pagkakahubog ng kaniyang balagat (collar-bone) nakatiklop ang mahabang manggas ng kaniyang baro na mas nagbibigay ng dating sa kaniyang kulay kayumanggi na pantalon na may mahabang pisi (men suspender) papunta sa kaniyang balikat. Kapansin-pansin din ang sapatos niyang katad (leather shoes) na may kapareha ng kulay ng kaniyang pantalon.

"Kung gayon ay samahan mo na lamang ako."

Hindi niya na ako hinintay pang makapagsalita dahil hinawakan niya ang aking pulsuhan at hinila ako sa kung saan. Binagtas namin ang hagdanan sa kaliwang banda kung saan wala masyadong tao.

"Saan tayo tutungo?" tanong ko habang pabilis ng pabilis ang paghila niya sa akin.

"Sa isa sa mga paborito kong lugar." nakarating kami sa ikalawang palapag ngunit nilampasan lamang namin iyon at umakyat pa kami hanggang sa makarating kami sa ikalimang palapag (rooftop).

Agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin, ang buong paligid ay nababalot ng dilim at ang kalangitan ay napupuno ng mga makikinang na tala. "Ang ganda rito," saad ko sabay nagtatatalon ako't nagpalibot-libot sa buong paligid upang lasapin ang malamig na hangin. Para akong isang bata na nabigyan ng pagkakataon na makalabas ng bahay. Malawak ang lugar at walang ibang tao rito.

"Halika rito," tawag niya sa akin, agad akong tumakbo papunta sa kaniya sa bandang dulo.

Halos kuminang ang aking mata dahil sa aking nakikita, tanaw ko mula rito ang ganda ng buong Maynila, ang mga ilaw na nanggagaling sa mga estruktura ay tila ba nagsisilbing mga palamuti sa buong syudad. Tanaw ko ang mga naglalakihang gusali at kahit na gabi ay buhay na buhay ang buong Maynila. Pakiramdam ko'y nasa pinakamataas akong lugar at walang makakarinig sa akin.

"Hindi ba't ang ganda?" nakangiti niyang saad habang ang kaniyang tingin ay hindi naalis sa maliwanag na syudad.

"Napaka-ganda!" pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang sandaling ito, nais ko itong alalahanin hanggang sa aking pagtanda. Ang magandang syudad, ang masayang pamumuhay at ang malayang Pilipino, nasa kamay man kami ngayon ng mga Amerikano ngunit ramdam ko ang kalayaan ngunit minsan sumasagi sa isip ko kung kailan kaya makakalaya ang bansang Pilipinas sa kahit kaninong mananakop.

"Salamat!" matapos ng ilang minuto kong pagpikit ay nagawa ko ring magsalita. "Salamat sa pagbabahagi mo sa akin ng paborito mong lugar," saad ko bago tumingin sa kaniya.

"Walang ano man."

"Sabi sa akin ni inay noon na kapag may alam daw akong isang bagay na maganda ay dapat kong ibahagi sa iba... Sayang lang at hindi mo na siya makikilala, sigurado akong matutuwa siya sa 'yo dahil napakabuti mong tao."

Tumingin din siya sa akin at ngumiti ito ng mapait. Walang kurap ko siyang tinitigan deretso sa kaniyang mata.

"Ano ba atang nangyari sa kaniya?" kahit na alam ko na ang sagot na aking makukuha ay nais ko pa ring malaman kung ano ang nangyari. Naalala ko noong una kaming nagkita ay sinabi niya na sinuway niya ang kaniyang ama na pumuntang US upang hindi iwanan ang kaniyang ina.

"Pumanaw siya, tatlong buwan na ang nakalilipas, inatake siya puso dahil sa pagkabigla noong nalaman niyang naglayas ako... at kasalanan ko iyon. Kung hindi sana ako naglayas at hindi ko siya iniwan ay baka naalagaan ko pa siya, hindi sana siya nag-alala sa akin na dahilan ng kaniyang pagkamatay."

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon