"Amalia?" manghang tanong ni Danilo sa akin habang abot hanggang tainga ang kaniyang mga ngiti, ang malalim na lubog sa kaniyang pisngi ay aking malinaw na natatanaw dahil sa kaniyang pagngiti.
Ibinalik ko rin ang mga ngiti niya, hindi ko alam kung bakit ang saya ko ngayong nakita ko ulit si Danilo. Nananabik akong kumustahin siya at maka-usap muli.
"Do you know her?" nagtatakang tanong ni Ms.Williams kay Danilo. "Yeah. She's a friend of mine," tugon ni Danilo.
"Why are you here?" ulit na tanong ni Ms.Williams sa amin.
"Professor Barbara punished us because we did something," tugon ni Lorena. Nagulat ako nang biglang yumuko si Ms.Williams kapantay sa amin at tinulungan niya kaming tumayo ni Lorena, kadalasan kasi ay wala siyang paki-alam sa amin.
"Get up, it's too hot in here," dagdag niya pa.
"But Miss, we can't. Professor Barbara will surely be mad at us," reklamo ni Lorena kay Ms.Williams.
Lumapit naman sa akin si Danilo upang tulungan akong tumayo samantalang tinulungan naman ni Ms.Williams si Lorena. Sa tagal naming nakaluhod ay nanlambot ang aking mga binti nang sinubukan kong tumayo dahilan upang mapakapit ako kay Danilo.
"I'll talk to her. Just get up and follow me," saad ni Ms.Williams nang tuluyan na kaming makatayo ng maayos.
Humiwalay ako sa pagkakakapit ko kay Danilo upang sundan si Ms.Williams na ngayon ay binabaybay ang daan papuntang opisina ni propesor Barbara.
"Kumusta ka na?" mahinang tanong ni Danilo habang sinusundan namin si Ms.Williams, nauuna sa paglalakad sa amin si Lorena at kasabay ko naman si Danilo sa paglalakad.
"Mabuti naman ang aking kalagayan. Ikaw? Kumusta ka na? Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba'y nagtrabaho ka?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"Kalma binibini, isa-isa lamang ang kaya kong sagutin," patawa-tawa niyang sagot sa akin.
"Mabuti naman ang aking kalagayan kung nakikita mo'y malusog pa rin naman ako at kaya ako nandito dahil napagdesisyonan ko na sumunod sa utos ng aking ama dahil wala na akong trabaho," tugon niya habang binibilang niya pa ang mga sagot na binigay niya sa akin.
"Bakit? anong nangyari sa trabaho na iyong pinapasukan?" naka-kunot noo kong tanong sa kaniya habang patuloy lamang kaming naglalakad sa pasilyo ng paaralan.
"Hindi ko natagalan magtrabaho doon dahil hindi kami magkasundo ng aking amo," bulong niya.
"Nagagalak akong malaman na nakapasa ka pala sa iyong pagsusulit. Alam kong medyo huli na ngunit binabati kita." napangiti ako sa ginawa niyang pagbati sa akin ngunit hindi ko mabatid kung bakit kailangan niyang hinaan ang kaniyang pagsasalita gayong kami lamang ang nandito.
"Salamat," saad ko habang abot hanggang tainga rin ang aking pag-ngiti.
"Siya nga pala, kaano-ano mo si Ms.Willia---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil nagsalita si Ms.Williams.
"I'll talk to Professor Barbara, the both of you should stay here. Understand?" tanong niya sa amin nang makarating na kami sa tapat ng opisina ni propesor Barbara.
Nasa dulo ng unang palapag ang mga opisina ng mga propesor kaya't madali kaming nakarating dito.
"Yes Miss," sabay naming saad ni Lorena.
"Should I come?"
Nagtataka kaming napatingin ni Lorena kay Danilo.
Bakit naman kailangan niyang sumama pa sa loob?
BINABASA MO ANG
Catastrophe Between Us (COMPLETED)
أدب تاريخيPangarap o pag-ibig? Pamilya o bayan? Sa gitna ng gyera at labanan, dalawang tao ang paghihiwalayin ng kapalaran. Dalawang taong nag-iibigan na kumakapit sa pangakong walang kasiguraduhan. *** Sa ilalim ng pamamalakad ng mga Amerikano sa Pilipinas a...