14- When in Manila

77 20 29
                                    

"Sa kaluwalhatian ng diyos ama. Amen! Humayo kayo't tapos na ang misa," saad ng padre sa amin.

Agad nagsitayuan ang mga taong kanina'y naka-upo at nakikinig. "Nakaka-iyak ang mga sinabi ng padre," sambit ni Lorena sa akin habang pinupunasan niya ang luha sa kaniyang mga mata.

Kumapit siya sa aking braso bago kami tuluyang lumabas sa simbahan ng San Agustin (Ang St.Augustine church ay tinayo noong 1587 at isa ito sa pinakalumang simbahan sa Maynila na matatagpuan sa loob ng intramuros. Noong panahon ng mga Amerikano't Hapon ay daan-daang mga tao ang nagsisimba rito.) Paglabas namin ay agad na bumungad sa amin ay ang napakaraming mga sundalong nag-eensayo.

Maganda ang sikat ng araw at napaka-aliwalas ng buong paligid, madaming mga bata ang malayang naglalaro sa loob ng intramuros at madami ring matatanda ang nag-eehersisyo.

"Hail, Ateneo, Hail! On the Fray," rinig naming kumakanta ang mga manlalaro ng basketball ng paaralang Ateneo sa hindi kalayuan.

Agad kaming nagkatitigan ni Lorena, "May mga nag-eensayong basketbolista roon! Tara't tignan natin," saad ni Lorena sa akin sabay kinaladkad niya ako papunta sa lugar kung saan maraming studyanteng nag-eensayo.

"Kaya gustong-gusto kong pumunta rito sa Intramuros dahil napakaraming mga kalalakihan, may mga basketbolista, mga manlalaro at mga sundalo," nananabik niyang kwento habang tumatakbo kami palapit sa mga kalalakihan na nakasuot ng walang manggas na damit at pawis na pawis habang nag-eensayo. "Swerte talaga kung makakakilala tayo ng mayaman na pwede nating mapangasawa," dagdag niya pa.

Nang makarating kami sa kanila ay umupo kami sa isang upuan at pinanood namin silang mag-ensayo, may iilan ding mga binibini ang nanunood sa kanila. Hindi maitatanggi na talaga namang matitipuno at matikas sila kaya't napakaraming kababaihan ang nahuhumaling sa mga manlalaro.

"Hail, Ateneo, Hail! On the Fray," kanta ng mga basketbolistang tumatakbo't paikot-ikot sa aming harapan. Malawak ang Intramuros kaya't sapat ito upang pag-ensayuhan ng mga tao.

"Sino sa kanila ang tipo mo Amalia? Mamili ka na biliiiis," maharot na saad sa akin ni Lorena habang sinisiko-siko niya pa ako. Tinignan ko sila isa-isa, halos nasa cuarenta sila kaya't medyo nahihirapan akong pumili.

"Nakikita mo ba 'yong lalaking nakasuot ng itim na sapatos? 'Yong may unong numero sa damit?" tanong ni Lorena sabay tinuro niya pa ang lalaki, agad ko naman itong nakita dahil siya lamang ang may itim na sapatos.

"Ganiyan ang tipo kong lalaki, tignan mo! matipuno, matikas at matangkad!" kinikilig niya pang saad.

Halos mapatalon naman si Lorena sa kilig nang tumingin sa amin ang lalaking tinuturo niyan Nginitian kami ng lalaki dahilan upang lalong mamula ang pisngi ni Lorena.

Ilang minuto rin kaming na-upo at pinanood ang mga manlalaro bago namin napagdesisyonan na kumain.

"Nga pala, mamaya na pala tayo pupunta sa Malate upang dumalo ng sayawan," paalala sa akin ni Lorena. Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad upang humanap ng makakainan.

"Mamaya na ba iyon?" nakalimutan ko na may plano pala kami nila Danilo na pumunta sa sayawan upang magliwaliw.

Nalaman kasi ni Lorena at ni Danilo na hindi pa ako nakakaranas na pumuntang bahay-aliwan (club/bar) dito sa Maynila kaya't pinilit nila ako na sumama sa sayawan.

"Naku, Amalia! Makakalimutin kana," bulyaw niya sa akin.

"Hindi kaya mahuli tayo ni Propesor Barbara kapag tumakas tayo sa dormitoryo? Hindi ba pwedeng sa umaga na lang tayo pumunta?" tanong ko sa kaniya.

"Haaaay Amalia, walang bahay-aliwan na nagbubukas ng umaga!" napabuntong hininga na lamang ako, ayoko sanang sumama sa kanila dahil delikado kapag nahuli kami ng mga propesor sa UP ngunit hindi ko matanggihan lalo na't pagdating sa sayawan.

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon