08- Serendipity

101 33 79
                                    

Sira-sira at punit-punit ang lahat ng aming mga damit. "NASAAN SI CECILLIA?" galit na sigaw ni Lorena, lumingon siya sa direksyon ng kama ni Cecillia ngunit wala na ito roon.

Nanlumo ako nang makita kong maigi ang sira-sira na mga damit, halos lahat ng bagong bestidang binigay ni mama sa akin ay sira na. Halatang may nagsira at gumupit ng mga ito.

"Inggitera talaga iyang si Cecellia, sinasabi ko na nga ba't may masama siyang binabalik. Kung makatingin siya sa atin kahapon ay halatang may gagawing masama," galit na sabi ni Lorena habang nagsusuot siya ng baro.

"Ngunit bakit niya naman ito gagawin?" nagtataka kong tanong.

Kumuha ako ng bestida na nakalagay sa kabilang aparador at isinuot ko ito.

"Malamang ay dahil naiinggit siya. Wala kasi siyang kaibigan kaya't ginawa niya iyan," saad niya nang matapos na siya sa pagbibihis.

Tinapos ko na rin ang aking pagbibihis at nanggagalaiti akong naglakad palabas.

"Malamang ay nasa ibaba siya," saad ni Lorena sabay lakad palabas.

Nagmamadali kaming pumunta sa pinaka-ibaba ng dormitoryo upang sugudin si Cecillia. Alam naming nandoroon siya dahil doon nagtitipon-tipon ang mga studyante tuwing umaga upang mag-almusal.

Mabilis kaming nakarating doon dahil nasa ikalawang palapag lamang ang aming silid. Hindi kami nabigong makita si Cecillia dahil nasa sala siya at nakikinig ng casset tape. Nang makita namin siya ay agad kaming tumakbo papalit sa kaniya.

Hinila pataas ni Lorena ang balikat ni Cecillia dahilan upang mapatayo ito sa kaniyang kinauupuan.

"Anong ba ang kinikimkim mong hinanakit sa amin at kailangan mo pang manira ng gamit?" bungad ni Lorena habang pansin ko na humihigpit ang pagpisil niya sa balikat ni Cecillia.

"Nawawalan na ba kayo ng bait? Ano ang mga pinagsasasabi niyo?" nakataas na kilay na tanong ni Cecillia sa amin.

Aba! At siya pa ang may ganang magtaas ng kilay sa amin.

"HOY IMPRIMITIDA! Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Alam naman namin na ikaw ang nagsira ng aming mga damit!" sigaw ko sa kaniya.

"HOY ESTUPIDA! wala kayong sapat na ebidensiya para pagbintangan ako," pagbalik niya ng sigaw sa akin at dinuro niya pa ako gamit ang kaniyang Daliri.

Hindi namin napansin na napukaw na pala namin ang atensyon ng mga studyante na nandirito.

Sinampal ko ang daliri niya na nakaduro sa akin dahilan upang magulat ang lahat ng nanonood. "At sino ka para duruin ako?!" galit kong saad.

"Ako lang naman si Cecillia Alcantara Valle at sigurado akong kilala mo ang tatay ko," mayabang niyang saad.

"WALA KAMING PAKI-ALAM KUNG SINO MAN ANG ESTUPIDONG GUMAWA SA IYO! Ano ba ang galit na kinikimkim mo sa amin at kailangan mong sirain ang aming mga damit?" tanong ulit ni Lorena sabay tulak ng malakas kay Cecillia dahilan upang mapa-upo ito sa sahig.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Cecillia sa ginawa ni Lorena sa kaniya.

"Magkano ba iyang mga damit niyo at babayaran ko na lang. Panigurado naman akong mumurahin lang ang mga iyon dahil mga dukha lamang kayo!"

Napaka-yabang talaga niyang magsalita, palibhasa't anak siya ng isang mayamang negosyante kaya't ganyan siya umasal.

Aakma sana siyang tatayo ngunit agad ko siyang tinulak dahilan upang humampas lalo ang kaniyang katawan sa sahig, napalakas yata ang aking pagkakatulak dahil narinig ko siyang dumaing ngunit wala na akong paki-alam doon dahil nadadala na ako ng aking galit.

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon