Marso 1941 (79 YEARS AGO)
Amalia's POV"Maraming salamat po," saad ko pagkatapos iabot sa akin ng babae ang bilyete (ticket) ng akin tren.
Hawak-hawak ko sa aking kaliwang kamay ang mga damit at mga kakailanganin ko sa akinh pagpunta sa Maynila upang kumuha ng pagsusulit sa UP-Philippine General Hospital school of nursing.
Matagal ko ng nais na maging isang nurse at nang may mga Amerikanong nag-alok ng libreng pag-aaral sa Maynila ay agad-agad ko ng tinanggap. Kailangan ko lang daw maipasa ang pagsusulit (entrance exam) upang matanggap ako. Sumang-ayon naman ang aking mga magulang sa plano kong pagpunta sa Maynila.
Ang aking amang sundalo ay nakadistilo ngayon sa Maynila upang maghasa ng kabataan na nais maging sundalo. Kung magkataong makapasa ako sa pagsusulit, makakasama ko siya sa Maynila.
Maganda ang sikat ng araw at napaka-ganda ng kalangitan. Malakas ang hangin at tinatangay nito ang aking suot na bulaklaking bestida at ang balabal na nakabalot sa aking ulo.
Matapos kong makuha ang bilyete ay dumiretso na ako sa sakayan upang naghintay sa pagdating ng tren.
Malayo-layo ang paglalakbay na aking tatahakin. Madami pa akong stasyon ng tren na dadaan bago ako makarating sa Maynila at baka abutin ako ng magdamag sa biyahe.
Ilang minuto rin akong naghintay bago may tumunog na napakalakas na busina, sensyales na papadating na ang tren. Mula sa hindi kalayuan, natanaw ko ang usok na nanggagaling sa tren.
Dali-daling nagsitakbuhan ang mga tao palapit roon. Ang iba ay may mga dalang bote ng tubig, ang iba naman ay nagbebenta ng mga nakabalot na kanin at ulam.
Nang huminto ang tren sa aking harapan ay nakipag-unahan akong makapasok sa loob. Ang mga nakasakay na pasahero sa tren ay dumungaw sa bintana upang bumili ng mga binebenta ng mga tao. Nagmistulang palengke ang stasyon dahil sa dami ng mga nagbebenta. Ang iba ay nagtatawanan at nagbobolahan pa upang makabenta. Samantalang ang mga pasahero naman ay aliw na aliw dahil napakadami nilang mapagpipilian.
BINABASA MO ANG
Catastrophe Between Us (COMPLETED)
Historical FictionPangarap o pag-ibig? Pamilya o bayan? Sa gitna ng gyera at labanan, dalawang tao ang paghihiwalayin ng kapalaran. Dalawang taong nag-iibigan na kumakapit sa pangakong walang kasiguraduhan. *** Sa ilalim ng pamamalakad ng mga Amerikano sa Pilipinas a...