Special Chapter 3

26 0 0
                                    


Patrick's POV

Sinasabi na nga iba talaga kutob ko sa hot spring na pupuntahan namin.

Sa sobrang pagod ko sumandal muna ako sa pader. Mula kanina pang alasais ng umaga kami umalis sa bahay at ngayon mag-alasdyis na kailangan naman namin umakyat ng bundok dahil doon nakapwesto ang hot spring na pupuntahan namin.

"Hot spring! Hot spring! Hot spring!" Nagtatalon na takbo ni Hoshi. Mamaya lang tumigil ito sa tapat ko.

"Kaya mo yan Pat!"

"H-Hindi ka ba napapagod?" Hingal na hingal na tanong ko.

"Ha? Hindi naman. Lalo na alam ko naman pupuntahan natin!"

>_<

Sobrang energetic talaga ni Hoshi. Inaayos ko ang sarili ko at hanggat maari huminga na ako ng malalim. Sobrang layo pa ng lalakarin namin.

"Sir kaya niyo yan!" Pagcheer sa akin nong kasama namin. Nagaassist din ito sa kuya ni Hoshi. Speaking of kuya ni Hoshi, halos hindi nga makapaniwala na parang nagja-jogging lang ito kanina.

Tumingin ako sa malayo at nakitang malayo-layo na ito sa amin.

"Ano bang pinagkakain ng mga hapon? Bakit ganito sila kalakas at kaenergetic?" Wala sa sariling pagtatanong ko. Ligong-ligo na rin ako sa pawis.

"Kumakain sila ng gulay sir,"

Literal na nagulat ako sa sumagot sa tanong ko at nakita yong lalaki na nakasama namin ngayon.

"A-Ano nga pong pangalan niyo,"

"Bimo po,"

"Wow ang cute naman ng pangalan niyo."

"HAHAHA, Ilang beses ko na yang narinig."

"Tara na?"

Madali akong tumango at naglakad muli. Habang naglalakad pakiramdam ko nawawalan na ako ng lakas sa sobrang pero...

Hindi ako susuko.

Alam ko na isa ito sa pagsubok sa akin ng kapatid ni Hoshi kaya hindi ako susuko.

Tinibayan ko ang loob ko ay mali ang binti ko. Naglakad-lakad na muli ako kasabay ni kuya Bimo since matanda siya sa akin tatawagin ko siyang kuya.

Ilang oras pa ang nakalipas at sa wakas nakarating kami sa pupuntahan namin.

"Onsen?" Basa ko sa malaking kahoy kung saan nakasulat yong salitang 'Onsen.'

"Onsen ang ibig sabihin niyan dito sa japan ay Hot spring."

Ito na naman bigla na lang nasulpot si kuya bimo sa harap ko at magsasalita. Kakagulat tuloy...

"G-Ganon po ba,"

Naglakad-lakad muli kami at hinayaan ko muna si Hoshi kasama ang kuya niya. Panigurado namiss rin ni Hoshi ang kuya niya dahil sa pagkakaalam ko matagal din silang hindi nagkita.

Mamaya lang naabutan namin yong magkapatid at tuluyan na kaming nakapunta sa pupuntahan namin.

"Anong meron dito?" Naguguluhan na tanong ni Hoshi. Maski ako parang takang-taka sa paligid.

"Pumasok na tayo," anyaya ni Bimo sa amin at agad ditong sumunod ang kuya ni Hoshi.

Habang naglalakad, ewan ko ba parang nakakakilabot dito sa loob, maliwanag naman pero...bakit parang malamig, isa pa ang tahimik parang wala pa akong nakikitang tao o guest man lang.

Anong klaseng lugar ito...

"H-Hoshi," gulat na imik ko kasi bigla itong hinawakan ang braso ko. Sa mata niya palang kita ko rin na natatakot siya.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon