Chapter 85: Mistake

420 13 1
                                    


Geyl's POV

Nagising ako sa making sinag ng araw na tumama sa mata ko. Dahan-dahan kong minulat ang Mata ko pero pakiramdam ko nahihilo parin ako. Pilit kong nilibot ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako.

Nasa kwarto ako? Paano? sa pagkakatanda ko nasa tabing dagat ako kagabi. Umupo ako sa kama at nagtataka ako ng marealize hindi ko ito kwarto. Oh shit. Napadako ang tingin ko sa isang bag at halos manlaki ang Mata ko ng mapagtanto kung kay nino yun.

Nasa kwarto ako ni Gimena?

Nagmamadali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Anong ginagawa ko sa kwarto niya, maglalakad na sana ako pabalik sa hall way pero...

0_0

Muntikan na akong atakihin sa puso ng makita ko si Gimena nakahilata sa labas ng kwarto niya. Sa daan pa talaga nakahiga.

"But you can't even kiss a guy. Wala ka parin palang pinag-iba sa mga ibang babae." 

"I thought your unique."

"I can kiss a guys if I want."

"Why not? try it to me."

"I just stole your first kiss."

KINGINA!

Agad nanakit ang sintido ko. Hindi ako mapaniwala sa sarili ko, Lalo na paulit-ulit sa isipan ko ang nangyari kagabi. Paano? Paano kami na uwi sa ganon? Muli kong tinignan si Gimena na ang sarap-sarap ng tulog sa sahig. Napadako ang tingin ko sa mukha nito at bumaba ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako bigla, ramdam at dama ko parin ang malambot na labi nito.

B..Bakit ko hinayaan mangyari yun?!

Nagmamadali akong iniwan siya, Napahawak ako sa noo sa sobrang stress. Anong gagawin ko? teka may pasabi-sabi pa siya hindi siya nalalasing, I'm sure makakalimutan niya ang nangyari kagabi.

Pero paano ako napunta sa kwarto niya? wala sa wisyong napatingin ako sa katawan ko. Mali. Walang nangyari. Arghh bakit ba ako natatakot at kinabahan ng ganito. Kingina! Kingina!

This is all MISTAKE! for Pete's sake!

Papunta na ako sa room ko pero hindi ko inaasahan ang na makikita ko si Sinteya at kiel na lumabas sa isang kwarto. Agad akong nagtago sa sulok na parang tanga.

What the fuck.

Bakit ako nagtatago? Nababaliw na ako. Nagmamadali akong hinirap sila. Nanlalaki ang Mata nila ng makita ako. Pinagmasdan ko silang dalawa lalo na si Sinteya bakas ang kaba sa mukha nito.

"G...Geyl."

Mariin kong tinignan si Kiel.

"Care to explain? bakit na sa iisa kayong kwarto?" seryoso na tanong ko sa kanila. Nagka-ayos na ba sila?

"Geyl ano..." nagaalinlangan na sabi ni Kiel.

"Sinteya, kakausapin ko lang si Kiel." pamamaalam ko dito at nauna akong maglakad papunta sa bench, ramdam ko ang pagsunod sakin ni Kiel. Umupo ako sa upuan at umupo din siya sa harap ko.

"Geyl...Ano."

"Tsk."

"Kami na ni Sinteya." pag-amin ni Kiel at napakamot pa ito sa batok.

"Wala akong problema don."

"Salamat geyl."

"Pero.."

"Pero?" kabadong imik nito at seryoso ko siyang tinignan.

"Once na saktan mo ang kaibigan ko, ako mismo ang maglalayo kay Sinteya sayo." banta ko sa kaniya at kita ko ang paglunok nito.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon