Chapter 18: Reunion

742 19 0
                                    


Sinteya's POV

Whoa grabe ang bilis ng araw sabado na magkikita-kita na kami.

At grabe hindi ko inexpect na kaya kong tiisin yung katabi ko sa school.

Sa tuwing maaalala ko ang Ezekiel na yun para akong binabangungot.

Paano ba naman siya lang naman sumisira ng araw ko sa school kainis nanggigil ako sa Kiel na iyon.

Asan na ba sila phoebe?! ang tagal nila naboboring na ako dito sa meeting place namin.

"Sinteya!" sigaw ni phoebe at naglakad siya papunta sakin at nakipag beso din.

"Sinteya asan na sila? sila Geyl?" exited niyang tanong.

"Aba malay ko hanapan ba ako ng nawawalang tao? aray--" paano ba naman hinampas ako sa braso.

"Napaka pilosopo mo kasi!" sigaw niya.

Nandito kami ngayon *Nameless Bar* Ewan ko kung bakit ganyan name ng bar pero para sakin cool ang da-ting.

"Sorry na agad." paghingi ko ng tawad.

"Ok, kamusta pag-aaral mo?! baka lalaki ang inaatupag mo." pagtatanong nya na kinagulat ko. Dinaig pa magulang ko kung makapag tanong at anong lalaking inaatupag?

"Okay lang naman kaso ayon basag trip si tadhana kasi yung lalaking mayabang na nakilala ko sa Enchanted ay transferee lang naman sa school na pinapasukan ko at higit sa lahat classmate ko siya." mahabang paliwanag ko.

"Pftt haha." aba tinawanan pa ako nito.

"Gwapo ba?!" pagtatanong nya. Ang landi nito.

"Oo pero mayabang." napapailing na sabi ko.

Duh. Oo gwapo siya pero sobrang hangin.

"Hahahaha" tawa niya ulit. Baliw na ata 'to.

"Hi Sinteya! Phoebe!" sigaw ni mikay at kasama nya si Hoshi at Geyl?

Omg lalong gumanda si geyl kaso ayon parin 'yong maton niyang kilos akala mo lalaki hays.

Umupo na sila sa table parang gusto kong umiyak kasi after one year nagkita kita ulit kami.

"Kyah we miss you geyl!" sigaw ni phoebe at Pftt halatang nairita si geyl.

"Kaya nga na miss ka namin!" sigaw ko din.

"Geyl 'yong pasalubong namin." hirit ni mikay.

"Nasa kotse." maikling paliwanag ni geyl kahit kailan hindi nagbago 'to sobrang ikili ng sinasabi.

Tapos halos lahat kami nila phoebe, mikay at hoshi ay naka dress samantalang siya naka hoodie tapos pantalon kahit kailan wala sa fashion ang babaeng 'to.

"Yehey mamaya kunin natin." masayang sabi ni mikay

"Kamusta sa state?" pagtatanong ni hoshi.

"Masaya." Maikling paliwanag ni geyl.

"Mukha ngang masaya." sarkastikong sabi ni mikay.



Hoshi's POV

Wah grabe kinakabahan ako paano ko sasabihin sa kanila about sa contract na iyon.

Kaagad kong kinuha yung wine at naglagay sa baso ko.

"Kaya nga." imik ni sinteya at tawanan nila.

kanina pa kami nagkwe-kwentuhan about sa mga memories naming magkakaibigan.

"Naaalala ko pa nun yung takasan natin 'yong guard sa school haha." Banat ni Phoebe.

"Hahaha." tawa namin naalala ko iyon grabe ang saya namin ng araw na 'yon.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon