Chapter 21: Pinsan

719 19 1
                                    

Geyl's POV

"Ano? susuotin ko yan?!" Sigaw ko at sabay turo sa uniform na nasa office desk dito sa school.

"Whether you like it or not you will wear that uniform" mataray na sabi ng bago kong assistant arghh

Magsusuot ng uniform?! like what the hell kailan pa 'yon naging pamantayan ng pag-aasikaso sa school na'to.

"Tsk," singhal ko.

bwisitt ka andrew!

"And hindi dapat malaman na ikaw ang nagpapatakbo ng school na'to it should be secret." paliwanag niya sabay nakipag titigan sakin.

Tibay din nito, hindi natitinag sa titig ko kung suntukin ko kaya 'to?

"Pwede ka ng umalis."

"You should respect me kahit assistant lang ako." mataray na sabi niya. Kapal talaga ng mukha.

"Ano ba kita?" iritadong tanong ko sa kaniya.

"A..Assistant," mahinang sabi niya kaya napangisi ako.

"Matuto kang lumugar tandaan mo yan at saka respeto?! tatay ko nga hindi ko marespeto ikaw pa kaya? hindi nga kita kilala or hindi kita kamag-anak, wag kang demanding sa'kin. Ang pinagkaiba lang natin matanda ka at bata ako, alis na." mahabang sabi ko at napaphiyang napayuko ito.

Pero mamaya lang nag-angat siya ng tingin at masamang tingin ang pinukol sa akin.

"Ito ang tatandaan mo, Balang araw makakaharap mo ang katapat mo at pag nangyari 'yonn tatawa na lang ako ha ha ha." galit na sabi niya at tuluyang umalis sa opisina ko.

>_<

"Baliw," bulong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa uniform ng University na'to. Nakakainis kailangan ko pang isuot ang uniporme nila at higit sa lahat ang palda na hindi naman masyado maikli pero para sa akin maikli tapos fitted na ata uniform dito.

Akalin mo nga naman na kung kailan ako nawala at hindi na ako sa school na ito, ngayon ko pa matutunan na magsuot ng uniform.

>_<

Napatingin ako sa relo ko, 12:30 na lunch na sakto nagugutom na rin ako.

Tatawagan ko na si sinteya para sabay na kami.

"Hello?"

"Ako to," maikling sabi ko.

"Ha?" naguguluhang pagtatanong niya.

"Tsk,"

"Geyl!" sigaw niya kaya naman inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Sabay tayo mag-lunch magkita tayo sa canteen." paliwanag ko sabay baba ng tawag.

Kaagad ako nag-asikaso para suotin 'yong uniform na ito. May maliit naman na CR dito sa office kaya doon na lang ako magpalit.

Ilang minuto din nakalipas ng matapos ako ayusin ang sarili ko. Nagtali na ako ng buhok dahil sa sobrang init ngayon ng panahon. Sinuot ko din ang black shoes na kasama ng uniform.

Mukha na talaga akong studyante muli sa S.U

Lumabas na ako ng office para lang akong normal na studyante na pupunta ng canteen ngayon.

Kakapasok ko palang napansin ko na agad ang pagbabago sa loob nito. Dumami ang table tapos nadagdagan ang tindahan.

>_<

Ganon parin ang mga studyante 'yong iba nakikipag-landian 'yong iba wala lang. May mga magkakasama o magkakatropa at ang huli napatingin ako sa table sa dulo kung saan nandoon ang mga basagulero na studyante.

My Psycho Fangirl (Love Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon