Patrick's POV
"Ramdam ko nga, alam ko iyong kuya Hakiro ko may pagkasuplado pero palangiti siya noon. Ayon ang natatandaan ko sa kapatid ko. Sobrang naguguluhan ako sa nalaman ko ngayon, hindi ko man lang napansin na may pinagdadaanan siya." pahayag ni Hoshi at tingin ko labis itong nagaalala sa kapatid niya ngayon.
Masyadong kumplikado ang sitwasyon ni Hoshi at ni Hakiro pero kung may natutunan man ako ay iyon ang hindi masosolusyunan ang problema hangga't hindi nakakapag-usap.
Walang sikretong hindi, nabubunyag.
Si Hakiro, kailangan niya ng tulong.
At tama si Bimo. Tingin ko si Hoshi ang makakatulong kay Hakiro, si Hoshi lang ang makakapag-pagaan sa loob nito.
-
-
-
-
Gabi na at nang masigurong nakatulog si Hoshi kinumutan ko na ito at umalis sa kwarto niya. Sobrang malungkot parin ito, ngayon tuloy hindi niya alam kung paano lalapitan ang kapatid niya matapos malaman ang pinagdadaanan nito. Gaya ko gusto niyang gumawa ng paraan pero hindi rin alam ang gagawin niya.Naawa ako kay Hoshi, alam kong maramdamin at maemosyon siyang tao. At sa sobrang bait niya kahit problema ng iba, prino-problema rin niya at gusto itong solusyonan.
Papasok na sana ako sa kwarto na kinatutuluyan ko pero isa na namang bote ang tila nabasag hindi kalayuan sa akin. Kaya dahan-dahan akong pumasok sa kwarto na malapit sa akin, mahirap na baka may magnanakaw nakapasok sa mansion nila Hoshi.
Dahan-dahan lang ang ginawa kong paghakbang...
Nang makapasok ako sa kwarto, wala itong ilaw sobrang dilim. Nabalot ako ng kaunting takot kaya hinanap ko kaagad ang bukasan ng ilaw at nahanap ko naman agad ito.
Pagbukas ng ilaw bumungad sa akin ang nakahandusay sa sahig na si Hakiro. Sa sobrang gulat at taranta agad ko itong nilapitan.
"H-Hakiro? Hakiro?" tawag ko rito. Umaalingasaw ang amoy ng alak sa buong katawan nito. Kapwa nakapikit ang mga mata nito tila ba nakatulog na.
"Hakiro?" Tawag ko muli at kumalma ako ng makitang dahan-dahan nitong imulat ang mata. Tila natauhan ito at bumangon ng mag-isa niya, agad siyang sumandal sa gilid ng kama niya.
"A-Ayos lang po ba kayo?" Paniniguro ko. Hindi niya ako sinagot at mukha talagang wala siyang balak magsalita. Kaya naisipan ko na hayaan na lang siya at niligpit ko na lang ilang kalat sa kwarto niya. Maski ang mga alak na may laman na nagpagulong-gulong na sa sahig. Buti na lang hindi ko naapakan ang isa sa mga iyon nong pumasok ako.
Lasing-lasing si Hakiro.
Hindi ako pamilyar sa iniinom niya pero halos sampong bote ang naubos niya.
Dinaig niya pa lasinggero sa kanto sa maynila.
Pero isa lang batid ko nong oras na iyon, si ate Yanna ang dahilan ng paglalasing niya o baka dala nga ito nong trauma at depresyon niya.
Bakit ba kasi pinahihirapan niya ang sarili niya? Bakit hindi niya na lang siya umamin at magpakatotoo.
Si Bimo na nagsabi at nagpatunay, may nararamdaman parin si Hakiro kay ate Yanna.
Muling dinako ko ang tingin ko kay Hakiro.
Ano bang pumipigil sa lalaking ito? Ano kaya ang dahilan niya?
Awtomatikong naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng makitang mulat na ang mata nito at nakatingin ng diretso sa akin. Taka pa ako ng i-tap niya ang tabi niya tila pinapunta ako sa tabihan niya.
No choice kaya tumabi ako sa kaniya, sumandal rin ako sa kama.
Gaya ng sabi ko, kailangan ng tulong ni Hakiro, kailangan nito ng tao sa tabi niya, taong handang unawain siya.
BINABASA MO ANG
My Psycho Fangirl (Love Series #1)
Fanfiction(COMPLETED) Nagmahal ngunit iniwan yan ang nangyari sa buhay ni Hoshi Mina Imperial matapos siyang iwan ng taong pinakamamahal niya. Taon ang lumipas sa kalagitnaan ng sakit at lungkot na dinaramdam ni Hoshi makikilala niya ang isang baguhan at bata...